Tuesday, July 29, 2003

haay ulit...

just got my math result. bagsak na naman. ano na kayang gagawin ko? drop? pa-advise ko na nga ulit ang math 54. anway, naiinis pa rin ako sa adviser ko...

haay. dami online ngayon sa upis at arki. wala lang.

nakakapagod ang day na ito... saka na ang field trip kuwento. oh well.

Monday, July 28, 2003

haay... walang nangyari sa akin today.

nagising na ako ng past 10. shit, wala na ang +2% namin ni deb sa math...

pumunta akong UPIS ng past 1, pero wala na sila ma'am. bad trip. di ko pa nakukuha sulyap ko. tapos, pumunta naman ako sa UP. sina elaine at bles na lang nakita ko. pumunta akong arki. wala talaga si rb santos. dammit. kinausap ko na lang sina erika. napadaan akong masscomm, pinuntahan ko si klara.

kumain kami sa mcdo. sumunod sina gee at diwa.

dinner sa house ng grandparents. =)
at heto ako ngayon. haay.

saka na yung field trip story. wala pa ring time for long post. oh well. ym kami ngayon nina jax, jid at gaux. umalis na sina drea at den.

haay... just got home two hours ago from the field trip.

maraming hassle, pero masaya pa rin dahil buo ang barkada. =)

di muna ako magkukuwento ngayon. mahaba eh. inaantok na rin ako.

di ko pa alam kung may pasok ba talaga mamaya. labo naman.

di nga pala kami natuloy mag-overnight sa NAC. sa splash mountain kami napunta. nawalan ng kuryente sa bundok eh. sayang...

sige, mamayang gabi na ulit... sana magising ako ng 8!

Saturday, July 26, 2003

hehe... nasa bus kami ngayon, malapit nang umakyat ng makiling at papuntang NAC, ang aming overnight spot. =) grabe, dami naming naikot today dito sa laguna. super saya! pero sayang din... Sulyap launching kanina at wala kami ni meg. more than 80 people daw pumunta sabi ni gee. sayang talaga. pero... masaya pa rin ako ngayon! inuman na mamaya! =)

Friday, July 25, 2003

blog.

wasn't able to post kagabi dahil marami akong ginawa at ginamit ni ate ang PC ng sobrang tagal...

anyway, what happened yesterday? hmm... math. indeterminate forms. physics, inantok lang ako ulit. tinext ako ng prof. namin nung high school na...

LUMABAS NA ANG SULYAP 2002! may yearbook na kami!

nag-lunch kami nina deb, ria, kevs, jax, cham, pat at ben sa shakey's katips. tapos... bigla kaming dinala ni kevs sa megamall para lang bumili ng drinks for the field trip bukas! eh dalawa kami ni pat sa passenger seat. di ba bawal yun? si pat ang nag-seat belt, ako naman sobrang paranoid sa lahat ng nakikita kong naka-blue! napagkakamalan kong mmda... maraming times yung bigla akong yumuyuko dahil marami akong nakitang mmda! buti na lang hindi ako nakita! sobrang kinabahan talaga ako, seryosa... =)

pagbalik sa arki, sorry kami ng sorry kay lozzie dahil di na niya nagawa yung plate niya. nasa car kasi ni kevs eh. buti na lang di siya nagalit... sa design class naman, bad trip. maraming sinabi si sir o na limitations. nabago halos lahat ng designs namin! parang nag-start ulit kami from nothing. 17 x 17 yung house ko, pero 15 x 16 lang ang puwede! bakit naman kasi di niya agad sinabi ng maaga...? mas kawawa pa yung ibang mas malaki ang nagawang bahay... anyway, dismissed na kami ng past 5 dahil pumunta si sir sa thesis delibs. kumanta kami ng kumanta nina madel sa labas ng kuwarto!

sumabay ako kay deb pauwi... =)

today...

hmm... math. indeterminate forms pa rin. pero third type na. physics... wala akong inintindi sa lesson dahil naging busy ako sa kakagawa ng data sheets for physics 71.1. buti na lang nakasalubong ko si kristine, classmate ko sa 71.1. nagpatulong ako sa kanya! anyway, dumiretso kami sa arki nina margaux, kay, ben, cham at madel para magpa-advise at i-meet ko si nins para sabay kami gumawa ng data sheets. natapos ko yung data sheets (thanks kristine!) pero di pa rin ako nakapagpa-advise! nakakainis na si rb santos... laging wala!

pumunta ako agad sa AS lobby para i-meet sina klara, ryan, gee at donna para pumuntang upis. pagdating namin dun, gumawa lang kami ng letter para sa request ng paggamit ng room 124 bukas. tapos, bumalik kami sa AS nina gee at donna. pumunta kami sa EVER kasama rin sina claudy, dax at pepoy. nag-grocery kami para bukas... SULYAP launching bukas! tapos wala ako! waah!!! sayang... first reunion na rin namin ito. pero ayos lang, masaya rin naman ako sa field trip dahil kasama ko barkada namin sa arki!

pero sayang pa rin... wala ako sa launching ng pinaghirapan namin. tapos may games and meeting din. sayang talaga... wala pang pix tuloy ang S3 or S4 (ewan ko kay klara...)!!!

oh well. wala na rin akong magagawa. enjoy na lang namin ang aming mga gagawin this weekend. =)

paano na kaya ako? may plate due monday sa arch 21, pero may field trip. wala pa akong nagagawa. binago ni sir o yung limitations eh. haay... puyatan na naman ito! pero kailan ba ako makakagawa?!?!

haay. haba na nito... excited na ako sa field trip bukas!

di ako makakapag-blog bukas dahil overnight kami sa makiling. =)

Thursday, July 24, 2003

haay... kagigising ko lang from a nine-hour sleep... ngayon lang ako bumawi ng tulog for the past sleepless nights. pero wala naman akong nagawa sa design! bad trip. cram na naman ako mamaya sa chico break...

sige na, i have to prepare myself for this day. baka ma-late na ako for my math class!

