weekend ulit. nandito lang ako ulit sa bahay. walang lakad. pati bukas. good. have to study for the math 54 midterm exam and 3rd long exam, both for next week. kaso may problema.
tinatamad ako. kuwento muna ng thursday and friday.
thursday. wala kaming fisik nun. pero i went to school pa rin before 10 am para samahang tumambay si ryan at makatambay pa ang ibang mga tao. weird nga eh. kung kelan walang fisik, saka ako nakarating sa UP before 10 am. haha. anlabo. :p so yun. pagdating ni ryan sa lobby, pumunta siya agad sa SC. pinabantay lang samen ang bag niya. haha, pareho kaming naka-maroon UP shirt nun. pareho pa kaming naka-cap. kaya nga nung binisita namin si gee sa comp lab, nagtampo. haha. :p di raw namin sinabing maroon ang color of the day. eh di naman namin yun pinag-usapan ni ryan. so pinlano namin for friday, black kaming tatlo. :)
dumating ang 11:30. tinamad akong mag-math. pero pinapasok ako ni ryan. wag daw akong mag-cut. so sinamahan niya ako papuntang math building. buti nandun sina kish at dax sa parking lot, so sumabay na siya kay kish hanggang che. naglakad pa rin siya from che to as lobby. nag-text pa. haha. anyway, sinundo pa nga raw ni kish si dax sa house nila't hinatid siya sa math. hmm... di raw sila. pero mukhang sila na ulit. hehe. at least pareho na silang masaya ngayon. :)
after math, hinatid ko muna si ria sa arki, then went back to AS. sinamahan ko muna si gee at jan mike sa pnb, then sumunod ako sa mcdo at sila naman sa national bookstore. kasama naming mag-lunch sa mcdo sina kish, meg, ryan, dax, rubie at mac. umalis din kami before 2:30 dahil may class pa yung iba samen.
came 4:30. tinamad na akong mag-design. so i told gee na ihahatid namin siya ni ryan sa house. pero ang nangyari, hinatid namin si cathy sa econ, hinatid sina jan mike at rika sa law, sinundo si cathy sa econ, hinatid si kaye-ann sa bahay, hinatid si cathy sa bahay... hanggang tatlo na lang kaming naiwan sa car. s3. bonding ulit. :) kuwentuhan tungkol sa kung anu-anong problema. balak ni ryan tapusin ang ge at mag-ce after. balak naman ni gee mag-geography and at the same time ay mag-aral sa flight school. at ako, di ko pa alam ang balak. sinabi ko sa kanila, ang hirap magbalak ng ganun kung di ko naman alam kung nasaan ako sa future... kung dito ba sa pilipinas o sa us na. haay. so yun. dahil na rin sa traffic, nakarating si gee sa house nila, past 7 in the evening na. di pa ako nakuntento, hinintay namin ni ryan si serwin sa philcoa. while waiting, bonding muna kami ni ryan sa car. haay. daming napag-usapan. ang lulungkot. but still, hakuna matata. :p
pagdating ni serwin, diretso na kaming tatlo sa san mateo. first time kong mag-drive dun. ansaya! :) bonding kaming tatlo. kuwentuhan. kulitan. nang-trip pa kami. kumain ng balut. whew, nagawa kong kumain ng balut dahil sa kanila. sa totoo lang kasi, di talaga ako kumakain nun! and after nun, napag-isipan naming pumasok sa sementeryong paraiso. sobrang dilim ng way papunta dun. nag-freak out si serwin. grabe pala yun matakot! sobra! pinagsiksikan niya ang sarili niya sa passenger seat kasama si ryan. tawa lang kami ng tawa ni ryan. haha. :p nung papasok na talaga kami, bigla nila akong pinag-reverse. bilisan ko raw. yun pala, may mga gangsters nang lumalabas. natakot ako. sobra. kaya binilisan ko talaga. diniretso ko na sa subdivision nila. pero sabi namin, babalikan pa rin namin ang sementeryong yun... balang-araw.
so yun. first time kong makarating sa lugar nila. nag-stay kami sa house nina ryan. nakilala ko rin ang parents niya't nakita ko na ulit si ate rose. hehe. kilala na nila yung jas na ipinantatakip lagi ni ryan sa kanila. :p ang kalat ko kumain nun. maarte. haha. na-miss ko rin yung strawberry sandwich. stayed there till past 10 in the evening, then pinuntahan din namin house nina serwin. di na kami nakapasok dahil tulog na rin mga tao sa loob.
sinamahan nila ako hanggang sa labas ng subdivision. at nakaalis na ako dun around 10:35. pinakinggan muna namin yung come breath me nina wax bago sila umalis sa car. got home around 11:00. mga 30 minutes lang pala talaga ang biyahe. ryan texted me nga pala, thanking me sa pagbisita. haha. first time kasi eh.
