Thursday, October 23, 2003

oh well. i already aoplogized to my dad before leaving the house to go to UP. sinabi niyang kalimutan ko na raw yun, that he loves me whatever happens. sinabi ko rin sa kanyang love ko siya. at paglabas ko ng kuwarto niya, naluha na ako.

feeling ko magbabago na ako ngayon kahit papaano. pipilitin kong pigilan lahat ng kagaguhan ko.

anyway, what happened nitong nakaraang wednesday? i went to UP para mag-billiards. kasama ko sina ryan, dax, vitt, ayin, kaye-ann and pauline. nandun kami sa strip till 5 pm. then pumunta kami nina ryan, kaye-ann and pauline sa riverbanks. bumili si kaye-ann ng batt, si ryan ng cd case, nagpa-studio pic kami, at kumain. umalis din ako agad dahil pumunta rin kaming libis to celebrate raffy's birthday. naiwan ko pa ang camera ko kina pauline. buti na lang pupunta sila rito bukas. i mean, mamaya pala.

what happened pa nitong past few days?

i failed math 54. 49.06 ang final grade ko. uulitin ko na lang next sem. weird, di ako masyadong nadedepress about it. maybe because masyado kong naisip yung malaki kong problema before and in-assume ko na talagang uulit ako ng math na 'to. oh well.

sa hospital naman, may funny talk kami nina vitt at dax. masyado kaming nagpaka-******. haha. =) sobrang tawa kami ng tawa. buti na lang di narinig nina ayin, keziah at pauline. natatawa talaga ako hanggang ngayon pag naaalala ko pa. pero sa totoo lang, medyo na-realize kong tama naman ang mga pinagsasabi namin nun.

nitong past few days din, na-realize ko na marami talaga akong true friends na di mang-iiwan saken whatever happens. andyan sina ryan, gee, pauline, my "family", and marami pang iba. i'm so lucky to have all of them. isang malaking dahilan na 'to kung bakit ayaw kong umalis dito...

oh well. bahala na kung ano'ng mangyayari. may months pa ako.

anyway, depressed ang marami sa arki. may mga bumagsak and 4.0 sa physics at math. kasama na ako dun. haay. buhay nga naman. nakakadepress pa lalo sa crs, nakikita mong ineenlist mo ulit yung subjects na inenlist mo na before...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home