Wednesday, April 28, 2004

oh man... i really missed bloggin' kahit ilang days pa lang ang nakalipas. no good time to go online eh. busy with summer classes, friends, af and fopc. lagi na lang akong late nakakauwi. buti nga kanina medyo maaga eh. 7:30 pm. haha.

maaga ba yun?

anyway, lots of twists are happenin' lately. basta.

sina maikel at riks ang nakakasama ko lagi every afternoon. billiards, sunken, isaw, buko juice, kuwento, gaguhan... haha. ü daya nga ni maiks eh, swimming lang siya bukas till friday. di man lang kami isasama. hahaha...

sige, later.

Saturday, April 24, 2004

argh. have to do my socio 10 takehome exam. pero nakakatamad gawin. i even posted the questions sa ug blog para magpatulong. haay. di ko pa ma-contact si mayne. i'm still thinkin' of what to answer.

anyway, stayed the whole day here and at lola's place. watched star circle quest. hehe. buti na lang di pa natanggal si sandy! kinabahan talaga ako nun. i agree with the judges na di masyadong okay performance niya lately, pero, the hell. mahal ko pa rin. hahaha. ü okay, tama na nga. :p

just checked the survivor website. di ko kasi napanood kahapon. great! natanggal si alicia! go shii ann! my last hope. haha, nagkakagulo na ang chapera alliance. buti nga sa kanila. pero malamang matanggal na rin si shii ann next week. oh well. at least may nauna sa kanyang chapera na matanggal.

no class nga pala yesterday, so went to sm north naman (nung thursday sa mega!) to watch paycheck. good movie. na-asteegan ako dun. ewan ko kung bakit hindi nagustuhan (yata) nila jid. oh well. kasama ko nun sina loz, meg and amia. went to fopc ga after. then nag-billiards kami nina riks and maiks, isaw, then tambay sa sunken.

thursday, had lunch with dino, ryan, gee, riks, kaycee and maikel sa yellow cab. went to mega nga and watched taking lives naman. cool movie. billiards after sa xybrbowl. then hinatid ko na mga tao pauwi. okay naman pala si dino eh. naging comfortable daw siya sa company namin. ang kulit din pala. parang kami nina ryan. hehe. sabi nga namin sama siya ulit sa gimik next time. oo naman daw. haha. nakaka-text pa namin. :)

wednesday, lunch at mcdo with kaycee, maiks, ryan and rika. di naman nakasama samen si gee. went back to up to meet meg para magpasa ng fopc application. diretso uwi after. aba. di ako nilubugan ng araw nun sa labas ng bahay. :p

paatras days ko ngayon ah. haha.

sige, back to socio... gagawin ko na lang siguro 'tong "letter-to-gerry" format...

Friday, April 23, 2004

nyak. friday na. good thing we don't have env sci 1 and socio 10 kaya puwede na naman akong magpuyat. wahehehe...

anyway, just got home around 12 mn from gimik. kasama ko sina dino, ryan, rika, cath and kaycee. nakita pa namin si serwin sa kanila.

hehe. sige. next time na kuwento. nakakatamad eh. haha. ü

Tuesday, April 20, 2004

didn't post yesterday coz tinamad ako. hahaha. :)

yesterday was just another simple day. env sci, socio. first group report nga pala kahapon. naka-uno sila. grabe. sana kami rin. hehe. anyway, met jiang zhou, classmate namin sa socio. wala lang. naaliw ako't may nakausap akong chinese. sinabayan ko siyang pumunta sa sunken kasi di niya alam yun. and, spanish ang course niya! haha. chinese na spanish! :p after class, went to alej's place. tambay till around 6 pm.

kanina naman... went to migo's after env sci. naglakad lang kami. ryan told me something din about... yun. hmm. wala lang. napaisip ako dun. anyway, went to casaa after, at medyo na-late ako sa socio. buti may seat pa akong nakuha. grabe yung discussion. life-changing nga ang subject na yun pag kay lanuza. pero minsan naiinis ako sa kanya eh. ewan. basta pag na-uno ko yun, mawawala inis ko sa kanya. haha. :p

mineet ko si gee after. kasama niya sina diwa and riks. di na kami nahintay ni ryan eh. binigyan niya ako ng strawberries, the kulangot stuff (ano ba tawag dun?!), at kakanin. sinamahan ko naman si riks sa stat, then went to law after. had lunch. went to the tennis courts for rika and maikel's pe. went there to watch lang, pero may isang student na nawalan ng partner, kaya ako kinuha. haha. :) napa-tennis lessons pa ako tuloy. pero asteeg talaga. :) umuwi na kami after nun.

