okay… dahil wala naman akong masyadong ginagawa ngayon (nyek. marami ngang ayoko lang talagang gawin), gagawa na ako ng long post ngayon. since two weeks na rin ang utang kong kuwento, here goes:
0311. gee’s birthday! pinuntahan ko siya sa comp lab para i-greet. weird, di niya nakuha yung text greeting namin ni ryan while nakuha naman niya yung galing sa iba. anlabo. nag-meet kami ni ryan sa AS lobby around 4 pm para pagsulatin siya sa gift namin para kay gee – isang notebook with brown paper, at siyempre, pictures namin. hehe. went back to arki rin agad dahil may design kami.
0312. last long exam for math. oh my. sana ipasa ko yun. bukas pa lang lalabas yung result eh. ayoko namang magkaroon pa ng bagsak dahil take two ko na ‘to. after class, nag-meet kami nina ria and ben for design while nasa ge fieldwork naman si ryan. sobrang nag-beg ako kay gee para mag-stay pa siya sa school at hintayin kami. well, she did. di niya kami matitiis no. hahaha. :p went to eastwood for the second consecutive friday. and oha, inabutan kami ng dilim dun. himala para kay gee. ahehe. nag-dinner kami sa jack’s loft (ulit!).napag-tripan namin yung cakes nila. at siyempre, puro picture na naman. asteeg yung picture namin na nasa ground yung light source. paghatid namin kay gee, wala na kaming mapuntahan ni ryan. pero ayaw pa namin umuwi, so gumala lang kami hanggang makarating kina kish. tamang-tama, naiwan ko yung tracing papers ko sa car niya kaya kinuha ko na rin. hinatid ko si ryan sa house nila. sinundo rin namin ng dad ko si sis ilang hours after ng pag-uwi ko.
0313. i stayed lang whole day dito sa house. paul went here nung hapon. grabe. na-miss ko mga gaguhan namin dati. haha. pinabigay niya saken yung gift niya para kay gee.
0314. went to ria’s place to do the design plate with ben. on my way home (dala ko kasi yung kotse), napa-tune ako sa 89.9, at live guest nila ang southborder. tinext ko agad ang best buds ko para magtune-in din dun. wala namang nag-reply sa kanila so di ko rin nalaman kung nakinig nga sila. sinundo ko si jan mike sa kanila. nauna pa nga akong makarating sa house nila kaysa sa kanya dahil nag-mass sila. nag-scan siya ng pics dito samen. at narinig na namin yung rainbow. live acoustic pa. asteeg talaga. naka-chat namin si cath, at halatang nagtampo siya saken nung friday dahil hindi ako nakapag-reply sa kanya. anyway, nag-mcdo pa kami after mag-scan. hot and cold combo plus sundae kay jan mike.
0315. one of the turning points of my life. felt my world going upside down that day. wala pang ilang minutes after i woke up, got a heated argument with my mom and sis. won’t elaborate, pero i was really hurt that time kahit i admit na may pagkakamali ako. masyado lang akong na-pissed off sa sis ko, kaya nagbalak akong lumayas. i texted ryan, at sobrang napaisip ako sa reply niya. pero tumawag pa rin ako sa house nina alej para mag-ask kung puwede muna mag-stay dun, pero pumasok na siya. so i just packed up some clothes, then went to school. nawalan na ako ng gana mag-class, so pumunta lang ako sa school para tumambay.
sa lobby, nandun sina ryan, andrea, etc. i talked to some people about it, and it felt good to know that there are lots of people who care for me. dinamayan ako agad ng mga tao nung nalaman nila yung nangyari saken. thanks sa inyo. you guys know who you are. anyway, was so surprised and sad nung sinabi ni joanne na alej’s dad passed away. grabe. siya pa man din yung kakausapin ko sana about my problem. pero mukhang hindi na dapat. had lunch sa mcdo, then went to arki for design.
kinuwento ko na rin sa closest friends ko sa arki like pat, loz and jik. during design class, ryan texted me na sila na yata magpe-perform for street indakan. so tumakbo ako sa gym in the middle of the class. pero pagdating ko dun, di pa naman pala sila, so i ran (yes, ran) back to arki. saktong nagpapa-consult na sina ben and ria. and right after that, saktong nag-text na ulit si ryan so i went back to the gym. nakasabay ko pa sina rika at cath. halatang nagtatampo pa si cath saken, so sinabi kong sana sabihin niya kung galit siya or what dahil that time din ay lumayas ako ng bahay. so yun. enjoy naman yung show. ang galing nina ryan, kaycee and cam. ahehe.
