ngayon lang ulit ako nakapag-post. naubos kasi internet card namin kahapon eh. kaninang umaga lang ako nakabili. =)
ano bang nangyari sa akin today... hmm...
nakapag-WAP blogger ako kaninang umaga. tagal ko nang sinusubukan yun eh. buti na lang nagawa ko na kanina. tapos, sinamahan ko dad ko sa ilang-ilang residence hall, orientation kasi ng pinsan ko. di sila nakarating dito sa quezon city dahil hanggang leeg ang baha.
hinatid ako ng dad ko sa bahay nina are. nandun ako hanggang past 5. nag-aral kami (kuno) at pumuntang riverbanks kasama si jan mike. hehe. ang saya ng trip. di rin kami masyadong nakapag-aral.
pagdating ko rito sa bahay, meteor garden na. nanood ako.
tapos ngayon, blog na ang inaatupag ko. hehe.
kahapon nga pala, may 27, nang-trip kami nina ayin, dax, meg, sherwin, jan mike, lufel at areson after ng math. kahit maulan, sumakay kami sa truck na dala ni ayin at nagpahatid hanggang vinzons hall. si dax ang nag-drive. grabe, ang saya talaga. hehe.
finals na ng math 53 sa friday! sana maging maganda kapalaran ko.






0 Comments:
Post a Comment
<< Home