hey guys and gals. dito na ako maglalagay ng kung anu-anong maiisip kong sabihin. nahihiya na kasi ako pag puro kuwento na lang ang ginagawa ko sa ibang blog eh. hehe...
simulan natin sa panaginip ko kagabi. grabe, bad trip yun.
and my dream: super disaster yung yearbook ng upis batch 2002. grabe. nag-start yun nung nakita ko yung copy ng yearbook from my batchmate. naisip ko, grabe naman, bakit nauna pa silang nakakuha ng yearbook kaysa sa staff? ni hindi nga namin alam na lumabas na nga yun eh.
hiniram ko yung kay jan mike. pag-open ko ng pages, grabe. yung collage, puro pictures ng x-men. mukhang ewan talaga. tapos puro writeup ng x-men yung nandun. binago rin ng press yung lahat ng layouts. every yearbook copy comes in different cover colors. yung cover ng nakuha ko, orange at green. lahat dapat blue eh. yung kay jan mike, blue at yellow naman. nahihiya ako sa mga 02 sa paligid ko dahil ang sama ng tingin nila sa akin.
tinawagan ko agad yung press sa cell. sabi nila, tinawagan daw nila ang ate ko at sinabing puwedeng baguhin ang layout. ano namang kinalaman ng ate ko sa yearbook di ba? nagtanong ako kung saan sila puwedeng puntahan para makausap, pero sabi nila, nasa negros na ang office nila. ano ba yun.
tinawagan ko si ryan. di rin niya alam na lumabas na pala ang yearbook. kinuwento ko ang lahat. nabad trip kaming dalawa. ewan ko ba. nagpa-panic na talaga ako nun.
tapos... bigla akong nagising. grabe, mura ako ng mura. akala ko talaga totoo ang mga pangyayari. buti na lang hindi.
oh well, sana kabaliktaran ang mangyari.






0 Comments:
Post a Comment
<< Home