Tuesday, January 20, 2004

tuesday ulit... ang bilis ng paglipas ng mga araw. kasabay nito'y sobrang bilis din ng daloy ng mga pangyayari.

at wow. medyo maaga akong nagising. maaga na 'to ah. hehe. palibhasa madalas na kasi akong gumising around 9 am na. kaya lagi akong late sa fisik. sana mamaya, hindi na. ayoko na lagi maging grand entrance dun. hahaha. :p

di ako nagdala ng car kahapon. di pa rin kasi kami nagpapansinan ng dad ko since he came here yesterday from the province. ewan ko ba. bahala na. kaya ayun, late ako sa fisik. pero ayos lang. nag-math din ako. hatid sundo kami ni kish. :) thanks nga pala kish! may arch 23 rin, so had lunch lang sa arki. then bumalik kami ni meg sa AS. went to casaa with kish, dax, liz and meg. sphere of conversation... oohh... haha. :p sumunod nga rin pla dun sina ryan at peps. anyway, napapaisip ako kay dax and kish. there’s something eh. haha… mukhang may magkakabalikan ah. :p

so yun. nag-arch 22 ako. may guest speaker lang from china. di nga namin maintindihan mga sinasabi niya eh. pero aliw ‘yung plans for the world olympics sa 2008. gaganapin yun sa beijing, china. we were dismissed past 6 pm na. went home agad with meg. inisip ko rin kung susunod pa ko kina are. pumunta rin kasi si ryan dun eh. pero umuwi na lang ako dahil sa arch 18 paper. sheesh. nakalimutan kong gawin ng weekend!!!

ayun. haay. napapaisip pa ako kung galit saken si _____ o hinde. may text something kasi kahapon, tapos nabanggit ko si meg. ewan. baka nagselos. hahaha. joke lang. :p di na kasi siya nag-reply sa text ko eh. haay…

naisip ko na rin, ayoko na munang pakialamanan ang ilang mga bagay na nangyayari. ayoko na munang ma-involve sa ilang situations. ayoko lang talaga. baka kasi nasasaktan ko pa ang mga iba kong kaibigan. basta. mas mabuti nang ganito muna. ang gulo ng mga pangyayaring nasa paligid ko.

sige. long day na naman ‘to…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home