Monday, September 01, 2003

haha, di na ako nakapagkuwento kahapon. =) sa susunod na lang! gumagawa pa kasi ako ng FLR eh. nakakainis.

oh well. ano ba nangyari ngayon? hmm... hanggang fisik lang ang klase ko. i got 27 out of 40 sa 2nd long exam ng fisik. mataas na nga yun sabi ng friends ko, pero medyo mababa pa rin kung iisipin. ah basta pumasa, ayos na.

tumambay ako sa AS lobby buong hapon. nag-lunch ako sa lobby kasama si claudane, tapos naglaro kami ng my word kasama nina dax at abby. pagdating nila ryan at ayin, nag-lunch sila sa casaa. sumama rin ako sa kanila. after kumain, pumunta naman kami nina ayin, ryan, rubie at abby sa upis para sa sulyap ni ayin. nakausap din namin dun si yesha, este si ma'am sher. =) pagkakuha ng sulyap, hinatid na namin si ryan sa math, at dumiretsong AS.

sa AS, inisip ko pa kung papasok ako ng arch21 o sasama ako kay keziah. pinuntahan ako ni ben sa AS steps kaya di na ako nakasama sa SLO. kasama ko rin dun sina gee at diwa. around 5pm, napadaan dun si ryan at tinawag ko. di man lang kami napansin! tumambay pa kami sandali sa steps hanggang naglakad na kami papuntang gym.

wala pang kasama si ryan dun kaya sumama siya samen mag-mcdo. naglaro lang kami ng my word at hindi kumain. ang kapal talaga. haha. =) di naman nila napansin eh.

past 8pm na nung nakauwi ako. at heto ako ngayon, gumagawa pa ng FLR.

oh well. back to work...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home