after the event, nag-mcdo kaming s*three and i treated them mcfloats and fries. hehe. bonding na naman. at ginabi na naman si gee. haha. nagiging pasaway na rin siya tulad namin ni bro. :p at si bro, medyo na-paranoid kay miss pretty. di naman kasi namin nalaman kung dumating siya sa gym eh. went to alej’s place after, and decided to stay there. inamin ko na rin kay alej yung nangyari saken para di magmukhang front ko lang yung pakikiramay sa kanila para may matulugan ako. i trust him a lot, so dapat lang sinasabi ko mga ganung bagay. yun nga lang, medyo wrong timing kaya i apologized na rin. i texted my dad na di ako matutulog sa house. nagpadasal kami, at baliktad ang inasahan kong mangyari. ang sama, pero nagtawanan talaga kami nung prayer na mismo. andaming reasons eh. ayun. nag-ice cream pa kami dahil birthday ni kuya andré, pinsan nila. new friendster. ahehe.
0316. went home muna nung morning bago mag-fisik. sakto, walang tao sa house. na-late ako sa fisik. lagi naman eh. and after arch 18, tumambay kami nina jik at madz sa sunken garden. bonding. had some snacks. went to alej’s place after, pero umuwi rin ako. at pagdating ko rito sa bahay, parang walang nangyari. kinausap lang ako ng mom ko about alej. and yun. okay na. haay. lagi na lang ganun. may mangyayaring sobrang lala at aalis ako, tapos biglang parang wala lang nangyari pagbalik ko.
0317. before pe class, nagpagising ako kay alej via phone. at since nagising na ako before siya tumawag, saktong nasa shower na ako at mom ko nakasagot. nag-usap sila. so yun. my mom sent her condolences din kina alej. at sa pe, practicals. ang baba ng scores ko. buti na lang form ang tiningnan talaga. haha. right after pe, went to alej’s place. again, dun ako natulog. nagluto pa kami ng… gisig. sarap! haha. imbento lang. at since bumili ako ng net card, nag-net kami. ahehe. naka-chat pa namin sina ryan. and klara… we talked about us. i asked her kung okay na ba kami. well, nag-dc siya ng hindi namin nasasagot ang tanong. naguluhan ako eh.
0318. around 3 am na ako natulog dahil naka-chat ko pa si jego and i studied for fisik lab practicals and fisik lec 3rd exam. paggising ko around 6:30 am, nagmadali rin akong umuwi. kahit may dala akong car, na-late pa rin ako sa fisik. haay. buti na lang walang recit. at sabay pa kaming pumasok ni ryan. since fisik lang class ko nun, nag-take out kami nina gee, jan mike, rika, maikel at ryan ng mcfloat sa mcdo. ahehe. pumunta naman kami nina gee, rika at maikel kina alej, then sumunod sina ryan and jan mike. tinuro namin ni zan sa kanila yung beat game. ahehe. naaliw naman kaming lahat. pauwi, hinatid namin si ryan bago kami lahat umuwi. first time ni gee makapunta sa kanila. inikot namin yung sementeryo. haha. medyo nakakatakot dun. buti na lang di pa masyadong madilim that time. had a new group. basta. sobrang… um… err… ewan. :p
0319. after math, went to cha’s place with mitch for lunch. had beef stroganoff and pasta. grabe, ang galing magluto ni cha! then pumunta kami kina alej. andun din sina ryan, kaycee, donna, mark, fides and claudane. nag-isaw pa kami after. studied fisik pagdating ko rito sa bahay. minutes before 12 mn, nag-text si klara. tinanong niya yung tinanong ko nung isang araw. and friends na kami ulit. sana di na kami ulit magkaproblema. or whatever people call it. haay. okay na yung ganun. ü
0320. fisik lec 3rd long exam and lab written exam. haay. hirap. nag-lunch kami nina ryan, meg, mac and kel sa jollibee katips. and after that, tumambay kami ni ryan sa car ko, waiting for gee. di niya sinasagot cell niya. kasama niya kasi si diwa nun and… ayun. basta. sayang, good time pa sana for rockwell. went to cath’s place instead, and noticed na di ko na maapakan yung clutch! nag-text na rin si gee, at nasa bag daw niya kasi yung cell niya kaya di kami naka-contact. at pag-alis namin, ilang beses akong namatayan ng makina. shit. so tumambay na lang kami sa mocha blends sa may shell marcos hi-way. at nang paalis na kami, poof. ayaw na ng kotse. pinauna ko na lang sila sa rob at hinintay ko dumating dad ko. inayos nila yung ilang parts. naubusan lang pala ng brake fluid sa clutch. palibhasa may leak. ayun. went home na after. i texted ryan and cath na okay na ako. went to the barangay hall din to see sheryn regis and some other performers, and sinundo ko si ate sa rockwell after.
0321. nag-iwan si ryan ng offline message sa ym. naisip na pala niyang baka naubusan lang ako ng fluid. haha. tama siya. went to ria’s place for an overnight stay. plate kasi for design eh. the next day yung consultation. di kami halos nakatulog. texted klara rin pala. haha. napaisip lang. sana talaga okay na.
