Monday, June 30, 2003

hey. it's me again. hehe, para namang marami kami rito. =)

tagal ko na ring di nakapag-post. busy kasi ako with school work, tapos madalas pang gamit ni ate yung PC. at isa pa, laging error yung blogger sa server nga ate ko. yun pa naman yung unlimited access. bad trip.

anyway, monday na naman. isang linggo na namang puro pahirap. kailangan kong magpasa bukas ng paper sa arch 17 na hindi ko pa sinisimulan. kailangan kong ayusin ang design program at gumawa ng design concepts sa arch 21. kailangan kong gawin yung pop-ups ni lola chico sa arch 6. kailangan kong mag-aral for a saturday long exam sa math 54. kailangan kong mag-aral para sa recitation class sa physics 71. kailangan kong maintindihan yung pinagtuturo sa amin sa physics 71.1.

oh well.

sayang, di ako nakapunta kay margaux... pero nagpapasalamat pa rin ako sa invite. =)
maraming salamat naman para kay keziah. =)

Thursday, June 26, 2003

ilang araw na akong hindi nakakapag-post dito. madalas kasing mag-error 'tong blog na ito sa isp namin eh. oh well. at least medyo okay na ngayon.

anyway, masaya talaga ang birthday ko this year, though i really wished na sana may overnight thing dito sa bahay tulad ng last year. pero okay lang, kasi nagkasama-sama rin kami ng mga upis friends ko sa kenny rogers at gayuma (kahapon) at gayuma ulit (kanina). natutuwa talaga ako. buti na lang at marami na namang pictures. =)

birthday celebration nga pala bukas nina keziah at margaux. excited na naman ako!

Sunday, June 22, 2003

oh well. nandito na naman ako.

di ko alam

di ko alam kung ano ang dapat isipin
di ko alam kung sino ang dapat isipin
di ko alam kung paano siya iisipin
kung yung isa nama'y pinipilit kong isipin.

magulo.

Saturday, June 21, 2003

ilang days din akong di nakapag-post...

nag-lunch kami kahapon sa gayuma. kasama ko mga friends from arki. nakakainis nga eh, nag-abono pa kami ni madel ng around 200 pesos na service charge. sisingilin pa namin sila. hehe...

kahapon lang ako ulit nakatambay sa AS lobby. nakakatawa yung mini live aids kagabi.

sige, kain muna ako. nagugutom na ako eh. di ako nag-breakfast.

rewind nga pala ngayon ng meteor garden. hehe.

magpapagupit pa ako mamaya!

Wednesday, June 18, 2003

haay. natuwa ako ngayong araw na ito. nakasama ko ulit ng buong araw ang upis 2002 friends. hehe. birthday ni june kaya nag-lunch kami (kahit 3 pm na) sa shakey's. nandun sina june (malamang!), klara, claudane, fides, gee, sherwin, dax, ayin, vitt, janna, cathy, ryan, joanne at ako. natapos kami ng mga past 4 pm.

we bought balloons and a cake bilang surprise kay june. how sweet. =)

anyway, nakakatawa yung nangyari kay sherwin. nagpaunahan kasi silang makaubos ng iced tea and... hwehehe...

it's raining outside... ang lamig.

Tuesday, June 17, 2003

hmm... maulan ngayon. ang sarap matulog.

sana magising ako bukas ng maaga. bawal ma-late sa PE. =)

sayang ang P650 na babayaran.

anyway, nag-meet na ang class namin kay sir mata. medyo okay naman pala siya eh. medyo natakot lang kami siguro dahil sa mga kinukuwento ng mga tao. basta, kakayanin namin 'to ni cham. =)

lalo kong na-miss ang high school friends ko nung nakita ko sila kanina. haay... dahil sa sked ko, malabo na akong makadaan dun ng madalas.

Monday, June 16, 2003

here i am again.

anyway, my previous weekend was busy because of this schedule:

friday: woke up early and went to pangasinan for my lola's birthday celebration.
saturday: came home at 7 pm and went to ria's birthday celebration at libis.
sunday: came home at 1 am, surfed until 3:30 am, and woke up at 9:30 am. then our whole family went to ATC for a father's day lunch. we went to cubao at around 5 pm to buy stuff such as my new shoelaces (my dog chewed the old one). i wasn't able to buy tipler's physics book because it's out of stock. came home at around 8 pm. and rested.

oh well. i have to face this new week. arch subjects, here i come...