ang haba ng araw na yun. nakakapagod, lalo na ang driving. andami naming napuntahan eh. pero masaya pa rin. :)
friday. was a bit late for fisik lab. 7 am na ako nagising eh. just had an experiment. pero di rin ako halos nakatulong. biglang sumakit ulo ko. sa fisik naman, sinabi nga ni gee na medyo mainit ako. haay. buti na lang hindi naging lagnat talaga. nawala rin agad eh. nag-recit kami, and wala ako halos nasagutan. nga pala, naka-black kaming tatlo nun, at magkakatabi pa. hehe. and after math, nagpahatid si meg sa eng'g. at si dax, nagklase. kaya nawalan ako ng kasama. buti nakita ko si kaye-ann, kaya sabay kaming nag-lunch sa casaa.
after eating, sir rb santos texted me. nasa bahay ng alumni siya. so pumunta muna ako sa arki to look for some of my co-advisees, then kinausap ang admin. nakapag-advise kaming tatlo nina meg at kaij. good. at least bawas na ang iisipin. hehe. nagpa-advise din kami for summer. pero... anlabo. baka di ko rin magamit mga pina-advise ko. di ko kasi alam kung 3rd year eh nandito pa ako. oh well. ginawa ko pa rin just in case.
pagbalik ko sa eng'g, wala na si ryan. tapos na exam nila. so habang pababa ako ng hagdanan, nakita ko si jik. ayun. nahatak pa niya tuloy ako pabalik sa arki. at nang dumating si kay, umalis na rin ako. pagdating ko sa AS lobby, nandun sina ryan. sabay kaming pumunta sa econ nina rika, ryan at peps. binaba muna namin si rika sa econ, then pumunta kaming arki library para puntahan sina gee at jan mike. umuwi na si pepoy at dumiretso na kami ni ryan sa 5th floor. picture taking lang ginawa namin. haha. :p blue pala kami sa monday.
bumalik kami ni ry sa econ, at nag-jog sila ni rowbs. kami naman nina rika, cath at anna, dumiretso sa xybrbowl. tambayan na! haha. every friday. :p sa basement kami nag-park. nag-billiards kami. sumunod sina ryan at jan mike. at nagkuwento si ryan. haha. aliw. ang hyper niya nun. kaya sobrang napapasok mga billiard balls sa mga tira niya. so yun. after nun, hinatid namin sina jan mike at rika sa kani-kanilang lugar, at dumiretso kami ni ryan sa UP para sa dance compet at party na hinost ng yfc. sina kaycee at donna yun. :)
late na nag-start. almost 9 pm na. nagkaroon pa ako ng mood swing. nag-stay ako sa car sandali. sheesh. napag-isip ko pa tuloy sina ryan at klara. naglakad ako hanggang vinzons at bumalik din agad. bumili ng food at kumain ng onti. bigla akong sumulpot sa kanila't binigyan ko sila ng fries. and around 10 pm, nag-decide nang umuwi si ryan. so nag-decide na rin akong umuwi.
tinanong niya ako sa car kung bakit ako nagkaganun. ewan ko ba. anlabo talaga. di ko nasabi ng maayos sa kanya. actually, sinabi ko kung bakit. pero hindi lahat. i have to keep some things to myself. yun. hinatid ko lang siya sa philcoa. at nang pauwi na ako, naisip kong mag-iba ng daan.
may pinuntahan muna ako. nag-usap kami hanggang midnight. sa kanya ko lang nasabi ang mga ilang tumatakbo sa isipan kong hinding-hindi ko pa nasasabi sa mga malalapit kong kaibigan, kahit kina... basta. haay. buti na lang at nakapaglabas na ako ng ganung thoughts sa isang tao. salamat talaga sa kanya't nakinig talaga siya saken. pero ang isa pang problema ko rin nun, isa pang tao. kilala rin niya. haay. di ko alam. hanggang ngayon, di pa rin nagpaparamdam saken yung isang taong yun...
nakauwi ako, around 12:30 am na. natulog ako, mga past 2 na.
ayun. heto ako ngayong sabado. nakatanga sa bahay. kelangan nang mag-aral sa math. kanina nga pala, nasabihan pa akong pasaway at parang bata. totoo nga siguro. ewan. pero i didn't get him wrong. at dito naman sa bahay, nasabihan pa akong perwisyo ako sa pamilya. shit. bad trip talaga. tangina.
some thoughts:
bakit kaya ganun? nakakaramdam ang tao ng mga bagay na alam naman niyang hindi dapat nararamdaman. talaga bang sa aking pag-iisip ay mas madalas kong gamitin ang puso kaysa sa utak? hindi ko lubos na maintindihan. alam kong may mga naiisip at nagagawa akong hindi dapat, pero hindi ko talaga mapigilang mangyari. at least alam ko kung bakit ako nagkakaganun. pero hindi ko talaga maisip kung bakit di ko ma-control ang sarili ko.
alam kong hindi niyo maintindihan ang mga pinagsasabi ko. pero mas gusto ko munang sa akin na lang yun.
takte. drama.
haay. sige na. sobrang haba na pala nito.






0 Comments:
Post a Comment
<< Home