0322. nagpasundo ako sa dad ko, then slept for 1 hour dito sa house. nagising ako around 10:30 na, at nag-text si ryan. research sana siya rito for panpil pero had to go to school din so di na natuloy. sinundo ko si meg kina dax at pumunta sa fisik before arki. af execom meeting nung lunch time. yes, nanalo ako dahil wala akong kalaban. pero felt bad dahil aalis din naman ako. told foom about it, and sinabi niya okay lang. it was good for him daw to know na i really want to serve the org. haay. i’ll start the duties, then itutuloy na lang ng kapalit ko when i leave. sa arch 23 naman, joke time. nagbilangan lang kami ng brochures. madaling dayain! went to fisik again with meg, jik, vhan and macky. pinuntahan ko si gee sa comp lab and talked to her for a while, and nag-drive thru kami nina jik at meg sa jollibee philcoa. nilibre ko sila. ahehe. design naman, final consultation na. so yun. at nang pauwi na ako, kasabay ko si nins and…
may nabangga akong kotse.
shit. first time. di ko alam gagawin ko. i tried to stay calm. pero sa loob ko, sobrang kabado. kinuha ko yung contact number at kinuha ng driver yung license ko. pag-uwi ko, naiyak ako agad. sinabi ko sa dad at tito ko, at sobrang pinagalitan nila ako. sobrang down ako nun. nanliliit talaga ako. tinext ko mom and sis ko. pati si ryan. haay. pinuntahan namin yung owner sa marikina, at sila dad ang nakipag-negotiate. pagdating kina lola, called ryan sa cell. siya una kong naisip tawagan. ang sama nga eh, birthday pa man din niya the next day at yun ang binabanggit ko sa kanya. pero wala rin akong magagawa dahil siya naman talaga nalalapitan ko pag may problema. tinawagan ko rin si gee sa landline. si meg din. texted ria. ayun. haay. kaya pag-uwi ko ng house, sinabi rin ng dad ko na okay lang yun. normal lang daw mabangga ng ganun, lalo na pag beginner. pero sobrang traumatic experience. nag-decide akong wag munang humawak ng manibela. di ko pa yata kaya.
and around 11:30 pm, nakatulog ako! di ko na-text si ryan ng 12 mn! nakagawa pa man din na ako ng message para sa kanya.
0323. nagising ako around 4:50 am. nainis ako dahil di ko na-text si ryan at sinend ko na lang that time. pagtulog ko ulit, had a bad dream. related sa pagkabangga ko, at another thing, sobrang nagalit ako kay ryan. anlabo. at paggising ko na ulit, thank you text from ryan. haha. :p nag-research ako buong umaga para sa paper namin ni ryan, pero wala akong nahanap maski ano. naka-chat ko pa siya at si pauline nung lunchtime.
pagpunta ko naman sa school, dumiretso ako sa comp lab. nag-stay lang ako dun. dumating din si ryan, at siyempre, greet kami agad ni gee. at heto namang si ryan, tinext daw ni miss pretty na lumabas sila. haha. sabi namin go for it, pero nagkalabo-labo na so di na rin natuloy. ginawa namin nina gee at jan mike yung project ng kapatid ni gee, at nakita namin si kring sa lobby. pinakilala niyan samen si shao, at tinuro namin yung beat game. hahaha. ü nag-isaw kami nina ryan, gee and jan mike, then philcoa ang naging daan namin pauwi. haha, nakita namin ulit sina kring at shao sa mcdo at nilibre ko sila ng mcfloat. at dahil katips si kring pauwi, sinabayan na namin siya ni jan mike kaya bumalik din kami sa school. nakasabay pa namin si jeelyn. na-miss ko na rin yun. bumili lang kami ni jan mike ng net card sa may ansons, at umuwi na.
at nandito na ako.
grabe. sobrang long post to. sumasakit na mga daliri ko. pero nakakatuwa, started the entry with gee’s birthday and ended it with ryan’s. ahehe.
finals nga pala ni ryan sa math 55 bukas. grabe, 93% 3rd long exam niya dun! na-asteegan ako sa kanya bigla. hope he’ll have that same performance din sa finals bukas. at si gee naman, wala. leisure time bukas. jogging and badminton daw sila. inggit naman ako. try ko sumama. buti pa siya wala nang masyadong kelangan gawin.
dumating na nga rin pala si amia dito sa quezon city from davao. ü
overnight na naman ako bukas kina ria. design pa rin. kelangan na namin agad matapos dahil no much time na. may finals pa kami sa math at fisik eh. argh. may pe pa pala bukas.
so, till next post. haha.






0 Comments:
Post a Comment
<< Home