Sunday, June 15, 2003

nakakapagod ang weekend na ito.

pero masaya. =)

bukas na ang kuwento, gagawa pa si ate ng hw eh.

hehe... kauuwi ko lang kani-kanina from ria's celebration. nakapunta pa rin ako! dumating ako sa don hen around 10:45 pm. buti na lang hinatid ako ni dad kahit pagod siya. tapos, pagdating ko dun, onti na lang arki peeps: ria, jid, mariel, drea and margaux. marami na palang umalis dahil sa ROTC. so, pumunta kami sa eastwood. nag-stay kami sa SBC for a while. siyempre, di mawawala ang strawberry milkshake. =)

after that, nagyaya na ng inuman. dumating na kasi si kevs. medyo bangag na nga eh. ito namang si jiddu, kelangan nang umuwi for ROTC. sumabay ako sa kanya pauwi. bumaba ako sa katips.

saktong pagpasok ko ng gate, bumuhos ang ulan. hehe. buti di ako naabutan.

Saturday, June 14, 2003

nandito na ako sa bahay. nakabihis na nga ako for ria's party eh. pero biglang lumakas ang buhos ng ulan. hindi ako makaalis. hindi naman ako mahahatid ng dad ko dahil pagod siya from driving. haay...

i'm still in pangasinan and i'm using wapblogger right now. actually, pauwi na kami. pero kakain daw muna kami sa isang restaurant. ewan ko kung saan. di ko tuloy malaman kung makakapunta pa ko sa birthday party ni ria mamaya. oh well. sayang naman. di ko makikita ang mga tao. nagpagupit pa naman ng hair si rosie!

Wednesday, June 11, 2003

wala lang. marami akong problema ngayon. sobra talaga.

ano ba'ng nangyari ngayon? walang masyadong nangyari sa pe. wala talagang nangyari sa AS 2 dahil di dumating ang prof. di tuloy nakapag-prerog si ben at kinuha na lang niya yung 5:30-7pm. oh well, lagi na siyang gabi uuwi except wednesday. good luck sa kanya!

nag-lunch nga pala kami nina cathy, claudy, zy, klara, maikel at jan mike sa mcdo katips.

sige yun lang muna, nagtitipid ako ng net card. =)

Tuesday, June 10, 2003

oh well. nakakapagod ang first two days. ano pa kaya pag may mga klase na talaga?

masaya tuwing lunch. marami kaming arki palagi. halos buong tropa, nasa physics 71 mthfv. hehe.

yung sked ko, wala halos free time para makadaan sa AS lobby. haay.

tingin ko mas magiging attached na ako ngayon sa arki.

pero siyempre, di ko kalilimutan ang upis 2002. =)

Monday, June 09, 2003

argh. may klase na ako mamayang 10. ngayon lang ako nakapag-blog ulit dahil hindi ako makapasok sa blogger kagabi. akala ko browser ko lang ang may sira, pero hindi pala. pati sina dax, donna at mayne ay di makapasok. kaya, nag-conference na lang kami sa yahoo messenger. =) nakakatawa ang mga boses namin!

binisita ko nga pala si red kahapon sa mocha blends. siya ang gumawa ng mocha frost ko. masarap talaga. parang gusto ko ulit bumalik. natawa nga ako eh, nung paalis na ako, may nagsabi ng:

"thanks for coming sir!"

si red pala!

sige, maghahanda na ako for my class today.

Sunday, June 08, 2003

just woke up a while ago... went to lozzie's party last night. =) really had fun. dami pa nilang weird gadgets sa bahay tulad ng guitar lighter, bouncing thingie at pogo stick. hehe.

ang aga ko ngang dumating eh. 6:40 pm. pero di ko matalo si cham... tanghali dumating! anyway, half a bottle lang naman ng smb light ang ininom ko. inubos ni ben yung kalahati. madali naman siyang tinamaan with drea and pat. hehe.

may gusto pa sana akong sabihin dito eh... pero baka mabasa ni quel. haha. peace tayo! =)

pasukan na naman bukas...

