hehe... di ko pala kinailangang pumili kanina between physics and lunch. parehong maganda!
WALANG MATH 54 KANINA! grabe. magpapamisa na talaga ako. hehe. ngayon lang nangyari yun! sana maulit pa! kaya ayun, pumunta kami nina deb at lozzie sa mcdo katips. apple pie... hehe.
pagdating naman sa physics, pinakita lang yung answer key. medyo 32 out of 40 yung nabilang kong tama... sana totoo! haay. kinakabahan talaga ako at bukas ko pa makikita ang result. wala nang ginawa so maaga kaming umalis at pumunta naman sa BK katips. grabe, halos buong tropa nandun. pati sina gee at rika, nakita ko!
late kami sa arch 6! haha. buti na lang, sinabi lang yung gagawin, tapos dismissed na! kaya ayun, nagpa-notarize na kami sa Law para sa field trip. pupunta na ako! napilit ko lang sila ma. pero medyo nanghihinayang pa rin ako sa pera... mahal talaga eh. sana di ko pagsisihan ang pagsama. at tingin ko, hindi. =) kasama ko friends ko eh.
pagbalik sa arki, tambay sa 523. dami kong nalaman: marunong maggitara sina jax, kevs, at jik. dagdag na sila sa mga katulad ni lozzie. si nina magaling talaga kumanta, at okay rin naman pala si jax. haha. tapos si madel at meg naman, okay rin. talented pala mga tao eh. hehe. magagaling sa music!
sa arch 21, medyo nahirapan ako sa pag-design. dami ko pang dapat baguhin. pero hopefully, sa monday, okay na talaga ang design ko.
nakakainis, wednesday afternoon ang test namin sa math next week, tapos submission ng arch 21 sa thursday. paano ko hahatiin ang oras ko?!






0 Comments:
Post a Comment
<< Home