oh well. exam na namin sa env sci sa thursday! haay. lunch naman kami nina gee bukas sa yellow cab. cool. ü

Sunday, April 18, 2004

am back now. haha. yesterday was so boring. stayed here in the house, went to lola's place in the afternoon, went back home in the evening... slept.

ewan ko ba, pero sobrang political talaga ng family namin. i really feel the heat of campaigns for the upcoming elections. paano ba naman, my lolo's been a barangay captain dito sa amin for 30 straight years (yes, di siya natalo), my mom's been a barangay kagawad (now a barangay treasurer), and my lola's a barangay kagawad too. i was even asked to run for sk nga nung past elections eh. naisip ko tuloy, parang nagtatayo kami ng political dynasty dito samen ah.

anyway, back to the elections. dahil nga contact ng candidates ang family namin, sa house ng lola ko ginawa ang campaign thing ni mel mathay (running for quezon city mayor) yesterday. andun din sina dingdong avanzado. tapos kanina naman, my mom told me to dress up dahil dadaan si franz pumaren dito samen. tapos kaliwa't kanan, ipapakilala ako nila ma sa iba pang candidates at makikipag-handshake saken.

haay. dugong pulitika talaga ang zabala blood. kaya undeniably true, kilalang-kilala kami rito sa lugar namin.

who knows, baka tumakbo akong president. haha. ü

have time now so... kuwento.

thursday. had env sci 1. tumambay kami ni dino sa casaa till 11. got the socio book from joey minutes before socio class. went to our after to see meg, jik and loz. bought some ice cream, went to the fopc office, then went home. ryan, cath and serwin texted me na sumama sa kanila sa xybrbowl. and since nakahiga ako nun at sobrang pagod, di na ako sumama. went to rockwell in the evening to fetch my ate. had dinner sa tokyo tokyo then went to lola's place. went home. slept.

friday. had env sci 1 lang. no socio. so after env sci 1, convinced yel to stay in the class. but she still cancelled her slot. sayang. anyway, went to eng'g with meg, ryan and dino. ryan's business. sinamahan ko. then went to the gym for meg's class. tambay naman kaming tatlo sa car. pag-alis nina meg and dino, tumambay kami ni ryan sa as parking lot. hinintay namin sina cath and edan and went to fc. pumunta kaming tatlo sa rp metroeast, nagpasa sila ng resume nilang tatlo (serwin, cath and ryan). went to marikina to buy food, ate at cathy's place, watched survivor, rested for a while, then went out again. billiards. car dent because of that fuckin' gutter. didn't blame anyone for it. i shouldn't. though i really felt bad. won many games naman sa billiards eh. haha. gumagaling pala ako sa billiards pag bad trip.

looong day.

halata bang nagmamadali? lunch time na eh. galit na dad ko kasi ayaw ko pa umalis dito sa pc. sheesh. sige, later.

Saturday, April 17, 2004

saturday mornin'... di ko pa alam plans ko for today.

oh well. darn my bitchy sister. you suck.

kuwento next time. not in the mood.

Wednesday, April 14, 2004

done with first day of class.

twas good naman. have 7 upis 2002 classmates (ryan, meg, dax, abby, rubie, mitch and klara) and 2 new-found friends (dino and maya) at env sci 1, and have mayne at socio 10. the env sci prof. seems like... um... ewan ko ba. parang di maganda pakiramdam ko sa taong yun. sana nga lang okay siya magbigay ng grade. rubie told us na essays daw yun magpa-exam. oh well. on the brighter side, have prof. lanuza naman for socio 10. he's actually good, mataas daw magbigay ng grades. na-uno yun nina deb, jik and jax. okay rin daw sabi ni mara. oh how i wish maka-uno rin ako. asteeg eh. the more you oppose him, the higher your grade will be. interesting. ü

anyway, ryan wasn't able to get a slot for es 11. too bad for him. haay. basta sana pag na-take na niya yun, gawin niyang uno. hehe. ü wasn't able to see gee naman today. pero she's takin' up bio 1 and math 1. classmate naman niya sa pareho si rika eh.

