nakakapagod ang araw na ito. sayang, natalo ang UP by 4 points. marami pang free throws na hindi napasok. eh di sana nanalo pa. haay... natalo ng NU ang UP?! paano pa kaya pag ibang school na ang kalaban ng UP? hehe... sana naman manalo na sa susunod.
pero masaya pa rin kahit papaano. first time kong manood ng live game. kasama ko pa upis at arki friends ko. upis: ryan, cecilia, claudane, areson, jan mike, klara, maricar. arki: lozzie, fatso, jik, jiddu, ben, kay, pat, kevs, meg, cham, drea, van, keizah, at sara. masaya talaga lalo na pag cheering at wave! nasa mismong harapan nga namin yung drums kaya sobrang kumakabog sa dibdib namin eh.
nakita rin namin si ria sa first half time niya sa UAAP. ang saya-saya! ang galing niya talaga! idol!
after the game, sumama ako sa upis friends ko at kumain sa ali mall foodcourt. grabe, na-miss ko na ang mall na yun kahit papaano. nung bata naman kasi ako, lagi akong dun dinadala. hehe.
nakapagpa-check nga rin pala kami ng height, weight, bmi, etc. sa may mercury drug. tapos, napunta kami bigla kina areson kasi naiwan ni ryan kay areson yung binili niya. hehe. natagalan pa tuloy kami dun at kumain. nagulat talaga ako, kanta sila ng kanta ng F4! parang dati ako lang ang medyo may trip dun. ngayon, baliktad na!
haay... kabababa ko lang ng phone sa kanya kanina. ano na kaya'ng gagawin ko...?






0 Comments:
Post a Comment
<< Home