Tuesday, September 23, 2003

haay... PE na naman bukas. have to wake up early...

yesterday... nakuha ko na 5th exam ko sa math. i can't believe it. 85.69%?! grabe! akala ko wala na akong pag-asa... meron pa pala. kailangan ko pa ng 68% sa last long exam at final exam para maka-3.0. possible kaya yun? sana...

sa AS lobby, medyo nairita ako. pero ayos lang. sina ryan at claudy naman yun eh. kaso nga lang talaga... damn. ayoko na.

may arch 21, pero napunta kami sa seminar. wala na kaming esquisse, at na-move ang deadlines. sa thursday pa ang presentation ng design program. i got a 95 nga pala sa first plate. asteeg. =) sana maka-uno ako kay sir o!

kanina... nag-math at fisik ako. nag-promise ako kina deb na di na ako a-absent sa fisik eh. nag-quiz, at di ko nakuha yung 2nd question. haha. =) nag-report kami sa arch 17, sobrang joke. impromptu! di naman halata eh. buti na lang may visuals si aizza. =) wala nga lang kaming written report. next week na lang.

bumalik ako sa AS, nandun lang sina ryan at gee. haha, our group. =) nagkaguluhan lang kami. lokohan, hiritan, asaran! dumating din yung arki, so sila naiwan dun nung pumunta na kami sa classes namin...

mock exam. fisik lab. nakakainis. ang hirap. out of 6 stations, 2 lang may sagot ako. di pa tama lahat. oh well. buti na lang mock yun. mag-aaral pa pala talaga ako dapat for practicals, kahit 1 unit lang 'to.

nagkita kami ni ryan sa AS steps, medyo bad trip siya, pero ayos lang naman. nakasama rin namin si abi, hanggang nag-decide na akong pumunta sa arki at si ryan kina dax. pagdating ko sa arki, walang practice dahil may class pa sila gel. so, pumunta kami nin ken sa SC at umuwi na ako after.

hirap makasakay sa philcoa... walang anonas jeep. nag-ibang route ako.

oh well. maaga pa nga pala ako bukas...

God, sana mapasa ko ang math 54. favorite number ko ngayon: 68. kailangan kong maging favorite number 'to para sa last two exams...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home