Wednesday, March 03, 2004

my first post for this month... i'm here inside cssp comp lab, hinihintay mag-text si dax. kasama ko si gee dito, and she's busy with work. SA eh. so yun. mas pinili kong tumambay dito sa UP at umuwi ng 7 pm kaysa umuwi ng before 3 pm. coding kasi ang car ko today at dala ko. so yun.

0301. first day of march. wasn't able to attend my fisik class dahil naiwan ko wallet ko sa bahay... at nandun yung license ko so i really needed to go back home and get it. nakabalik ako sa UP, almost 11 am na. meeting de avance sa AS steps ang naabutan ko. so nanonood na lang ako kasama sina red, victor, flip and some other friends pa nila. grabe, mainit ang mga eksena nun. nabigla talaga ako nung napikon na (yata) si kris ablan at sinigaw na stand-up are hypocrites. i, being a stand-up supporter (of some sort), was surprised nang narinig ko yun. medyo nainis ako. went to keziah's car, at kasama niya sina meg, dax at ryan. ryan was calling me fan pa nun, the night before kasi nun magka-chat kami sa ym mobile at nag-aasaran kami about idols and fans. yun. didn't attend math, so had lunch instead with ryan, keziah and cath sa jollibee katips.

pagbalik ko naman sa arki, wala ring arch 23. tapos wala ring 22. so wala talaga akong napasukang class for that whole day. what a nice start for march. hehe. sinundo ko sina ryan and his friend (classmate ko nung summer sa math 53, not sure kung ron or don ang name) sa math, then in-anounce na wala nang class mula 2:30 pm dahil sa transport strike. buti nakita namin si gee, so hinatid namin siya ni ryan sa kanila. bumalik kami rito sa UP and went to bahay ng alumni for ryan's group project sa pan pil 12. feel na feel talaga namin pagiging driver ko. haha. pagpunta namin sa law, nag-jog na sila. medyo trip ko kumain nun, so pumunta kami ni ryan sa eastwood para mag-starbs. siyempre, dahil nagpasama ako sa kanya, nilibre ko na. hehe. mukha pa kaming ewan dun kasi nagkukulitan lang kami. nakakatawa pa yung exit sa parking lot, ginawa pa naming star city. sayang di namin kasama si gee nun.

went back sa law, at medyo naghintay pa kina cath. nandun lang kami ni ryan sa car, at bigla naming naisipang turuan siya mag-drive. medyo kabado ako sa kanya nun, pero kita ko naman sa kanya na excited siya talaga eh. so siyempre gusto ko rin naman siyang matuto so tinuruan ko na. nadatnan pa kami nila rika, cath and pio na nagpapaandar. hinatid namin tita ni rika sa balara, then went to rika's place. hinatid namin si cath pauwi, at tinuruan ko dun si ryan mag-drive sa kanila. i felt kinda bad dahil muntik na kaming bumangga sa gate ng isang bahay. akala tuloy ni ryan nagalit ako sa kanya. honestly, di ako nagalit sa kanya. sa incident ako nainis. pero natawa rin naman ako afterwards eh. naalala ko yung ako dati.

at pumunta kaming apat sa cliff antipolo. maganda yung scenery. pero bigla na lang akong nagka-mood swing. grabe. kung pwede lang sabihin sa mga tao ng madali para maintindihan na nila ako once and for all... pero hindi. ayoko talaga. well, some people know now. as in some. mga apat lang. tama ba? tatlo lang yata. so yun. hinatid ko silang lahat sa mga got home past 12 mn na naman (grabe, pasaway na ako palagi!).

0302. nag-diagnostic exam sa fisik. attended math, pero di ako nag-notes. hell, nakakatamad na talaga pumasok dun. palibhasa patapos na eh. plus sobrang init pa dahil tanghali yun. nag-lunch kami ni meg sa jollibee philcoa. at dahil walang tao sa AS, pumunta na kami agad sa arki. at wala rin ang barkada dun. nag-vote lang kami. tapos bigla kong nakita si ryan. nag-net kami sa arki comp lab. hinintay na niyang matapos class namin, then sabay kaming pumunta sa law. pag-alis ng mga tao, nag-stay ulit kami sa car. had to watch the violin recital ng anak ng friend ng mom ko, so nagpalipas kami ng oras. nagpasama ako kay ryan eh (thanks bro!). had dinner na rin dun, then went to vinzons hall to see the usc election vote tallying. grabe, puro alyansa. then we went to cath's place. kausap din namin si rika, nagpa-panic na dahil kay rain. sheesh... stayed there till past 12 mn (na naman!), at hinatid ko na si ryan sa bahay. grabe. mga truck dun, overtake ng overtake. shit talaga mga yun. got home past 1 am na. nakausap ko pa si ryan sa ym sandali.

0303 (today). woke up late. nagpa-late na ako sa pe para madala ko yung car. answered two quizzes, isa dun make-up. first time ko ring napuntahan ang ait dahil sinabay ko sina beng at russ pabalik ng school. naaliw ako. went to AS para kay rika, then sinamahan ko siya sa CMC and read the election results. lahat ng alyansa nanalo sa standard bearers and councilors. top two pa si ivan. grabe. kahit na di ko sila binoto lahat, okay lang sakeng sila manalo, basta mapatakbo nila ang council ng maayos. anyway, went to law at dumating dun si ryan. di ko na pala siya tuturuan mag-drive, so naghanap ako ng mga taong puwede kong makasama till 7 pm. coding nga eh.

so yun. pupuntahan ko mamaya sina keziah at dax. migo's kami. haha. nagugutom na ako! wala pa akong lunch eh.

anyway, first time kong mag-rent ng pc this week sa buong college life ko. grabe no? lagi kasing sa bahay ako nag-o-online eh. hehe.

sige, masakit na naman fingers ko. gutom pa ako. haha. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home