Saturday, March 06, 2004

okay… nandito ako ngayon sa room ng sis ko with cath and ayin. dumating si cath around 12nn at kakarating lang naman ni ayin. hehe. wala talaga kasi akong kasama rito sa bahay hanggang tomorrow night. sana may dumating pang iba rito mamaya. :p sabi nga pala ni ryan mga 1:30 daw siya pupunta. ewan ko kung bakit wala pa. haha. :)

sige, kuwento.

0303. after ko umalis sa comp lab ng cssp, sumunod ako sa migo’s. nandun sina keziah, dax at leya. kumain lang kami at uminom ng gulaman, then tumambay kina dax para magpalipas ng oras. grabeng kilitian lang pinaggagawa nina dax at keziah. parang mamamatay na nga sila nun eh. nag-solve lang ako tuloy ng magic blocks. pinasakit nun ulo ko. dumating si ayin past 6 pm. nakitambay lang sandali. haha. nagmistulang parking lot ang harapan ng bahay nina dax. nandun yung tatlong kotse. at siyempre, umalis kami around 7 pm. bumalik rin ako agad sa kanila para ibalik yung bongos kina dax. pupunta pa sana ako kina alej pero late reply niya kaya hindi na ako natuloy.

0304. was late for fisik recit kaya hindi arki or upis naka-group ko. pero at least kami ang unang nakapagpasa! oha! tic tac toe game kasi yun eh. after that, pinuntahan namin ni ryan si gee sa comp lab. at sa lobby, medyo nagka-tension. yun. basta. won’t elaborate. anyway, had arch 23. merienda kami nina jik, kay, loz, cham, pat and ria sa eng’g canteen. hinatid ko si gee sa house, then went to law after, at nadatnan ko dun sina rika at cath. di na sila nag-jog. pagdating ni jan mike, nagplano na kaming umuwi. buti nag-text si ryan bago kami makalabas ng UP. sumama siya sameng ihatid si cath at jan mike, then pumunta kaming dalawa rito sa bahay. nanood lang kami ng tv (star circle quest!), este, gumawa ng fisik lab. hehe. umalis siya around 8 pm. pumunta kami sa house nina tita cynthia sa vista verde, and got home past 12 mn. pero hinatid pa namin sina sis sa victory liner. bumalik rin sila rito sa house dahil 5 am pa raw ang alis ng bus. haha. nakatulog ako around 4 na yata dahil ginawa ko pa yung lecheng lab na di ko naman natapos.

0305. woke up 9 am. saktong nag-text si bro saken. so nagmadali na ako dahil fisik by 10. nung malapit na akong umalis ng bahay, nag-text siya ulit. di na raw siya papasok. pero maya-maya nag-text siya ulit at papasok na siya. so medyo naguluhan ako. nakapasok siya ng fisik at ako… hindi na. haha. tinext lang niya saken yung reason. hinintay ko siya sa as lobby at hinatid ko sa gym. pagbalik ko sa as, tumambay lang ako sandali. by 12 nn, nag-lunch kami nina gee at ryan sa… eastwood! first time ni gee kaya tinour namin siya dun. hehe. nag-lunch kami sa jack’s loft at siyempre, kumuha ng maraming pictures ulit. nag-ikot lang kami sandali, then bumalik na sa school. sinamahan ako ni ryan sa arki at nag-net siya. at ako naman, mineet sina ria at ben for design at gumawa ng lab. buti na lang nandun si jacklyn. nagpatulong ako. sobrang bad trip ko na nun dahil sumasakit na ulo ko kakaisip sa design at fisik lab ng sabay. pagpasa namin ng data sheets, dumiretso kami ni ryan kina vayne. birthday celebration! pero nagmadali rin kami kasi pumunta pa kami nina ry at jan mike sa mbs. nabili nina keziah at dax si ayin sa halagang P350. akin yung P100 dun. :p so puwede kong ipautos kay keziah kahit ano kay ayin! hehe. sinundo namin si grace sa ilang, then dumiretso kami rito sa bahay. umalis parents ko around 8 pm, at solo ko na ang bahay till tomorrow night!!! :) umuwi si jan mike around 9 pm, at naiwan kami ni ryan. nag-net lang kami at nanood ng tv. naka-chat pa ni ryan sina ayin at kay. so close na sila ni kay. pinagtutulungan na nila ako. haha. umuwi siya, around 12 mn na. dumiretso ako kina lola to borrow the tripod para kina irish. nanood pa ako ng tv at nag-net dito kaya around 4 am na ako nakatulog. ginawan ko pa ng friendster account ang s*three. :p

0306 (today). woke up past 10 am. may text si ryan past 8 am, si cath naman past 9 am. so late reply na ako sa pareho. ayun. had breakfast, at dumating na nga sina cath at ayin. hinihintay ko na lang dumating ang darating, kung meron pa. hehe.

nagtataka ba kayo kung bakit solo ko ang bahay at hindi ako sumama sa pangasinan?

nagpanggap akong may exam sa fisik today eh. haha. wala lang. di ko kasi trip eh. nakakatamad. at marami pa akong kelangang gawin. hindi nga lang academical. :p pero seryoso, may plate pa akong gagawin. at sana nga magawa ko. :p

sige, till next post.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home