Wednesday, November 12, 2003

medyo maaga akong umuwi ngayon dito sa bahay... umuwi na kasi si gee at kami na lang naiwan ni ryan sa school. haha, natutulog nga siya ngayon dito eh.

pumunta ako sa gym kanina around 9:45 am para i-meet sina gee and meg. di nakapag-prerog si meg samen dahil drawlots lang. nag-sit in naman ako sa class nina gee and rika. medyo ayoko prof. nila. hehe. dumating si ryan. nasa eng'g lang pala siya nung kinukulit namin siya ni gee ng missed calls. :P

tumambay kami sandali sa AS, hinihintay si donna. nag-library na pala! dumating din si sherwin... tagal ko na siyang di nakakausap! tuwing tumatawag kasi ako sa bahay nila, lagi siyang wala. busy sila ngayon ni areson with UPSA. bilib ako sa kanila. gusto ko na silang mapanood. hehe. =)

nag-lunch kaming S3 (haha!) sa beach house. wala lang. kulitan at asaran pa rin. bihira na yung moments na nagkakasama kami eh. well actually, mukhang magkakalapit-lapit na naman kami dahil sa fisik at wednesdays. hehe. sinamahan namin si ryan sa eng'g, tapos sabay-sabay na kaming nag-philcoa.

kaya eto, tulog si ryan. haha. ano'ng oras kaya 'to magigising? di pa namin tinatawagan si gee! anyway, punta nga pala kami ni gee sa SM sa friday. maghahanap ng kung anu-ano. sayang, may araro 12 si ryan nun. haha. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home