haay. thursday na naman. my hatest day.
pero masaya yung wednesday ko (which is kani-kanina lang, kakalampas lang ng 12 eh). lagi na akong nagloo-look forward sa wednesdays eh. sana wednesday na lang lagi!
sa PE class ko, nakaakyat ako today ng 2 walls. tinuruan na rin kami ng basic techniques. at sa AS naman, walang masyadong ginawa. pumili lang ng topic at gumawa ng outline.
after nun, masaya na talaga!
picture ng sobrang dami sa AS kasama sina gee, claudy, tin, ryan, sherwin, jan mike at chino. meron sa loob ng lobby, meron rin sa steps. hehe. ang gulo talaga namin!
pumunta kami sa ever kasama sina gee, claudy, ryan at sherwin para bisitahin si donna sa PE niyang tenpin bowling. pinuntahan muna namin siya tapos kumain kami sa hapag kainan. kinulit na naman ako (lagi naman eh!) ni ryan dun sa special someone niya. hehe. tapos picture pa rin. walang sawa. =)
bumalik kami sa bowling area at naglaro. sayang, 3rd lang ako sa aming 5 na naglaro. i got a score of 58. ang baba no? na-zero ako sa 6th and 7th frame eh. grr. di nakapaglaro si sherwin kasi wala siyang socks. sayang talaga!
pero happy pa rin siya kasi nag-billiards kami right after. group 1 - donna, sherwin at ryan; group 2 - me, gee at claudy. tie naman kasi naka-2 games lang kami ng 8-ball eh!
tapos, umuwi na si gee at kami'y tumambay kina donna. nanood ng meteor garden. at inubos ang memory ng digicam ko. tapos, isaw naman bago umuwi. napalibre na naman ako. hehe.
sayang, di siya nakasunod sa amin kanina.
haay... tulog na ako. haba na ng kuwento. mahaba pa ang araw ko paggising ko...






0 Comments:
Post a Comment
<< Home