nag-meet nga rin pala kaming execom to do the works and plannin'. kasama ko sina dell, anj, meg, pat and maebs, plus sina mak and may. just typed some, and went home na with rubie, meg and mitch. got home early. wow. around past 4 pm. went to the grocery pa pala to buy stuff.

the arkikada's plannin' a double movie watchin' this saturday. excited na ako! we're gonna watch peter pan and taking lives. sana marami kaming makasama. basta kami ni kay at jik nandun. hahaha. ü

oh well. have to read for env sci 1 now. report for socio 10 starts on monday na rin. oh my.

Tuesday, April 13, 2004

oh my. classes start tomorrow.

anyway, done with the reg din agad. i payed around 10 am. was able to get a slot for socio 10. i'll surprise mayne. classmate ko pala eh. haha. :) then pumunta ako kina ami with ryan, meg, ayin, dax, paolo, abby and rubie. wow! si jego lang kulang sa ug. hahaha. :p si rubie muna proxy.

ayun. stayed there till past 3 pm. nag-billiards kami nina ryan and ayin. nag-isaw pa. then went to sc. bought ice cream. hinatid si ayin sa house and ryan sa katips.

and went home.

hehe. kausap ko nga rin pala si klara kanina sa phone. tagal ko na siyang di nakakausap eh. wala lang. di ko nga alam kung nagalit siya. oh well.

sige, class na bukas. makatulog na nga...

Monday, April 12, 2004

yes! i got envi sci 1! hehe. was able to enlist kanina kahit na tri-coll pa lang dapat. classmates ko sina abby, meg, klara, mitch and rubie. their barkada.

went to lozzie's place nga pala kanina. stayed there from around 6-10 pm. had good dinner din with their family. aww... i'm going back there. tinuruan pa ako ni jack mag-minesweeper. now i know how to play! hahaha. ü thanks loz and family!!! :)

sige, have to rush ulit. will wake up early again tomorrow para mag-enlist sa socio 10. sana makuha ko! pag hinde, try kong mag-prerog kay lanuza. sabi nina jax, good prof. yun eh. ü

saka na ulit mga kuwento ah. later!

Sunday, April 11, 2004

just droppin' by to say i'm hurryin' up. haha. have to sleep now coz it's already summer registration tomorrow. plan ko nga palang mag-env sci 1 and socio 10. please pray na makuha ko yung subjects na yun... ooohhh... i see long lines tomorrow. very looonggg... ü

Saturday, April 10, 2004

just got home a while ago from prusisyon and lotsa eatin'. hahaha. ü walked around our place for more than an hour, which made my feet hurt. and to make things worse, we walked our way din sa streets ng marikina to reach san roque church. haay. good thing ka-text ko si jik kanina, at least bawas stress. haha. :) told him na nga pala na manood kaming arkikada ng peter pan after the summer reg.

went to mcdo and chowking after the procession dito samen, then went to shakey's naman after going to marikina. so sobrang full ako ngayon.

anyway, the other night naman. we visited six churches. grabe. parang di ako halos nakakapasok na ng simbahan. but this holy week, lotsa times. made me realize a lot of things though. haay.

sige, gotta go. my family's plannin' to make me watch a movie with my lolo, raffy and ate. sheesh. wala pa naman ako sa mood to go out of the house kahit boring dito. plannin' to watch seventh heaven marathon pa naman sa studio 23. yun lang ginawa ko buong day kanina eh. hehe.

Thursday, April 08, 2004

the arkikada getaway

tuesday, march 30

woke up before 7 am. was so excited, inayos ko pa yung stuff ko kahit ayos na ayos naman na talaga. haha. :) watched breakfast din to see wax. nakakatuwa siyang mag-host. asteeg. lozzie called to wake me up sana, pero gising na ako eh. left the house before 9 am. ayokong ma-late. halatang excited.

wala pang five minutes ang interval ng arrivals namin. una si meg, then ako, jiddu, and finally, pat. nins said na nag-text na daw si loz at nasa katipunan na sila, so hinintay na namin sila sa dunkin’ donuts. naiwan pa sina nins and fred sa apartment.

