di ako nakapag-post kahapon... ginamit ni ate yung PC eh.
ano ba nangyari kahapon? hmm... buong araw akong nasa UP, pero math 54 lang ang napasukan ko. yung physics kasi, late si sir delica. si chico naman, wala pag monday. si sir o, di na naman dumating. nalaman ko nga lang kanina yung pagiging high blood pressure niya eh. sana gumaling na siya. anyway, masay pa rin kahapon dahil dumating si bai. grabe, lagpas one year ko na siyang di nakita! at siyempre, puro picture moments na naman. hehe...
at ngayon...
wala lang. nag-discuss ng field trip sa arch 17. di ko pa rin alam kung pupunta ako eh. wala kasi akong pera. ang mahal talaga. P1,800? saan ako kukuha nun? anyway, hilung-hilo ako kanina sa physics lab. nakakalito yung data sheets para sa first FLR ko!
waah! physics 71 first exam na bukas! sana kayanin ko ito! wala pa akong masyadong alam!
tama na nga... mag-aaral na ako! wish me luck, kung sino man ang makabasa nito! =)






0 Comments:
Post a Comment
<< Home