Tuesday, November 11, 2003

5 am... medyo mas maaga akong nagising ngayon... 4:30 am! hehe. di ako nakapag-blog kagabi dahil sa sh*t na taong 'yun. bad trip!

anyway, monday? first day of classes. medyo nakakapagod din, yet masaya. ako nag-drive papuntang school, at nag-park sa eng'g. sayang, inuwi ni dad yung car. nagpa-sign lang ako sa arki, tapos nalaman kong di na-open yung petition namin. oh well. pumasok ako ng physics and math, pero di makapag-sign ng classcards dahil di pa bayad. iba na nga pala classcards ngayon. panget! hehe.

nag-lunch kami nina dax, meg and kats sa casaa. then pumunta kami sa arki ni meg para sa some reg stuff. sumuko na ako, so nagpa-18 units na lang ako.

pagbalik ng AS, dapat sasamahan kong kumain sina meg and kish, pero kish had to go. nag-isaw kami nina dax, abby, meg, liz, fyds, miks and jenny sa may ilang-ilang. sobrang nagutom ako nun, bumili pa ako ng gulaman at ice cream sa sc. yum!

pagbalik ng AS, sa parking lot, ryan talked to me. may kinuwento siya. oh well. tsk tsk... hanggang pag-uwi ko ng bahay, problemado pa rin ang tao pag-open ko ng ym. makausap nga namin siya ni gee ngayong araw na 'to...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home