in memory of apple (1994-july 4, 2003)
i've known her too well. i love her very much. 9 years kaming magkasama. bago ako matulog, lagi kong tinitingnan kung tulog na siya. lagi ko siyang tinatawag pag nanggigigil ako sa kanya.
siya yung pinakamatagal nabuhay na aso sa amin. grade 3 pa lang ako nung nakuha ko siya. at isa pa, isang beses pa lang akong nakagat ng aso. at siya yun. ang weird no. kung sino pa yung amo, siya pa ang kakagatin. inawat ko kasi sila nung nag-aaway sila nung isa pa naming dog (wala na rin).
di ko talaga matanggap. ang hirap. mukhang mababaw para sa iba, pero talagang naiyak ako pag-uwi ko ng bahay. 9 years ba naman kasi kaming nagsama. small puppy pa siya nung nakuha ko, tapos ngayon, ilang beses na siyang nanganak... at yun din pala ang tatapos sa buhay niya.
di ko na tuloy alam kung ano'ng gagawin sa apat na puppies na naiwan niya. 3 weeks old pa lang sila...
kung nasaan ka man, mahal talaga kita. pasensya na kung hindi ko yun naiparamdam sa iyo ng mabuti...
ang lungkot ng linggong ito. apat na deaths na ang nalaman ko. nung tuesday, dad ni kuya carl. nung wednesday, close friend ni deb. kahapon, relative ni sir o. tapos nung pag-uwi ko... nalaman kong nakalibing na si apple. di ko man lang nakita...
anyway, exam na bukas. wala pa rin akong alam...






0 Comments:
Post a Comment
<< Home