Sunday, October 26, 2003

sunday na naman... tapos, kailangan na ulit bumalik ng UP for classcards and other stuff.

sobrang saya ng trip namin nung saturday sa ciudad christia! =) anim lang kaming pumuntang taga-upis 2002: ako, alej, pauline, jego, anna and kaye-ann. bigla na lang di nakapunta si ryan eh.

nag-meet kami nina pauline at alej sa mcdo philcoa, then dumiretso na sa tropical hut san mateo. hinintay namin dun dumating si kaye-ann. sumama rin samen yung little sister niyang si tintin. pumunta na kami sa resort at nagbayad. we rented a kiosk dahil more than ten ang expected people namin na darating.

dumating din sina ate tal, kuya chonny, zan at susan. tapos sumunod naman si anna kasama ang kapatid at pinsan niya. si jego ang pinakahuling dumating. sa kiosk, naglolokohan kaming "family day" ang magaganap dahil nga may relatives silang kasama. kami daw nina pauline at jego ang hosts dahil wala kaming kasama! haha. =) lumipat naman kami sa 2 tables dahil medyo di okay ang mga nasa katabi ng kiosk namin.

marami kaming ginawa: nag-swim, kumain, nag-cards, nag-survivor... haha. =) sa nakaraang tatlong punta ko rito (pang-apat na kasi 'tong last eh), ngayon lang kami sobrang hindi kinulang sa food. as in sobra-sobra pa! may tahong, rice, bread, chips, softdrinks, barbecue, fish, chocolates... basta, hindi namin naubos lahat! may inuwi pa nga ako eh. haha. =)

naglaro kami ng "survivor ciudad christia". haha. =) si ate tal yung host, at 7 kaming players. asteeg talaga. =) every after a challenge, may matatanggal. and guess kung paano matatanggal? haharap kami lahat sa gilid ng pool, nakapikit ang mga mata. ang matatanggal, itutulak! haha. =) fourth akong natanggal eh. ang champion naman, si alej! may two tribes nga pala nun: tahong and kiyk! haha. =)

pag-check ko sa phone ko, may missed calls from ryan. nag-text siya saken. may tinatanong. medyo nakakaasar nga eh, bakit naman kasi masyadong pinapalaki ang isang issue kahit di naman kailangan. oh well. ininggit ko na lang siya, telling na sobrang saya namin at sobrang daming food. haha. =) gusto pa naman niya ng tahong.

umalis sina ate tal around 12 mn. ako naman, tumigil muna from swimming. sinamahan ko muna si kaye-ann and her sister. pinatulog namin. =) kaye-ann and i had a good talk. sobra. =) naging close talaga kami nung moment na yun. and i think hindi na mababago yun... =)

nag-swim ako ulit around 3 am. tumigil na sina pauline at anna. ang naabutan ko na lang sa pool, sina alej at jego. nag-swim na kami hanggang past 5 am. nililinis na yung pool nun eh. we also had a good talk.

pag-alis sa resort, sumama ako sa bahay nina alej at dun natulog. bumangon ako, past 2 pm na. nanood muna kami ng tv, kumain at naglaro ng chrono trigger. natapos ko na naman! asteeg. =) nakaalis ako sa kanila, past 7 pm na. nag-isaw muna ako mag-isa.

naisip ko lang, sa mga ganitong pagkakataon talaga nagiging malapit ang tao sa mga nakakasama niya. sobrang marami akong natutunan during the whole time na kasama ko sila. sobrang naging mas kilala ko pa sila.

basta, sobrang saya talaga ng trip namin. sana maulit 'to... ulit. season 5? haha. =)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home