so yun. naghintay nga kami sa dun, pero nagtaka kami dahil antagal na naming naghihintay at wala pa sila loz samantalang nag-text na raw sabi ni nins. so tinext na lang ulit ni meg. medyo nahiya na kami sa cashier ng dunkin’, so bumili kami ng donuts at nag-ala guard si pat sa pinto. nice one pat. :p

umakyat muna ako sa taas to check nins and fred. nawalan sila ng tubig! nakalimutan niyang magbayad kaya lumampas na sa due date. p550 pa naman yung reconnection. so sobrang worried siya. sabi namin we’ll help her out na lang.

pagbalik ko sa baba, sabi ni meg, paalis pa lang sina loz ng bahay. weird! sino yung nag-text kay nins? so nagtaka talaga kami. anyway, hinintay na nga lang namin sila, bumaba na si nins, at dumating sina loz past 10 am na. we put some of our stuff sa car nila, then brought our bags with us papuntang bus station.

we decided na i-try yung cubao station since we asked people from the barbershop kung saan puwede at dun nga kami ni-refer. pero nung nasa taxi na kami, the driver told us na i-try ang kamuning at bigger ang chance namin dun for a good ride. so yun nga. pagdating sa kamuning, lemery yung bus. people there told us na may jeep naman papuntang nasugbu from lemery. so medyo na-tempt kami dun since ayaw na namin pumuntang taft (nandun yung bus na talagang magdadala samen sa exact place). sumakay kami.

tita d called and told us to get out of the bus. okay then. medyo nasigawan pa sina pat. haha. :p pero si nins naman, biglang nalungkot. tumawag din dad niya. nagalit. so we told her na talaga na we’ll help. anyway, pumunta rin kaming taft by mrt.

pagdating sa taft, halatang bad trip na si pat. naintindihan ko naman. nakakapagod talaga eh. and past 12 na, pero di pa kami nakakaalis. hinanap pa namin yung chowking. dun malapit yung bus station. at medyo nawala pa kami. nag-ala amazing race pa kami dun. at buti naman, nakarating din kami. balak pa muna sana naming kumain, pero di na dahil saktong paalis na yung bus. payed 95 bucks, then there goes the bus.

nasa pinakalikod kami ng bus. dun ako sa tabi ng window nakaupo. nagkuwentuhan, kumain, nanood ng tv, nagtawanan, at marami pang iba. tawag ng tawag at text ng text si loz. tawagan daw namin siya pagdating namin ng tagaytay. nakatulog ako, at ilang minutes after ko gumising, tagaytay na. buti nagising ako! anyway, tinawagan na namin. abangan daw namin yung nasugbu welcome sign, then nasa second shell gas station sila. halatang di namin napansin, dahil nung binilang namin yung “first” station, nandun na si loz! buti nakita ni meg. kung hinde, nawala na kami!

pinara namin yung bus. nagtulakan pa nga kami kung sino yung papara eh. so napalakad pa kami papuntang shell. at ginulat namin si loz. at sumakay na kami sa land rover! pero bago pumuntang matuod, bumili muna kami ng kangkong sa palengke. :p anyway, medyo mahaba pa pala yung road trip. grabe pala talaga yung daan papunta dun. sementado, lubak. sementado, lubak. anlabo. pero grabe yung lubak. sobrang stony. di talaga kaya ng kotse. mukha nga akong ewan kasi ako lang talaga yung tuwang-tuwa sa vehicle. :p

pagpasok ng gate, sobrang na-excite kaming lahat. ayan na! likod ng bahay ang sumalubong na view namin kaya di namin masyado napansin. inabangan kami ng mom at lolo ni loz and welcomed us. at pagpasok ng house… asteeg! super good ng interiors. loft, rooms, dining, nice sala, lahat na! pumunta kami sa room ng girls and told us boys na dun kami sa boathouse. sad, di kami magkakasama. pero okay pa rin dahil sobrang saya! nandun na rin yung iba pang relatives nina loz, so we expected na makiki-bonding din kami sa kanila. :)

sa labas ng house, woah. pool! yes! excited kami lalo. nilakad din namin yung pathway, open area, asteeg na bonfire place, hammocks tambayan, and finally, yung boathouse. cool interior din. asteeg ng tito ni loz! siya gumawa ng mga yun eh. :) so yun. di na kami nakapaghintay kaya we changed to our beach attires and really had fun. lotsa fun.

