nakakapagod ang araw na ito... pero sobrang saya. =)
hmm... bad trip, nagising ako ng 6:30 am. umuulan ng malakas. mukhang ewan, nagsara ako ng mga bintana, nagbasa ng text messages, nag-stretch ng onti... tas natulog ulit! nagising na ako ulit ng 7:15! eh 8 ang class ko. nagpaka-superman ako kanina sa sobrang pagmamadali. tapos commute pa ako. nakaalis na ako ng bahay, almost 8. nung sasakay na ako ng jeep, buo palang P100 ang money ko. napilitan akong bumili ng mighty bond for nothing! so P55 na lang... tapos nalaman ko, yun lang pala ang dala kong pera! naiwan ko yung iba sa bahay!
bad trip... P50 lang tuloy ang pera ko sa school. walang nangyari sa PE, di ako nakaakyat eh. nakarating ako dun almost 8:30 na. buti di pa nagche-check ng attendance nung time na yun! wala pa akong late o absent na recorded! hehe...
pagbalik ng AS, nakita ko sina ryan, cathy, fides, leeloo, at iba pa. nakipag-usap pa ako sa kanila so pinauna ko na si ben sa arki. nagpasama ako kay maikel magpasa ng paper sa AS department, tapos bumalik ulit sa AS lobby. malapit na mag-12 nung nakapunta akong arki.
at nag-lunch sa... pizza hut! ako, jax, kevs, jid, mike, yel, gaux, den, deb, pat, ben, kay... first time yatang outnumbered ang girls! haha... nag-withdraw pa pala ako sa HSBC. haha. tapos, bumili kami ng stuff sa natio. tapos hinatid ang ibang mga kasama sa arki, at dumiretso kami nina deb sa place nina nins. =) gumawa lang kami ng onti, pero nagmadali nang bumalik sa UP dahil sa math. damn. haha. dumaan muna kami sa FC para i-pass ang paper ni rosie.
math, hanggang past 5:30. ang sakit sa ulo. 2 hours din yun.
bumalik kami kina nins. nandun sina kevs, ben, yel, jax, at siyempre, si nins. sumama rin samen si lozzie. nagkulitan at hiritan lang kami dun. nag-dinner kami sa KFC. had a good talk with ben and lozzie. haha...
dami ko problems. meron sa school, meron sa bahay. oh well. buhay nga naman.
YM session na naman pala ngayon. medyo maraming tao. =)
di ko na nasundan yung field trip story ko!






0 Comments:
Post a Comment
<< Home