Wednesday, October 22, 2003

magbabago ang mood ng blog na ito because of this post. here goes:

F*CK! i hate myself!

oct. 19, sunday

iniwan ko muna si ryan dito sa house coz i really needed a haircut. i was walking down the street heading for the barber shop nang biglang may tumawag saken. napalingon ako. medyo malayo na kasi eh. dad ko. di ko siya napansin nung nadaanan ko siya coz i'm reading the lyrics of a song na dapat kakantahin namin for kaye-ann's debut. i saw him sitting with many of his friends, drinking together. i SIMPLY (i repeat, simply, without any tone) asked him why he was calling me, and he did not answer. i thought he just called me so that i'd feel his presence there, so i then continued walking without going near him. hell, pano naman ako lalapit sa kanya, marami siyang kainuman?

when i was already at the barber shop, my phone vibrated. my dad texted me. tinanong niya ako kung bakit daw di ko siya pinansin. hello? tama ba ang basa ko sa text niya? dumaan daw ako na parang wala akong nakita. eh bakit pa ako lumingon? di niya ako naintindihan. bigla na lang niya akong minura sa text.

i tried to ignore it at first, but no, my mom then called me. di ko naman siya nakausap talaga dahil wala na akong battery. dun na ako kinabahan. feeling ko nun alam na ni mom and sis yung nangyari. when i opened my phone again, texts came in. lahat galing kay mom and sis. they told me this and that, na sobrang pinahiya ko raw dad ko and everything, that he was really mad at me. minadali kong umuwi at dumiretso sa room ni ate kahit nandito pa nun sa bahay sina ryan and jan-lee.

i then talked to my mom and sis. sabi nila, umalis na si dad and told me na magsaya na raw ako. hell. okay lang sila? palibhasa di lang nila ako maintindihan eh. kasi sa totoo lang, di ko na rin maintindihan sarili ko. after the very heat conversations, i suddenly cried. di ko na na-control ang sarili ko. my mom then talked to me again. i told her about the US thing (i REALLY don't want to go there) and other stuff. she asked me kung yung US lang ba ang dahilan kaya ako nagkakaganito. sabi ko oo, pero di niya kasi makita yun as a problem kasi nga gusto na nila talaga pumunta dun. well for me, i really see it as my problem kahit alam kong we're just doing it for a better future. but hell. i'm too scared to go there. i'm too scared to lose my friends here. sobrang napamahal na sila saken.

and here's another thing na sinabi ni sis: sa friends ko raw ako kumukuha ng lakas at hindi sa kanila. bad trip naman oh. mahirap naman kasing kumuha ng lakas sa kanila kung ganito na lang lagi ang mga nangyayari sa lecheng buhay na 'to. nakakaasar na talaga.

so 'yun, after the conversation, i went down to see ryan and jan-lee again. kumakain na sila. umupo ako sa tabi nila. napansin nila agad ang mga mata ko. we then went to jan-lee's house para makisabay na lang kami nina ryan at paul sa kanya papunta kina kaye-ann.

during the party, i was still in a happy mood somehow, but it changed nang nag-text mom ko na huwag muna ako umuwi. well actually, wala talaga akong balak umuwi nun dahil may trip sa place nina ami. nagulat na lang ako nang sinabi sakeng kahit kinabukasan, dun daw muna ako sa place ng lola ko. galit na galit pa rin daw si dad saken. so, sobrang bad trip na ako sa debut. kinausap ko pa sila ryan and gee sa labas para lang sabihin ang mga gusto kong sabihin. buti na lang kasama ko sila nung time na yun.

i ignored my true emotions nung nag-street dance na kami. sobrang cheer ang mga tao samen. di ko nun naiisip yung problema. di ko naman talaga binalak isipin pa. pero naiisip ko pa rin eh.

oct. 20, monday

pagdating kina ami, gusto ko agad itigil ang oras. dahil pag umaga na, di ko na alam kung paano ako uuwi. natulog kaming mga boys kina pepoy hanggang past 11 am, tapos umalis dun ng past 1 pm. nagthrow-up pa kami ni ryan nun.

pag-uwi, sinalubong ako ni mom. she asked me kungbabalik akong UP. i said yes, at bigla niya akong minadaling kumilos. after around 20 minutes lang, sinabay na niya akong umalis ng bahay, tulog kasi dad ko nun at ayaw niya akong maabutan ako ng dad ko na nandito sa bahay. so nagmadali rin ako. sobrang depressed talaga ako nung moment na yun, di ko talaga alam gagawin ko. feeling ko parang sort of layas na ang ginawa ko.

sa UP, i waited for ryan and gee. dumating si gee around 3:45 pm, and ryan past 4 pm. di sila nagpang-abot. pumunta naman kami nina ryan and mac sa eng'g and math. i looked at my 5.0 sa math and it added to my depression. pumunta kami ni ryan sa mcdo philcoa to meet gee and diwa.

