blog. medyo inaantok na ako dahil 4 hours lang ang tulog ko last night...
whattaday. kahit nakakapagod at bad trip sa simula, masayang-masaya pa ring natapos. =) sa math pa lang, hilung-hilo na ako sa gulo ng lessons... plus, mabilis pa ang turo ni alejo. haay. sa physics naman, medyo okay. bagong topic, pero may quiz. 2 out of 5 lang ang score ko. haay ulit.
marami talaga sa amin ang di pumasok, lalo na yung santaromana kids. halos wala silang tulog eh. i bet tulog na tulog na sila ngayon...
after nun, diretso na kami sa arki. kumain kami sa eng'g canteen. had chicken teriyaki. last kami ni jax nakakuha ng meal namin. medyo tagal naming naghintay. pumunta kami agad sa room 525 para mag-draft, kasama ko sina ben at cham. sina jax, deb at drea, pumunta sa arki lib para sa lico hw nila.
after ng chun class, naging tambayan na naman namin ang 523. dumating din si maicah. =) kaya ayun, palipat-lipat ako ng kuwarto. 523 at 525. buti na lang magkatabi.
nagulat ako nang nalaman kong... walang arch 21. haay. naghintay pa ako ng matagal. ang reason this time, di makaalis si sir o sa kanila dahil walang masakyan. nag-strike today ang jeepneys eh.
kaya ayun, tumambay kami sa 523 hanggang mga 5, pinag-isipang mabuti ang question ni jik... hanggang masagot bigla ni deb. buti na lang nasagot na niya, kung hindi, di na kami makakatuloh!
pagsapit ng 5, umuwi na yung iba. kami naman nina kevs, jax, pat, deb, margaux, rosie, ria at nins, pinagkasya ang mga sarili sa kotse ni kevs. color coding pa man din nun, tapos overloading pa. haha. =) hinatid lang namin sina pat at ria sa gym, tapos dumiretso kami sa katips... binilisan namin para hindi mapansin ng mmda. dun kami nag-park sa harap ng dorm nina rosie at naglakad ng naglakad...
hanggang pancake house!
well, kumain kami't nagkuwentuhan... medyo mahal yung binayaran namin. 1113.75 pesos!? parang di worth it yung kinain namin. mahal talaga.
pagsakay sa van nina deb, lalong naging masaya. puro hiritan ang naganap, lalo na kina deb at margaux. kay deb hinihirit yung jologs songs sa radio, while hinihirit naman kay margaux yung pagiging... umm... manananggal niya...? hehe...
tama na nga, mahaba na 'to masyado. naku... baka nasa bubong na namin si margaux...
i have to sleep na. maaga pa akong pupuntang vargas museum. =)






0 Comments:
Post a Comment
<< Home