Saturday, January 17, 2004

just got off from senti mode on the ug blog. grabe. 'yun na ang longest sad post ko ever sa blogger. haay.

anyway, friday was generally a good and bad day. middle. was late sa fisik, wala palang class. pero binalik yung exam results and may attendance. buti pinag-sign pa ako dun. :) got a 25 nga pala out of 40. pwede na rin. pero mababa pa rin eh. hehe. at least pumasa ako. :) sumama nga pala ako kay mac ihatid si ryan sa gym. kasama rin namin nun sina rowbs and cathy. hehe, dami na nga pala naming pictures nina rowbs at cathy sa phone ko. :) hinatid nga rin pala nila ako sa math. ang sarap hiritan ni mac!

after math, di na ako nakasama sa arki manood ng lotr. nag-promise na kasi ako sa upis friends ko na sasama ako sa kanila sa xybrbowl. naisip kong baka di ako makaabot sa kanila dahil ang haba ng movie na yun. and di naman ako interested masyado. so nag-lunch na lang ako sa casaa with meg, donna and kel. biglang dumating din sina ryan at kish. so naglakad naman kami nina ryan, meg and kish sa acad oval. treated them ice cream. sarap talaga. :) we saw dax sa vargas. sumabay na siya samen pabalik sa as parking lot.

dumiretso naman kami ni ryan sa econ to meet anna, rika and cathy. dumiretso na kami agad sa xybrbowl. got a 72 sa bowling. baba! si rika naman, 104! hassler! haha. :) nag-billiards pa kami after. dumating pa si jan mike! was there till past 7 pm. saya talaga. puro kulitan at pictures. :)

ayun. that was friday. and now, nakatanga lang ako rito sa bahay. gonna have a haircut siguro mamaya...

anyway, kaya pala bad day din kahapon, may mga ilang bagay na di ko akalaing mangyayari. nakakagulat. kaya tuloy may mga na-bad trip pa. ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganun. pero i understand kung bakit. kung ako rin naman siya, siguro sobrang nagwala na ako. haay. at least we ended our day and separated our ways na sobrang masaya. :)

got a heated argument pala with my dad kagabi bago siya umalis papuntang province. haay. bad trip talaga. ako na lang lagi ang nakikitang mali. lahat na lang ng sinasabi ko, mali na agad. oh well. bahala na. wala na akong magagawa. napa-ym pa tuloy ako kay ryan. sheesh.

wala na nga rin pala yung mood swing ko sa kanya. buti naman. sensya na lang talaga.

life.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home