Wednesday, September 17, 2003

ang panget ng format ng blog na ito... nakakaasar.

nandito ngayon sa bahay si ben. hinihintay naming mag-9pm para pumuntang gym at mag-overnight kina ria. design kasi eh. pag wala si sir o bukas, grr...

ang haba nga araw na ito...

woke up around 5am, pero tinamad pa akong bumangon. bumangon talaga ako, past 6 am na. nakarating ako sa mcdo philcoa, mga past 7 am na. nandun na si gee. akala ko ako na ang last na darating. eh wala pa naman pala sina dax at vitt. hehe. sila pa naman may kotse. sunod na dumating si joanne.

sa biyahe, nagpa-gas pa kami. ang saya ng ride, lima kami, sobrang lamig ng hangin. sabi nga namin idiretso na sa baguio o tagaytay. sayang nga lang, may exam kasi si vitt ng 2 pm. haha. =)

pagdating ng power-up pasig, climb na ng climb! ang ganda ng lugar. masaya mag-climb dun. mataas ang walls, kaya medyo nakakalula. nasulit ko naman yung binayaran kong P70. first time ko pang mag-rent ng climb shoes!

nakaalis kami dun, 11:45 na. at 10 ang AS 2 ko. nakarating kami sa UP mga past 12 nn na, pero nag-AS pa rin kami ni dax. nag-seat in si gee. medyo maaga kaming natapos.

nag-lunch kami sa tokyo tokyo katips. kasama ko sina claudy, gee at serwin. di na samen sumama si ryan dahil ang arte niya. haha. =) nag-field work kasi siya sa GE 10 eh, kaya ang dugyot daw niya.

nakabalik kami sa UP, past 4 na. di na ako nakapag-math. niyaya ko na lang si ben pumunta rito sa bahay dahil hindi na natuloy yung 5-7pm meeting namin...

at nandito na kami ngayon.

test ko na sa math sa sabado. si ben, bukas na. malas... wish us luck!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home