Wednesday, August 27, 2003

finally... tapos na ang araw na ito!!! *tear*

ito na siguro ulit yung araw na sobrang gamit yung utak ko... sobrang napiga na talaga. sa pe exam pa lang, medyo di ko alam isasagot ko sa mga tanong lalo na sa practicals. umalis ako ng maaga for my oral report. pagdating sa AS, ako unang nag-report. maikli pero di naman ako tinanong masyado ng prof., kaya medyo masaya. hehe... tapos nag-aral ako ng onti sa fisik habang may nagre-report... tapos pumunta muna akong casaa't bumili ng tuna sandwich and iced milo. pagdating sa bio, kinain ko yung food. pero sinabi ni madel na masama kumain pag mage-exam na. dapat one hour before. so di ko rin inubos. masunurin talaga. haha... sa barkada, 12 kaming naka-white! ako, madz, lorce, kay, ben, jax, den, cham, jiddu, rosie, gaux, kev. tapos... si sir din! haha... napansin nga niya eh. =)

after the exam, sobrang tuwang-tuwa na ako. naisip ko agad, time to unwind. natapos din ang six hell hours. hehe... nag-text saken si mapat na pupunta siyang upis kaya akala ko, di na kami magkikita. kaya sumama akong mag-lunch sa kfc with kevs, jik, madz, jax and ben, tapos dumating din si nins. nandun din sila ato at sara pero di namin kasama. after eatin', tambay kina nins. andaming pumunta dun... ako, jik, kevs, ben, madz, ato, sara, rosie, deb, drea, jason, carlo, aizza... ah basta! =) nandun kami hanggang past 6:30.

sinamahan ko naman sina madz at jik sa vargas museum para sa poetry reading. si sir turgo ang host! hehe... nandun sina jax, lozzie at jiddu. nakita ko rin si kring! miss ko na siya... pagdating ng 7:40, pumunta akong mcdo philcoa para puntahan sina donna at pumunta sa bahay nina rach. despedida niya eh. babalik na siya bukas sa states, 8a.m. ang flight. pagdating ng mcdo, wala na sila. sina zan at alej ang nakita ko. kaya ayun, sumakay ako mag-isa't naglakad, hanggang makita ko sa kanto ang upis2002 peeps...

donna, pauline, ken, rika, claudy, fides, paolo, cathy, vic, rachel... mga taong kanto. hehe... buti na lang nandun sila. at least di ako nawala. =) dumiretso na kami sa bahay nila at kumain! walang tigilan na hiritan at picture-taking ang naganap (lagi naman eh!)... masaya talaga! nakausap ko rin dun si mapat... pumunta pa pala siya sa AS! di man lang nag-text saken... sniff... hehe... sayang, di ko siya nakita. nakausap ko rin sa phone si sherwin. hehe... talk. nalaman ko nga rin palang nasa hospital si pre. dengue. sana gumaling siya agad...

umalis kami dun ng past 10. kasabay ko sina ken, cathy, rika at pauline. pagdating sa babaan ni rika, pumutok ang gulong ng jeep! so naglakad kami mula glori's hanggang aurora... sinamahan ko pa sila kasi ayoko pa umuwi. =) nag-usap-usap lang kami... nakakamiss na talaga ang mga tao.

at heto ako ngayon, kinakailangan nang matulog dahil may meeting pala kami ng 8:30 for lab report. hehe... sige na nga, makatulog na.

mahirap nga ang simula ng araw na ito, pero sobrang saya sa huli...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home