Friday, June 06, 2003

haay... finally. natapos ko na rin ang registration ko. i got the full load of 21 units sa desired time ko. buti naman talaga. grabeng hirap ang ginawa naming lahat. di ko na talaga mabilang kung naka-ilang pila ako this week. puro mahahaba pa.

nakakuha ako ng pe sa last day ng enlistment. at himala, nakakuha pa ako ng sports climbing. classmate ko dun sina christine, dax at ben. buti na lang. tapos, natuwa rin ako sa as 2 ko dahil pito na pala kaming upis 2002 dun. masaya na rin pala ang wednesdays ko kahit may klase. =)

upis 2002 highlights for today: nag-lunch kami nina cathy at claudy sa kfc katips. tapos, nag-meet ang upis 2002 people para pag-usapan ang tungkol sa scholarship foundation. medyo onti lang pumunta. siguro nasa mga twenty. pero ayos lang naman. tapos nung hapon na, kumain kami sa bk katips. marami na naman kami. tapos, national bookstore.

oh well, ang sarap magpahinga ngayon. next week, pasukan na. wala na namang time para makapagpahinga.

Thursday, June 05, 2003

bad trip. yan din ang first two words na sinabi ko sa iba ko pang blogs.

peste talaga ang registration. lalo na pag hindi na priority.

di ko na mabilang kung naka-ilang pila na ako. pumila ako ng lagpas two hours kanina para lamang sa iisang math 54. nakakainis talaga.

oh well, kailangan ko lang talagang intindihin na ganito talaga pag nag-aaral sa UP.

oo nga pala, i cancelled my bridge pe dahil... si caces ang prof., the worst prof. ng PE. marami na akong nakuhang negative feedbacks tungkol sa kanya eh.

haay. sige, gigising pa ako ng maaga bukas. kukuha pa ako ng pe. tulog na ako.

at, di ko to internet card. =)

Tuesday, June 03, 2003

haay. nakapag-enlist na rin ako ng arch 6, 17 at pe. i got arch 6 mhde-b and arch 17 tij-c. david and mata, respectively. oh well, magkikita na naman pala kami ni mata...

problema ko pa ang kinuha kong pe: bridge. di naman ako marunong magbaraha! kahit man lang pusoy dos o tong-its. hehe.

math 54 na lang problem ko. sa thursday pa puwede. sana makakuha ako ng slot.

ano pa bang nangyari ngayon? hmm... nag-lunch kami sa mcdo katips. kasama ko sina fides, claudane, cecilia at pepoy. naabutan namin dun sina ayin, kats, keziah, paul at vitt pero tapos na silang kumain. anyway, dapat kasi sa kfc kami kakain. dun ako bumaba para papuntahin si pepoy sa mcdo. yun pala, nasa mcdo na siya. basang-basa tuloy kaming dalawa sa ulan.

Monday, June 02, 2003

i passed math 53!!! i can't believe it... well, hawak ko naman na ang classcard ko at di na puwedeng bawiin ng professor namin. =) i got a 2.75. medyo sayang nga eh, kinulang lang ako ng 0.4 sa final grade para maging 2.5. di ko na sinubukang pakiusapan si ma'am dahil masaya na ako.

sayang, di siya magtuturo ng math 54 this coming semester...

oh well. reg na naman. marami akong dapat ipilang subject!!! arch 6, 17 at math 54!!! di na ako aasang makakuha pa ng pe...

Sunday, June 01, 2003

haay... nakuha ko na CRS results.

nakuha ko ng eksakto ang physics 71, 71.1, arch 21 at art studies 2. sino ba naman kasing kukuha ng wednesday na GE di ba? ako nga lang yata nag-enlist dun eh. 25/1 ang demand. hehe. ako nga lang talaga!

nakakuha rin ako ng math 54 pero 1:00p-2:15p. paano kaya yun? dapat arch 6 at 17 ang nakalagay sa time na yun eh!

ibig sabihin... marami pa akong aayusin talaga sa reg.

problema pa yung pe... malamang ubos na yun agad ng freshies at graduating. oh well.

kinakabahan na ako bukas. final verdict na sa math 53. haay...

just got home a while ago from pauline's birthday celebration. haha, parang ito yung sa previous post ko. nakakabigla, 7pm yung party pero 5pm lang siya nagyaya! kaya ayun, onti lang kaming nakapunta mula sa upis 2002 friends niya: ako, paul, cathy, mayne, elaine, ami, ayin, vitt at donna. pero siyempre, masaya pa rin. =) uminom kami ng gilbey's at naglakad sa kalye.

asteeg yung souvenir. mug na malaki. si marvin the martian ang nakalagay.

oh well... bukas ko na malalaman kung uulit ako ng math 53...

kinakabahan pa rin ako.