Sunday, November 16, 2003

sunday na pala. missed my friday and saturday blog. well, here goes...

friday. i went to school early para makapag-drive. tumambay muna ako sa car ni mitch, then sabay kaming pumasok ni mac sa fisik lab. nandun na rin si meg. late naman si ryan (as usual!). may grouping for next week, pero 3 in a group lang. so we decided to split. kasama ko si meg. =) since maaga kaming na-dismiss, we went to eng'g for reg stuff nila mac. dumating din kami sa fisik ng 10 am.

pagpasok ni dax, binati namin siya agad. hehe. binigyan pa ni meg ng skittles, na kinain naman naming lahat. :p sa math, i got 10 out of 10 sa first quiz. sana ganun lagi... wala na akong class after nun, so pumunta kami ni gee sa SM after niyang gumawa ng SA application stuff.

we went to natio, ate lunch at tokyo tokyo, bought dax's stitch gift, and went to goodwill bookstore. naiwan namin mga bag namin sa deposit area! akala tuloy ng guard manonood kami ng sine kaya kami lumabas ng wala yun. joketime! =) nagbalak nga palang sumunod dun si ryan pero di na namin pinapunta. paalis na rin kami eh.

gee went home at pumunta naman ako sa arki for AF GA. haha, kakatapos lang nung dumating ako! nakita ko nga pala sina kish, ryan and mac sa second floor. bumalik din kami ni meg sa AS. sabay silang umuwi ni gelo, at nag-billiards naman kami nina dax, ayin at joanne. nag-grocery din kami! =)

nag-mcdo pa kami ni joanne after. nakita pa namin si gep. we only ate sundae and fries, then umalis na kami agad. uwi na. na-badtrip ako dito sa house dahil sa isang mababaw na dahilan. na-text ko pa tuloy si ryan.

saturday... very long day.

woke up early ulit. pinayagan na akong magdala ng car for the day! nag-download ako ng cry me a river for the induction party, tapos nilinis ko yung car. kasama ko si paul umalis ng bahay... ayun. hehe. =) sinundo ko si pepoy sa house nila, tapos went to arki para ibigay yung cd player. nag-park kami sa AS, then went to FC steps.

ang saya ng games. pitong kakaibang laro. archer rabbit wall, lipatan ng coins, charades na kakaiba, paunahang magtanggal ng buhol, pataasan ng tower with yucky bubble gums (eew...), race with paper, and pagbuo ng perfect square. 4-3 ang result. naging narra vs. yakal kasi yung games eh. nanalo kami! =)

pero something happened din... dahil di ako nag-breakfast and lunch. basta. alam na ng mga tao yun. haay. nakakapagod. ayoko talaga pag nangyayari yun. sana di na talaga maulit... it makes me weak.

hinatid nga rin pala namin ni ryan si meg sa dulo ng katips. tapos nung paalis na kami ng FC, dumaan kami sa cmc to look for fireflies. =) dumiretso na sila sa mang jimmy's, while kami naman nina ryan, kaycee and joanne, pumunta muna rito sa bahay. nag-ayos lang ako nga gamit, then nag-taxi na kami. 5 times kaming ni-reject ng taxis! grr. nakakahiya tuloy kina dax...

nag-billiards pa sila after. di na ako nakasama kasi induction party naman ng AF sa house nina bridget. grabe, sobrang late nag-start. around 10 pm na. sana pala sumama na lang ako muna kina dax. nakakainis. pero ayos lang din... i had fun din talaga dun! naitapon pa kami sa pool! haha. =) sayang, sinundo na ako ng dad ko. di na ako nakapag-swim. ako nag-drive pauwi.

ayun. sakit na ulit ng fingers ko. hehe...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home