Friday, July 25, 2003

blog.

wasn't able to post kagabi dahil marami akong ginawa at ginamit ni ate ang PC ng sobrang tagal...

anyway, what happened yesterday? hmm... math. indeterminate forms. physics, inantok lang ako ulit. tinext ako ng prof. namin nung high school na...

LUMABAS NA ANG SULYAP 2002! may yearbook na kami!

nag-lunch kami nina deb, ria, kevs, jax, cham, pat at ben sa shakey's katips. tapos... bigla kaming dinala ni kevs sa megamall para lang bumili ng drinks for the field trip bukas! eh dalawa kami ni pat sa passenger seat. di ba bawal yun? si pat ang nag-seat belt, ako naman sobrang paranoid sa lahat ng nakikita kong naka-blue! napagkakamalan kong mmda... maraming times yung bigla akong yumuyuko dahil marami akong nakitang mmda! buti na lang hindi ako nakita! sobrang kinabahan talaga ako, seryosa... =)

pagbalik sa arki, sorry kami ng sorry kay lozzie dahil di na niya nagawa yung plate niya. nasa car kasi ni kevs eh. buti na lang di siya nagalit... sa design class naman, bad trip. maraming sinabi si sir o na limitations. nabago halos lahat ng designs namin! parang nag-start ulit kami from nothing. 17 x 17 yung house ko, pero 15 x 16 lang ang puwede! bakit naman kasi di niya agad sinabi ng maaga...? mas kawawa pa yung ibang mas malaki ang nagawang bahay... anyway, dismissed na kami ng past 5 dahil pumunta si sir sa thesis delibs. kumanta kami ng kumanta nina madel sa labas ng kuwarto!

sumabay ako kay deb pauwi... =)

today...

hmm... math. indeterminate forms pa rin. pero third type na. physics... wala akong inintindi sa lesson dahil naging busy ako sa kakagawa ng data sheets for physics 71.1. buti na lang nakasalubong ko si kristine, classmate ko sa 71.1. nagpatulong ako sa kanya! anyway, dumiretso kami sa arki nina margaux, kay, ben, cham at madel para magpa-advise at i-meet ko si nins para sabay kami gumawa ng data sheets. natapos ko yung data sheets (thanks kristine!) pero di pa rin ako nakapagpa-advise! nakakainis na si rb santos... laging wala!

pumunta ako agad sa AS lobby para i-meet sina klara, ryan, gee at donna para pumuntang upis. pagdating namin dun, gumawa lang kami ng letter para sa request ng paggamit ng room 124 bukas. tapos, bumalik kami sa AS nina gee at donna. pumunta kami sa EVER kasama rin sina claudy, dax at pepoy. nag-grocery kami para bukas... SULYAP launching bukas! tapos wala ako! waah!!! sayang... first reunion na rin namin ito. pero ayos lang, masaya rin naman ako sa field trip dahil kasama ko barkada namin sa arki!

pero sayang pa rin... wala ako sa launching ng pinaghirapan namin. tapos may games and meeting din. sayang talaga... wala pang pix tuloy ang S3 or S4 (ewan ko kay klara...)!!!

oh well. wala na rin akong magagawa. enjoy na lang namin ang aming mga gagawin this weekend. =)

paano na kaya ako? may plate due monday sa arch 21, pero may field trip. wala pa akong nagagawa. binago ni sir o yung limitations eh. haay... puyatan na naman ito! pero kailan ba ako makakagawa?!?!

haay. haba na nito... excited na ako sa field trip bukas!

di ako makakapag-blog bukas dahil overnight kami sa makiling. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home