hmm... one week na since field trip. it's time na siguro para magkuwento ng mga nangyari...
july 26, 2003
dumating ako sa melchor hall around 6:30 am na. umupo ako sa pinakalikod, katabi si meg. bigla rin namang tumabi samen si jik. well, dapat katabi ko talaga si ben. haha, gulo. bumiyahe kami hanggang makarating ng pila, laguna. masaya yung bus ride. ang kulit ng mga tao. puro picture-taking lalo na ng mga tulog. pagdating sa pila, pumunta kami sa dalawang ancestral house, munisipyo, isang museum at isang church na may wedding pang ginanap. kumain kami ng ice cream... sinamahan ko pa si jik bumili ng buko juice. hinanap pa namin eh.
bus ride ulit... papunta namang pakil. nag-lunch kami sa beatles... akala ko, ginaya lang nila yung name ng group, yun pala, yun talaga ang theme ng place. puro pictures nila. habang kumakain, videoke mga tao. haha. aliw... =) yung church naman, sobrang laki. maganda ang facade. creepy nga lang yung floor sa 2nd kasi parang babagsak... napuntahan namin ang bell tower!!! =) after nun, dumaan kami sa wood stuff shop. nakabili ako ng flowers for upis friends. hehe.
bus ride... papuntang majayjay. maganda rin ang church. puro picture-taking. naging picture spot namin yung harap ng church... dun nag-picture yung one love group. haha... creepy rin ang floor nito sa 2nd... tapos, bus ride ulit ... papuntang liliw. naglakad-lakad kami sa iba't ibang shops at bumili ng mga pasalubong and stuff. =) napuntahan din namin yung church pero di na ako pumasok. busy ako sa kaiikot sa lugar eh... puro footwear!
bus ride... haay... nagcarlan naman. underground cemetery. di na kami nakapasok dahil nag-close na. hanggang 5 pm lang yun eh. past 6 na kami nakarating. nag-picture na lang kami sa labas...
tapos... dinner. sa Cel's. akala ko nung una, okay dun. yun pala... argh. hehe. bad trip pa, di kami natuloy matulog sa makiling. nag-brown out kasi sa buong kabundukan. kaya ayun, kakahanap ng lugar, mga 10 pm na kami nakarating sa splash mountain. 12 people sa isang room, so 9 na kaming guys plus julius. tapos yung girls naman, saktong 12.
at... nag-inuman na...
pagdating sa girls' room, naglaro muna yung mga tao ng baraha at scrabble. tapos, nagpasahan na ng food at drink. sina kevs, ben at chano ang nag-ayos ng drinks. marami na akong nainom... gin, gin pom, mudslider, beer... di pa naman ako sanay... kaya madali akong tinamaan. si ben kasi eh, pinilit pa niya yung 3rd shot saken. nung second pa naman, okay pa ako, masakit lang ulo. nung third na, blackout... tapos tanggap na ako ng tanggap kay jik ng drink. bad trip. nag-ingay ako sa kuwarto. pinagsasabi ko mga crush ko. naku... pati sa lounge nagkalat ako! nakakainis talaga! bulgar na bulgar na ako! argh... natulog kami around 3 am na... si ben, biglang bumangon, lilipat sana sa kuwarto ng girls. baliw talaga yun!
pero seryoso, marami akong di naalala sa mga pinaggagawa ko, until... nalaman ko na lang mula sa kuwento ng mga tao nung paggising ko na... and the first is from meryl...
sa next post ko na yung sunday happenings... mahaba na ito eh. =)






0 Comments:
Post a Comment
<< Home