Sunday, February 22, 2004

sa sobrang dami kong ginagawa, ngayon lang ako ulit nakapag-online. sinabi ko pa naman sa sarili ko noon, as much as possible, araw-araw akong magpo-post dito para tuloy-tuloy ang daloy ng mga kuwento at lagi kayong updated araw-araw...

pero hindi eh.

dahil ganito nga ang nangyayari, naipon-ipon na ang mga kuwento ko sa inyo. thursday hanggang ngayon pa lang, sobrang dami nang nangyari. ambilis. parang kidlat na nagdaan at nag-iwan ng marka... may maganda, may hindi. may masaya, may malungkot.

takte. drama na naman 'to for sure. mamayang gabi na lang siguro ako magsasabi ng kung anu-ano rito. kelangan ko na ring matulog eh. pupunta kami ulit nina ria at ben sa san juan mamayang tanghali. arch 22 stuff.

kausap ko nga pala si ryan kanina sa phone. tumawag kasi siya rito nung wala pa ako. at sabi niya, may kasalanan daw siya saken. ayaw naman niyang sabihin kung ano. sheesh. sinabi pang meron. bahala na nga.

sige, mawnin'. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home