Wednesday, July 16, 2003

haay... buti na lang at tapos na ang first exam sa physics 71! medyo kaya naman sigurong ipasa kahit papaano... sana nga pumasa ako. hehe... sana pumasa kaming lahat. lalo na ang mga upis 2002 at arki 2002. =)

40 items yung exam, multiple choice... pero tricky talaga. marami nga akong hula eh.

anyway, after nun, kumain kami nina gee, ryan, claudy at sherwin sa beach house. walang tigil na picture moment na naman ang naganap. grabe, sobrang inuubos na ng digicam pix ko yung space ng PC. kasi naman, dala ko yung camera halos araw-araw!

before nga pala kami mag-exam kanina, nag-PE pa kami nina ben, gee at dax. nag-written at belay test lang naman, kasama rin sina tin at joanne. buti na lang at madali. twice pa akong umakyat ng wall.

haay... ginawa ko na kanina yung chico ampitheater. nakakainis gawin. nung tinuro ko kay lozzie kahapon kung paano gawin, nakalimutan ko naman! weird. 2 hours yata akong nakatanga sa harap ng drafting table ko! =)

kakapanood ko lang kanina ng fear factor. asteeg, dalawa lang umabot sa second stunt. naghati pa sila sa 50 grand.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home