nag-swim kami, then kayak. first time to kayak and sobrang fun pala. :) nakakapagod pero worth it talaga. kasama ko sina meg and loz, at nasa kabila naman sina pat, jid and nins. after the much awaited kayaking, gumawa kami ng sand castles… erm… architectural structures. :p ginawa pa naming marnina si nins. haha. :p pinanood ko pa yung sunset. haay. :) after the beach, played frisbee naman. pare-pareho kaming di marurunong. so we told ourselves na the next morning dapat matuto na kaming magtapon. :p

had dinner. good one to be exact. :) and after that, went to the loft. cool loft! may billiards, books, playstation, tv… and may open area pa for stargazing. kewl. :) had good talk with the barkada sa open area. not the usual talk we do sa arki. anyway, nag-bonfire kami. enjoyed eatin’ hotdogs and smores habang nag-uusap kaming lahat. nag-ala tribal council pa ako. haha. :) decided to swim naman sa pool after. sobrang nagpagod pa kami lalo… kaya after naman din nun, we stayed sa boathouse for more bonding moments. tinawagan pa namin si jik at ininggit. :p kaso nga lang, medyo not feelin’ well na si nins. one thing we found out din, takot si pat sa tuko! haha. :p

when the girls decided to go back to the house, sumama muna kami. had midnight meal din. heavy midnight meal. :p grabe talaga ‘tong si jiddu, di pinatawad yung sardines. sarap pa ng biko. :) nag-blow nga rin pala ako ng balloons at plastic balloons naman kina meg, nins and jack (sis ni loz). pumutok pa sa bibig ko yung isa! ouch! hehe. we boys slept around past 2 am na. i dunno with the girls. nag-girl talk pa raw sila eh. anyway, aliw yung mosquito nets sa boathouse. :)

wednesday, march 31

woke up early, around 6:30 am. ako pa lang yung gising sa aming tatlo nina jid and pat, so nag-stay na lang akong nakahiga. bumangon ako around 7:30 and went to the house at baka gising na ang mga girls. pero pagdating dun, wala pa ring gising! kami pa lang ni tita d ang gising, kaya niyaya niya akong mag-coffee. ang sarap ng natimpla ko. haha. first time for myself. nasanay ako sa instant eh. :p

went to the girl’s room, and waked up loz. halatang di sila agad natulog, so tumawad siya ng 9 am. so i went back to the boathouse at gising na nga si pat. we walked sa beach and wrote our names sa sand, and played frisbee hanggang magising yung iba pa. and breakfast na. :) di muna namin hinintay magising si nins dahil not feelin’ well na nga siya. medyo uminit siya.

after eating, nilibot namin yung cove. umabot kami sa house ni angel ramos, anak ni fvr. inakyat namin yung treehouse. at lumibot pa kami ulit hanggang makarating sa cemented area sa waters and stayed there for a while. tumayo na lang ako sa tubig dahil malayo na ako sa kanila pag umupo pa ako. :p pagbalik sa place, gising na si nins. at kami, tambay muna sa hammocks. played tumbling tower and scrabble.

and after that, nag-decide na kami ulit mag-swim. naki-bonding din kamin sa cousins ni loz. :) nagbatuhan kami ng water balloons, lalo na’t napagdiskitahan pa namin si jiddu. :p ilang hours kaming nasa pool, playin’ around, formin’ pyramids, doin’ the carousel, takin’ pictures, jiddu holdin’ the water hose, lahat na. :) had lunch and rested for a while and kayaked papunta sa kampo ng arki forum. :p

while kayaking, natanaw na namin ang af sa balsa. sumakay rin kami dun at nagkuwentuhan at naglokohan. siyempre, piktyuran. fun lalo. :) binisita pa namin yung camp nila, este, place nila. haha. feeling ko kasi survivor ang ginagawa namin dahil bumisita pa kami sa ibang lugar gamit ang kayak. haha. :p nagulat kami nang nakita namin si meg. hinahabol niya ang manok! parang nagpapahabol daw kasi eh. baliw! :p

