Wednesday, February 18, 2004

grabe. gulong-gulo ang isip ko...

wednesday na pala. have to sleep agad for pe mamaya. pero kuwento muna ng mga nangyari kaninang tuesday.

attended fisik pero late. got a 25 sa second exam. again! whew. thank God pumasa ako. akala ko talaga bagsak ako eh. so yun. during the class nga pala, kinausap ako ni mac. tapos kausap ko rin si ryan. naguguluhan ako sa kanila kanina kaya panay lingon na lang sa pader o yuko ang ginagawa ko. hay nako.

sinamahan ko si gee sa katips para ibalik yung video na hiniram niya. di na ako nag-math. and something came up. sheesh. basta yun. had lunch din with gee. tapos hinatid ko sina zy and maikel sa masscomm. dinaanan din namin si kay at yung gitara niya. then i went back to as.

andun si nins. gumawa siya ng fisik lab. kasama rin namin si deej. sabay kaming pumunta ni nins sa arki. had class, peron sandali lang. then pumunta na kami kina nins para mag-practice for friday's performance. ang saya! keyboards ako sa "what can i do" then wood blocks sa "sa langit". nag-dinner kaming banda except pat. bonding ng band. banding sabi ni nins. haha!!! :)

so yun. went home past 9. went to lola's place din.

at ngayon, iniisip ko pa rin yung kanina.

grabe. so i guess naging talk of the town pa ako kanina. naging mr. popular pa ako dahil sa nangyari. sheesh. bakit kaya 'to nangyayari saken?

salamat sa mga kaibigan ko. ryan, gee, abby, jan mike, rika, kaycee, andrea, dax at sa lahat pa ng mga taong naging malaking bahagi ng sarili ko.

salamat.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home