Tuesday, July 22, 2003

medyo maaga akong nakauwi ngayon. suspended kasi ang classes simula nung nag-arch 17 na kami. buti na lang. exam ko na bukas sa math 54 eh. wala pa rin ako masyadong alam. haay... sana pumasa na ako. sana mabawi ko yung pagkabagsak ko tulad ni ryan. honestly, nai-intimidate ako sa kanila ni kaye-ann. ang galing nila eh. tapos eto pang sina jan mike, pepoy at dax. tapos yung arki friends ko pa. baka pag nagkataon...

ako lang ang maiiwan sa math 54!!! waah!!!

haay. anyway, nagbayad na kami ng field trip kanina. sabay-sabay talaga eh. haha. si kay ang nagkolekta. excited na ako sa weekend! happy happy na! one love with the arki barkada!!!

memorable moment for today:

when: July 22, 2003, 02:03 pm
where: round table, fourth floor, melchor hall
event: i just recieved my first kick from margaux.


ouch.

anyway, grabe talaga. nagkasalubong naman kami sa may sunken garden kanina. yumuko ako agad. sabi ni jan mike, tumingin daw siya saken. bakit kaya ganun? bakit bigla akong kinabahan? ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya? pero yung isa naman, di ko na rin nakikita...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home