Monday, July 07, 2003

nag-cut ako ng physics kanina for the second time na. ewan ko ba, nakakatamad talaga eh. ang hirap mag-math 54 at physics 71 na 15 minutes lang ang break sa gitna. nakakasakit talaga sa ulo.

kaya ayun, nag-lunch ako sa greenwich kasama sina klara, areson, gee, jan mike, kaye-ann at leeloo. okay ngayon ang lunch ko at hindi ako nagmadaling kumain. hehe. i had sesame pork and taro pearl cooler.

gumawa rin ako ng arch 21 during my chico break pero di ko pa masyadong naayos. gumawa rin kami ng mobile pero hindi pa tapos. di dumating si sir o kaya 6 pa lang ay umalis na ako ng UP. sumabay ako kay deb. love you girl! =)

nung arch 21 nga pala, nagtaka ako dahil sunud-sunod na nag-missed call sina abby, keziah, paolo at areson. paulit-ulit pa. di ko alam kung bakit, hanggang sinabi ni areson na pakana pala yun ni klara. di rin siya makulit ah. hehe. kaya kinulit ko siya ng missed calls after nun.

wala akong ginawang kahit anong academical dito sa bahay ngayon.

inaantok na ako.

di nga pala ako makakapa-overnight kina alej bukas. sayang. pero pupunta pa rin ako para tumulong kay ate tal. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home