Friday, August 29, 2003

di na ako nakapag-blog kagabi dahil ginamit ni ate itong PC hanggang 3am kanina... kaya ngayon na lang ako magkukuwento ng nangyari kahapon. =)

paggising ko ng 6:30am, nabigla ako sa text ng mom ni precious. nangangailangan na raw siya ng dugo... ganun na ba siya kalala? kinabahan talaga ako. tinext ko agad si donna... nagbalak akong bisitahin si pre.

nag-commute ako papuntang UP. nag-meet kami nina sheena at dennis para sa FLR namin around 9am. 8:30am dapat eh, pero na-late ako! hinintay din ako dun ni ben para kunin saken yung watercolor paper at mighty bond para sa arch 6 namin. sabi niya, dun niya gagawin yung plate namin sa cr. hehe... pinag-usapan naman naming tatlo yung gagawin sa FLR, at ako ang na-assign na gumawa ng results and discussion. sheesh. ang hirap yata nun ah... at least tutulungan din naman nila ako. =)

after the meeting, pumunta ako sa AS lobby. may mga tao. malamang. haha. =) nandun si jan mike, so meron pa akong isang kasabay na pumasok sa math. pinuntahan namin si ben sa cr, at naabutan nga namin siyang ginagawa yung plate dun. nakakatawa, ginagawa ang plate sa cr! nung sasakay na kami ng toki, nakita namin si jik. kaya apat na kaming sabay-sabay pumunta sa math... at pare-pareho kaming late for around 20 minutes!

math, nag-lesson lang ng polar something. tinatamad na talaga akong mag-math. uulitin ko na lang talaga. after nun, nag-stay muna kami sa labas ng math bldg., thinking kung papasok ba kami ng fisik o hindi. ang nangyari, lahat sila pumasok except ako, ben at cham. dumiretso kami sa eng'g canteen for lunch at gumawa ng arch 6 sa tambayan. medyo iritable na ako nun eh. ganun talaga ako pag cramming... sorry ben and cham! dumating din dun yung iba. wala palang fisik eh. buti na lang!

tumakbo kami sa SC para magpa-bind. andami naming napagtanungan bago namin nakita yung pumapayag mag-bind ng mga board. na-late kami tuloy kay chico, pero hindi naman late sa attendance. =) leche yung esquisse. mga signage ng CR ang pinagawa. may desert zone, nursery, acropolis, copacobana, monks inn... at nemo?! para namang kasing alam namin ang mga 'to eh! lokohan tuloy yung nemo namin, lalo na kay kevs at ben! =)

after the esquisse, bumalik kami ni meg sa AS. nakasalubong namin sa keziah sa beta way, at naglakad sila kung saan-saan. dumiretso ako sa AS steps dahil nakita ko dun sila donna, ryan, sherwin, ayin, joanne, dax at abby. hinintay naming mag-5pm para sa mga iba pa naming kasamang bibisita kay precious...

marami kaming bumisita: ako, joanne, kc, paolo, dax, ayin, ryan, keziah, rika, fides, claudy, donna, abby, cathy, sherwin at jan mike... mahal talaga namin si pre. naaawa nga ako sa kanya eh. medyo nanghihina siya, tapos masakit pa yung ibang parts ng katawan niya. nag-donate ng blood si areson. sayang, di ako B+ eh. at kahit B+ ako, di pa rin puwede... nasugod na rin ako dati sa PHC dahil may problem din ako sa blood.

GET WELL SOON PRECIOUS!

after the visit, umuwi na yung iba. nag-mcdo naman kami nina joanne, rika, cathy, jan mike, ayin, paolo at dax. sobrang lokohan kaming lahat sa mga lumang joke! panalo kasi ang tawa ni rika. halos di na ako makahinga sa kakatawa. sobrang sumakit yung lungs ko! haha... =) nakauwi na ako around 9pm...

haay. ang haba ng kuwento ko. =) hehe... sige, makapaghanda na for school.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home