di ko namalayan ang oras. past 10 na pala. at alone pa rin ako rito sa bahay. grabe. di man lang sila nagpaparamdam. di ko tuloy alam kung pauwi na ba sila o hinde. oh well.
anyway, right after kong mag-post kahapon, nag-text si meg kay ayin. si ryan daw, matagal nang naghihintay sa labas namin. damn. kinabahan ako. feeling ko galit siya. at tama nga ako. nagalit siya. around 30 minutes na daw siyang naghintay sa labas ng bahay namin. akala niya tinitrip namin siya. like, wala naman akong balak i-trip si ryan no. bakit ko naman yun gagawin? sa kanya pa. so i explained. buti naintindihan niya agad. pero i felt bad about it. sobra. para ngang bumaliktad eh. ako pa na-bad trip. nakonsensya ako kahit di ko naman sinadyang mangyari yun. si ryan pa tuloy nagpatahan saken. labo.
takteng buzzer yan. matagal na kasing sira eh. palitan na.
anyway, umalis din si ayin minutes after nun. at natulog si cath. may nagpa-survey about cellphones. at sobrang tagal nun kaya di ako agad nakabalik kay ryan. ayun. hiritan na lang kami. nakalimutan na yung buzzer thing. haay. buti naman. dumating si pauline around 7 pm. nag-online lang kami magdamag. nanood ng tv, nagluto, kumain. breakfast mode nga kami kagabi eh. rice with egg, hotdogs, corned beef, spaghetti. haha.
cathy went home around 9 pm. while sina ryan and pauline, nag-overnight na lang. buti sinamahan nila ako rito. i'm so thankful to them dahil nagbigay sila ng oras para saken. talagang sobrang importante nila saken. early morning na kami natulog. pauline went home around 7 am dahil may review class pa siya, and ryan around 8.
went to lola's place to have breakfast. hade some pasta. nag-bake din kami ng banana cake and brownies. grabe, i missed doing that. papatikim ko nga kina ry bukas. haha. had lunch din, beef with brocolli. nakatulog nga ako bago mag-lunch kaya 3 pm na ang meal ko. haha. went home na rin after.
so ayun. nandito lang ako sa house. kanina pa ako online. nag-upload din ako ng tones sa phone. feeling ko mauubos ko na 'tong net card ni ate. palibhasa walang magawa eh. ako lang nandito. anyway, watched survivor nga pala kanina. boring ep.
some drama happened din ngayon. i texted meg na (yes, meg) saying i'm sorry. the tension last thursday that i was talking about is about us and dax. ayun. nag-reply siya pero late. okay na raw. i felt so happy after that. :) another thing, when i checked my email, may msg saken si pauline which made me text her agad. nag-reply din siya after, which made me feel even better pa.
pero na-realize ko nga, importante saken mga kaibigan ko. pero ang problema saken minsan, sa sobrang dami kong iniisip, di ko naipapakita sa ibang tao kung gaano sila kaimportante saken. plus, people person pa ako, so sobrang daming tao sa paligid ko. time to do something about it. masimulan nga. pero it's okay for me na rin kahit papaano na alam kong mahalaga sila. so yun. anlabo. ayokong mag-elaborate eh.
sige, sana dumating na mga tao rito sa bahay.






0 Comments:
Post a Comment
<< Home