pumasok ako today sa UP, only to find out na suspended ang classes. haay.
gumising ako ng 7am, pero natulog ako ulit dahil sobrang lamig. nagising tuloy ako, past 9 na. tinapos ko pa yung FLR, at inayos ko yung CD ni ryan. natapos ako almost 10am na, kaya tinamad na akong pumasok. sobrang lakas pa ng ulan at wala pa akong payong kaya lalo akong nakapag-decide na wag nang pumasok.
nag-online na lang ako ulit. naghanap ako ng lyrics ng why ni avril. LSS ko eh. basta LSS, lagi kong piniprint. haha. dumating din dad ko before 11 so nagpahatid na ako sa AS for fisik.
pagpasok ko ng AS lobby... nalaman kong wala nang pasok. sana hindi na ako umalis ng bahay! pero ayos lang dahil akala ko nga ipa-pass pa yung FLR at ibibigay ko kay ryan yung CD. yun pala, moved din ang deadline ng FLR. haay. sinamahan ko lang bumili ng lunch si meg sa casaa, tapos tumambay na ako sa lobby.
past 1, kami na lang ni kc ang nasa tambayan. hinintay namin si ryan dahil sa magkaibang dahilan: kay kc, yung shirt design ng UP pep boosters. saken, yung CD nga. kakahintay, natulog muna ako sandali. pagdating nila ryan, keziah at mac, pumunta sila sa NIP. pagbalik, natulog sila sa kotse.
naglakad ako mag-isa sa may acad oval. umabot ako sa tambayan ng AF, at pumirma ng ilang sigsheets. after nun, bumalik na ako sa AS dahil kinailangan na ni kc pumuntang gym. sabay kaming kumain sa casaa, at sumama na ako sa kanya sa gym.
napanood ko na rin ang UP pep... so mas okay na saken kahit di ako makakanood sa sabado. lecheng field trip yan. anyway, ang galing nila, sobra. nakakatuwang panoorin, lalo na nung nag-headstand silang lahat!!! =) nakakabilib talaga silang lahat. nandun kami hanggang past 5. pumunta kami nina kc at ryan sa mcdo philcoa para i-meet si donna.
nauna na si kc dahil sinundo na siya sa EVER, kaya kami na lang ni ryan ang naiwan. nakita ko pa si pepoy, may kasamang friend. haha. tinukso ko lalo kay donna. =) pagdating ni donna, umalis din siya agad. nag-stay kami ni ryan sa mcdo hanggang 7pm. nagkuwentuhan lang kami't naglaro ng my word. haha, napaka-intelektwal talaga ni ryan! may nangyari pa nun kaya sobrang saya niya. =)
haay... PE at AS2 na naman bukas. tinatamad na akong pumasok since last week. ewan ko ba.
birthday na ni alej bukas... excited na ako sa party! =)






0 Comments:
Post a Comment
<< Home