nang pabalik na sa kayak sina loz at pat, lumundag sila sa kayak namin! naging lima kami dun! haha! napuno tuloy ng tubig yung kayak namin! marami pala kasing jellyfish sa paligid namin. kaya ayun. while kayaking, natagalan sina loz. parang stranded. nagtaka kami nina jid at meg, kaya binalikan namin. pero okay na pala. nalaglag yung “anchor” nila. haha. :p pagdating sa place, nag-wave silang lahat (loz’s relatives) samen. natuwa naman ako, para talaga kaming winelcome sa survivor. hahaha. :)

ginawa nina pat, jid, meg and jack si yatatee while nag-rest kami sa hammocks at si nins ay humiga dahil nga masama na pakiramdam niya. plus, na-sting pa siya ng wasp. haay. andaming kamalasan ni nins. :p had dinner, then tumambay kami sa house. billiards ulit, then had mocha java and snacks sa room ng girls. nandun din yung cousins ni loz. sobrang kulit! as in sobra talaga. di ko na lang masyadong pinansin. hahaha. :) natatawa pa ako sa kanila nina jid at pat.

medyo relieved ako nung nawala na sila. natahimik na kami. haha. :p pero fun din kasi yung kakulitan nila eh. so si jid, nag-midnight meal pa. pass na kami dun. hehe. pagtulog nina nins and meg, lumabas kami ng room at nagkuwentuhan pa. balak kasi sa boathouse kami nina loz, jid and pat, kaya hinintay ko sila sa sofa habang nag-uusap pa sila sa table. pero… nakatulog na rin ako.

thursday, april 1

woke up 6:30 am. sakto! pero nagulat ako. nasa sofa ako. dun ako nakatulog. at yakap ko yung basketball. at may wrapper ng oreo sa pocket ko. grr… jiddu!!! kaya ayun, piniktyuran ko sila ni pat habang natutulog. haha. :)

dahil sobrang baba ng tubig, i walked on my own sa shore. decided to go to af’s place, pero rocky yung daan, so di na ako tumuloy. pinanood ko na lang yung sunrise habang nakaupo sa waters. alone. andrama tuloy ng dating. haha. :p eh kasi naman, ako pa lang ang gising samen.

went back sa boathouse past 7 am na. had breakfast with loz’s relatives. dahil wala akong magawa, humiga rin muna ako hanggang dumating si loz para gisingin sina pat and jid. past 10 am na kasi yun eh. at balak namin dapat umalis around 11:30. nins was not good pa rin, so di muna namin ginising. we started packing, at nagising na rin naman siya. signed the logbook, and left the place around 1 pm.

we rode the fx papuntang bus station. ka-text pa namin si loz nun. at pagdating sa station, dun na naman kami sa pinakalikod na seats umupo. haay. wala kaming ginawa sa trip home kundi matulog at mag-usap. palibhasa pagod lahat eh. napikyturan pa tuloy kami nina jiddu. hehe. nakarating kami sa taft, past 5 pm na. at itong sina jid at nins, naiwan sa bus. :p

nag-meet na lang kaming lahat sa chowking. kumain muna kami bago sumakay ng mrt. at sa mrt na kami nahiwalay kay pat. sa north station siya bumaba, while kaming apat, sa quezon ave. station. at pagdating naman sa station namin, jid went to mcdonald’s to see her mom and nag-taxi naman kaming tatlo papunta kina nins. bumaba na ako sa dulo ng katips, rode a jeep, a tricycle, then got home past 6 pm.

sheesh. pag-uwi ko ng bahay, na-miss ko agad yung place, friends, things we did there, stories we’ve heard from each other… lahat na. actually, bitin yung three days (di namin namalayan yung oras dahil pare-pareho kaming walang relo). :p kung puwede nga lang kaming bumalik kinabukasan, bumalik na kami eh. haha. :p sobrang dami naming fun memories sa lugar na yun. kaya nga i consider it as my best getaway ever with a barkada. lalo pa akong naging close sa bawat isa sa kanila. and great break pa talaga yun after doing so many arki work.

the arkikada getaway made me realize so many things. sobra. and i’m looking forward na agad for a take two. at sana, kasama na yung iba pa. :)

okay, so i wasn't able to make a post pala the whole day yesterday. :p anyway, nag-stay lang naman ako nun dito sa house buong araw eh. talked to some people that i really missed like ryan, cathy and paul. hehe. dapat mag-o-online pa ako, pero di ko na nahintay tumigil si ate from using the net eh. haha. :p

anyway, just finished the batangas story.

