ano nga ba ang nangyari ngayong araw na ito? hmm...
tumambay ako sa AS bago mag-math. nilibre ko pa si klara ng iced tea. tapos, sabay kami ni jan mike pumunta sa NIP para sunduin si areson. yun pala, nauna na siya sa math. di kasi nagbabasa si jan mike ng text eh!
tapos, puro acads na. math 54, as usual, bad trip. nakakabaliw ang sobrang daming cases na kailangang kabisaduhin. argh. tapos physics pa. tapos na kanina yung coverage for first exam which is on wednesday next week. tapos, arch 6. nag-present ng mobile at pinapagawa na naman ng pop-up ng theater. haay.
nang-trip nga pala kanina sina jik at kevs. binigyan nila kami isa-isa ng pangalan na iniisip nilang posibleng maging pangalan talaga namin pag di pa nila kami kilala. binigyan ako ni jik ng luke, tapos jimbert kay kevs. panget! kaya ayun, natuwa ang buong tropa at nakisulat din. may chart na kaming ginawa! hehe. nakakatawa talaga, lalo na yung kay jax: duduy tirador!
di na naman kami nag-arch 21 kaya... nanlibre si wax ng isaw! hehe. kasama namin sina deb, schidz, jid, ben, jax, at kevs. tapos pumunta kaming tapa king sa katips dahil gutom pa rin si kebaks!
pag-uwi ko rito... haay. wala lang. nagpahinga muna. at nandito na ako ngayon. di ko naman pala hatest day palagi ang thursday eh. masaya pag walang arch 21. hehe. pero sobrang delayed na kami.
yes... friday na naman! hanggang 12:30 lang ako! dadalhin ko ulit ang digicam!!!






0 Comments:
Post a Comment
<< Home