Friday, July 18, 2003

haay... medyo kauuwi ko lang kaninang mga 10 pm...

anyway, ano bang nangyari ngayon? well, may math na. haay. sobrang sumasakit na ang ulo ko sa sobrang daming techniques ng integration. sana gumana ang utak ko pagdating ng exam.

MASAYA AKO SA PHYSICS 71!!! i got 33 out of 40! grabe! 82.5% din yun! hehehe... sobrang natutuwa talaga ako. pambawi ko lang yun sobrang pagkabagsak ko sa math. sana ganun ulit ang scores ko sa next exams!!!

nag-lunch kaming arki sa kamirori katips. okay pala dun. hehe. sarap ng food, though medyo expensive. ginawa rin namin dun ang physics 71.1 stuff namin. di ko pa rin alam kung paano ko kukunin yung standard S...

pumunta kami ni meg sa vargas museum for AS 2. bad trip, pumutok yung energy source yata kaya walang ilaw. di tuloy kami nakapasok. paano ko na kaya gagawin ang HW ko? after nun, nanood ako ng boatman sa film center kasama sina lozzie, madel, jiddu, jax, jik at sherwin. medyo kakaiba yung movie. creepy yung ending. tama ba yung term? creepy? hehe...

mga past 6 pm, sinamahan ko si sherwin sa UPSA. grabe, sobrang pinilit nila akong sumali. well, buti na lang hindi nila ako napilit. gusto ko sana, pero hindi kaya ng sked at course ko. mahihirapan akong mag-ayos ng priorities... anyway, natapos na sila ng past 9, kaya mga 10 na ako nakauwi.

kaya ngayon, wala pa akong nagagawang kahit anong academical. haay. kailangang may magawa ako bago matulog. kahit AS 2 homework lang or physics 71.1 FLR...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home