next post and... :)

Tuesday, April 06, 2004

haha. still makin' the batangas story. pero wanna stop muna. nakakatamad talaga eh. haay... basta lalabas din 'yun. haha. :)

good day nga rin pala kahapon. after getting my math classcard (sheesh.), went to AS lobby to meet gee and serwin. played frisbee at sunken, then dumating si ayin. we went to their diving class place, got their classcards, then nag-road trip muna kami nina serwin at ayin. balak naming mag-billiards sana pero wala kaming nakitang good place hanggang makarating kami dito sa house. took the vodka, bought calamansi, and went to amia's place instead.

blooming si amia! hehe. we had pizza sa lots' a pizza. treat ko sila. p200 din yun ah. :p then went to mini stop for session snacks. :) and the session starts with three ug people and one guest, serwin. only had three shots, then umuwi na kami ni serwin around 10 pm. grabe, si serwin na siguro pinaka-close ko ngayon sa aming lahat. hehe. :)

got my license card na rin pala kanina. oohlala. ü

just got home a while ago from lola's place. biked from around 6:30-7:15 am, inikot ko ang brgy. quirino 2-a and west kamias. haha. ü long time no bike. so looong time. :p had breakfast at lola's place and played with raffy's gameboy.

got my allowance din kahit wala nang class. gusto ko nga sanang mag-billiards ngayon pero mukhang wala naman akong mayayaya. oh well. since tingin ko i'll be stayin' lang the whole day dito sa house, might as well do my long posts.

but wait, shower muna. ahahaha. ü gotta call serwin muna rin to tell him his eee12 grade. chattin' with jan mike and gee pala. punta sina gee at pauline tomorrow sa pangasinan. wanna join them, pero holy week eh. di ako papayagan... and mamayang 10:15, jiddu will be at metroeast to watch passion. hmm. can join din sana pero malabo. i don't wanna watch the movie naman talaga eh. ewan.

sige, later. :)

Sunday, April 04, 2004

so sinabi ko sa previous entry, gagawin ko yung batangas story. but no, di ko nagawa. hahaha. :p pumunta rito si serwin kanina. wala lang. tambay. marami rin pala akong nakuwento sa kanya. haay. palibhasa ngayon lang kami ulit nagkaroon ng pagkakataong mag-hang-out.

and when it was time for him to go home, hinatid ko na sa house. stayed there sandali, then ginulat namin si ryan. haha. wala lang. kuwentuhan pa rin. tambay. tv. balut. hehe. got home past 11 pm na.

at ngayon... wala lang. ka-chat ko si meg at randell. ininvite nga pala ako nina alej sa tarlac mamayang 5 am. pero di na ako pwede. short noticed. di ako papayagan. mabuti kung malapit lang. at may debut pa kaming pupuntahan.

oh well. next time na lang ulit ang gimik. frisbee kami nina serwin bukas. :)

Friday, April 02, 2004

i missed my blog kahit ilang days lang akong nawala. ü

got back from batangas yesterday. sobrang saya kahit anim lang kami. di namin napansin ang oras dun dahil wala kaming mga relo. may times na sobrang bilis at sobrang bagal ng oras. haay. medyo nabitin nga kami eh. we're all looking forward sa take two. sana soon. wahehe. :p



i actually consider the trip as my best getaway ever with friends. sobrang ganda ng place. di ko talaga malilimutan. lalo pa akong naging close sa arki barkada. marami kaming nagawa together na di namin usually nagagawa sa school. and, marami rin akong realizations.

oh well. sayang at tapos na. back to reality. hehe. anyway, got a 2.25 sa fisik lec and 2.0 sa fisik lab. okay na rin, considering di ako halos nagsipag para sa subjects na yun. ewan ko pa yung math. monday pa results ng finals. medyo kinakabahan pa rin ako. got a 90 nga rin pala sa final plate namin nina ben and ria for design. kami highest. :)

i've been havin' weird thoughts lately. ewan ko ba. basta.

kuwento ko na lang yung details ng batangas getaway tomorrow. nakakatamad gawin ngayon eh. haha. :p