Wednesday, December 03, 2003

whew...

for the past three nights, i had weird dreams... i dunno kung bakit ganun ang mga nangyayari. kaya everytime nagigising na ako, medyo napapaisip ako.

here goes.

sunday

pagdating ko rito sa bahay, biglaan na lang sinabi sa aking aalis na kami papuntang states kinabukasan. sobrang nabigla ako nun. weekday pa man din yun so may class pa. sobrang di ko alam gagawin ko nun. di ko na nagawang magparamdam sa mga kaibigan kong aalis na ako the next day.

sa airport, i texted ryan. sabi ko aalis na ako. nag-sorry na lang ako kasi too late ko nang sinabi. di na nila ako makikita dahil nasa airport na nga ako eh. di ko man lang sila nakita bago ako umalis. after kong mag-text, pinatay ko na cellphone ko. ang weird, pero naluha ako nun. haay.

monday

birthday ko kinabukasan. so pumunta ako sa isang weird na chapel. di ko nga lang maalala kung sino mga kasama ko. pero may dala akong kotse. sa loob, nakasama ko bigla sila mac at kel. haha, may weird na nangyari samen. ayoko nang i-discuss dito. ;p ang mas weird pa, nung pauwi na kami, sabi ko commute muna ako tapos babalikan ko yung kotse maya-maya. pagkarating ko sa bahay, nakatulog ako agad! di ko na nakuha yung kotse!

kinabukasan, marami akong nakitang mga kaibigan sa garage namin. birthday ko na! pero paglabas ko, nawala lahat! nandun na yung car ko, at nasa loob sina wacky, chano, dax, red, donna at mga di ko na naaalala. haha. anlabo. tapos nagdatingan sina gee, klara, ryan, claudane, angel t., fyds... haha di ko na maalala yung iba... at nag-party na kami rito. weird. wahehehe...

tuesday

naglalakad kami nina gee, ryan at dax sa mga kalyeng hindi ko alam kung saan. at... biglang umulan! nabasa kami... at naghanap ng tricycles. naunang sumakay sina gee at ryan, tapos sumunod kami ni dax. hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari eh. ang naalala ko na lang, dumating na ako sa bahay... may 2 weird people na dumating. namamaril ng pellet gun yung lalaki. some sort of limos yata ginagawa nila eh. pero ang mas weird at bad trip dun, nung dumating dad ko, sobrang bad trip siya. pinagbabaril din niya kami ng pellet gun. sa sobrang galit, minura ko siya at tumakbo palabas ng bahay. hinabol niya ako. takbo ako ng takbo at...

nagising na ako.

haay. ang weird ng dreams ko lately. bakit kaya ganun? haay. sana walang magkatotoo sa mga yun.

oh well. sobrang bad trip ako rito sa bahay. siniraan pa ako ni ate sa kausap niya kagabi sa phone. well, bitch naman siya eh. leche. bad trip siya. feeling niya siya laging tama. tapos kani-kanina lang, while typing this, mom told me to join a singing competition. choir of 20. may 10 na raw. tapos next wednesday na. duh. one week na lang to practice?! tapos di ko pa kilala yung 10 people. maghanap pa raw ako ng 9. anlabo. tapos sobrang dami ko pang acads work tulad ng plates. di talaga sila makaintindi. bakit daw nag-practice pa ako nun ng dance for kaye-ann's party. eh hello? sem break na kasi yun! at yung kakantahan kong debut ni kay? duh. at least di yun competition at di na kelangan ng sobra-sobrang practice. mamaya mapahiya lang ako sa competition na yun eh.

leche talaga.

anyway, ka-chat ko ngayon si ryan. nasa eng'g na raw siya. haha. araro.

sige, prepare na ako for PE. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home