pagdating dun, kinailangan na ding umalis nila gee. naiwan kaming dalawa dun ni ryan. we talked about different things, pero more pa rin about my problem. i don't really want to mention this, pero sobrang kinabahan saken si ryan. that very moment, i had this weird feeling of doing a very serious act. sinabihan pa niya akong ihahatid niya ako sa bahay para makasiguro siyang uuwi ako, para rin daw di na ako gumawa ng kahit anong masama. ilang beses kong sinabi sa kanyang wag na niya akong samahan, but he still insisted. bigla na lang siyang natatahimik saken, telling me na huwag daw akong magsalita about my "plans" or whatever. tinext pa niya sila ate tal dahil nag-aalala na siya saken. that very moment din, sobrang nakonsensiya ako dahil nadamay na sa problem ko si ryan. plus, tinolerate pa niya yung isa kong ginawa na may bad effect sa kanya. sorry talaga ako ng sorry sa kanya nun.

hinatid niya ako kina alej para makasiguro siyang dun ako pupunta. balak ko nang matulog dun, pero my mom texted me paulit-ulit na umuwi daw ako sa house ng lola ko. so around 11 pm, sabay pa rin pala kaming uuwi ni ryan. nag-taxi kami at binaba siya sa katipunan.

when the taxi driver heard ryan say na diretso raw ako umuwi, tinanong niya ako kung bakit. medyo nag-open up ako sa kanya about my problem. nalaman ko na lang na a similar situation happened to him din, na lumayas siya ng bahay to prove to his dad na kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa. they were not together for around 7 years daw, pero binalikan pa rin niya ang dad niya. he told me this: "kahit na anong isipin mo, tatay mo pa rin siya. malalaman mo rin yan pag may pamilya ka na." i was really enlightened sa mga sinabi niya.

sa house nina lola, the people there talked to me about what happened. i avoided giving exact details hanggang tumigil na kaming mag-usap-usap. tinext ko agad si ryan, and thanked him. that very moment ko lalong na-prove sa sarili kong may mga kaibigan pa akong tulad niya. di siya nagsasawang makinig saken. isama mo pa sina gee and my "family".

oct. 21, tuesday

i woke up past 11 am again, and nag-online ako sa pc ni raffy. dax told me na they're gonna climb around 2 pm, so nag-isip ako agad ng paraan kung paano makakauwi rito sa bahay to take a bath and pack more clothes without them seeing me. sakto sa labas ng bahay nila, nandun dad ko. di man lang talaga ako hinanap. di ako makalabas sa kuwartong pinanggalingan ko. pag-alis nila, dumiretso na ako rito sa bahay. buti na lang di sila rito pumunta ni tito.

minadali ko lahat dito: pagligo, brush ng teeth, pag-ayos ng gamit, pag-impake ng damit. nag-pack talaga ako ng maayos, kahit 3 days kaya na akong tumagal. pumasok at umalis ako rito ng walang nakakaalam. para akong magnanakaw sa sarili kong pamamamahay. nakarating ako sa power-up around 3 pm, at nandun sina ayin, dax, vitt, gee and diwa. during our stay there, my mom texted me na umuwi na ako dahil hinahanap na ako ng dad ko. nagulat ako dun.

pumunta muna kami nina ayin, dax and vitt sa feu hospital sa fairview to visit keziah and her mom. habang naglalakad papunta dun, kinausap ako ng dad ko sa cel. di raw ako nagpaalam kung saan ako pupunta. well, paano naman ako magpapaalam sa kanya di ba? sabi ko sa kanya, kay mom ako nagpaalam. pagdating sa hospital, andun na si pauline. at pagdating ng 9 pm, sabay-sabay kaming umuwi.

pag-uwi ko, i felt strange. walang tao. kinabahan ako. pagdating ni dad and sis, lalo akong kinabahan. nung nagkita kami ng dad ko, tinanong lang niya ako kung what time ako nakauwi.

nagulat ako.

akala ko sobrang sisigawan niya ako. but no, parang walang nangyari. ano'ng ibig sabihin nito? hinihintay lang niya akong mag-sorry yet di man lang niya talaga ino-open up yung conflict namin? weird. di ko talaga alam gagawin ko. sinabihan pa ako ng mom ko na kailangan ko pa ring mag-sorry. oh well. naghahanap na lang ako ng tiyempo. baka mamaya paggising ko...

oct. 22, monday

and now, i'm already here in my room. damn. na-miss ko talaga 'to. after ilang days and nights, makakagalaw na ako ulit ng maayos dito sa bahay. sana. at least makakahiga na ako ulit dito sa bed ko.

ansarap tulugan ang mga problema... sana paggising ko, wala na silang lahat.

sana maging happy na ulit ang mood ng blog na 'to.

sa mga nakabasa nito, quiet na lang kayo. sana naintindihan niyo na ang situation ko.

hmm... my sked for today: billiards and tambay sa sunken with upis friends. plus, get my 5.0 class card sa math.

oh well. my fingers hurt right now. haba na nito...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home