Wednesday, January 21, 2004

andaming tumatakbo sa isipan ko. kelan ba hinde? anlabo talaga ng buhay. problema rito, problema roon. di ko na alam kung ano ang uunahin.

so yun. late pa rin pala ako sa pe. haha. pero at least ilang minutes lang. si kev nga, dumating right after kaming i-dismiss! buti nakapag-sign siya sa attendance. hinatid niya ako sa arki (thanks bro!), then had lunch with yani. had a short talk about life. hehe. di rin kami nakapag-practice ng dance dahil dalawa lang kami ni aj. pinag-usapan na lang namin yung plano.

nag-text din pala si ryan. nakapag-blog na raw siya ulit. nabasa na niya ang nobela ko. natuwa naman ako sa reply nya. salamat bro.

pinuntahan ko si cathy sa econ, at kinausap ko sandali. matapos nun, nagdesisyon na akong umuwi.

but no.

nakita ko ang sunken. parang may humihila saken papunta roon para tumambay. masarap ang simoy ng hangin nun. makulimlim. ang sarap umupo't magmuni-muni. bumili lang ako ng sorbetes at naupo. napatingin sa paligid.

napag-isip-isip ko rin, tamang bigyan ko rin ng panahon ang sarili ko. panahon para tumahimik at mag-isip ng mga bagay-bagay na gumugulo sa aking isipan. mag-isa. masyado ko na rin yatang iniisip ang iba kaya nakakalimutan ko na ang sarili ko. siguro, tamang-tama saken ang antonym ng selfish. kung anuman yun, pwede ko na sigurong ipanlarawan sa akin.

habang nakaupo, nakatingin sa ulap, nakatingin sa mga batang nagpapraktis ng sayaw, nakatingin sa mga magsyota, nandun ako. nakaupo. naaalala ko ang ilang mga bagay noon. nami-miss ko na rin ang dati. marami nang pagbabago. pero ganun talaga. kelangang tanggapin.

drama.

sa aking pag-uwi, nakasabay ko pa sina karen at ja. niyaya akong mag-mcdo. pero di na ako sumama. gusto ko nang magpahinga. nagpasalamat naman ako sa paanyaya.

haay.

sana maging mas malinaw saken ang mga bagay ngayon na. kahit onti lang...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home