Wednesday, July 23, 2003

haay. tapos na ang second exam sa math kanina. as usual, bad trip. pero sana naman pumasa na ako ngayon. kailangan ko talagang bawiin yung *6% ko sa first exam eh. shit talaga.

hmm... happenings today?

PE - nagturo lang ng twisting, traverse, etc. got my belay card na. =) kaso color yellow! sana blue na lang.
AS - discuss, discuss... music hearing assignment. medyo boring. haay.

after nun, tambay sa lobby. wala masyadong tao dahil pumunta sa GRIP. nagpasama akong bumili kay zyra ng lunch sa casaa. tapos sinamahan ko si sherwin sa econ para puntahan si cathy. umalis ako dun ng 2:30 para pumunta sa math.

math - nag-aral ng nag-aral bago mag-exam. nung exam na, patay. sobrang naguluhan ako sa integrations. haay...

after ng exam, sumabay kami ni tin kay deb. bumaba kami sa natio katips at naglakad na hanggang sakayan.

at heto ako ngayon. wala pang ginagawang HW. pahinga muna. baka gumawa ako mamaya ng arch 21 pag tinopak ako.

Tuesday, July 22, 2003

medyo maaga akong nakauwi ngayon. suspended kasi ang classes simula nung nag-arch 17 na kami. buti na lang. exam ko na bukas sa math 54 eh. wala pa rin ako masyadong alam. haay... sana pumasa na ako. sana mabawi ko yung pagkabagsak ko tulad ni ryan. honestly, nai-intimidate ako sa kanila ni kaye-ann. ang galing nila eh. tapos eto pang sina jan mike, pepoy at dax. tapos yung arki friends ko pa. baka pag nagkataon...

ako lang ang maiiwan sa math 54!!! waah!!!

haay. anyway, nagbayad na kami ng field trip kanina. sabay-sabay talaga eh. haha. si kay ang nagkolekta. excited na ako sa weekend! happy happy na! one love with the arki barkada!!!

memorable moment for today:

when: July 22, 2003, 02:03 pm
where: round table, fourth floor, melchor hall
event: i just recieved my first kick from margaux.


ouch.

anyway, grabe talaga. nagkasalubong naman kami sa may sunken garden kanina. yumuko ako agad. sabi ni jan mike, tumingin daw siya saken. bakit kaya ganun? bakit bigla akong kinabahan? ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya? pero yung isa naman, di ko na rin nakikita...

Monday, July 21, 2003

blog. medyo inaantok na ako dahil 4 hours lang ang tulog ko last night...

whattaday. kahit nakakapagod at bad trip sa simula, masayang-masaya pa ring natapos. =) sa math pa lang, hilung-hilo na ako sa gulo ng lessons... plus, mabilis pa ang turo ni alejo. haay. sa physics naman, medyo okay. bagong topic, pero may quiz. 2 out of 5 lang ang score ko. haay ulit.

marami talaga sa amin ang di pumasok, lalo na yung santaromana kids. halos wala silang tulog eh. i bet tulog na tulog na sila ngayon...

after nun, diretso na kami sa arki. kumain kami sa eng'g canteen. had chicken teriyaki. last kami ni jax nakakuha ng meal namin. medyo tagal naming naghintay. pumunta kami agad sa room 525 para mag-draft, kasama ko sina ben at cham. sina jax, deb at drea, pumunta sa arki lib para sa lico hw nila.

after ng chun class, naging tambayan na naman namin ang 523. dumating din si maicah. =) kaya ayun, palipat-lipat ako ng kuwarto. 523 at 525. buti na lang magkatabi.

nagulat ako nang nalaman kong... walang arch 21. haay. naghintay pa ako ng matagal. ang reason this time, di makaalis si sir o sa kanila dahil walang masakyan. nag-strike today ang jeepneys eh.

kaya ayun, tumambay kami sa 523 hanggang mga 5, pinag-isipang mabuti ang question ni jik... hanggang masagot bigla ni deb. buti na lang nasagot na niya, kung hindi, di na kami makakatuloh!

pagsapit ng 5, umuwi na yung iba. kami naman nina kevs, jax, pat, deb, margaux, rosie, ria at nins, pinagkasya ang mga sarili sa kotse ni kevs. color coding pa man din nun, tapos overloading pa. haha. =) hinatid lang namin sina pat at ria sa gym, tapos dumiretso kami sa katips... binilisan namin para hindi mapansin ng mmda. dun kami nag-park sa harap ng dorm nina rosie at naglakad ng naglakad...

hanggang pancake house!

well, kumain kami't nagkuwentuhan... medyo mahal yung binayaran namin. 1113.75 pesos!? parang di worth it yung kinain namin. mahal talaga.

pagsakay sa van nina deb, lalong naging masaya. puro hiritan ang naganap, lalo na kina deb at margaux. kay deb hinihirit yung jologs songs sa radio, while hinihirit naman kay margaux yung pagiging... umm... manananggal niya...? hehe...

tama na nga, mahaba na 'to masyado. naku... baka nasa bubong na namin si margaux...

i have to sleep na. maaga pa akong pupuntang vargas museum. =)

Sunday, July 20, 2003

haay... wala pa akong nagagawang maayos sa ARCH 21!!! pinapairal ko na naman ang katamaran ko! hindi ito puwede! waaahhh!!! argh!

haay... past 12 na, pero wala pa ring masyadong nangyayari saken. tinatamad talaga akong magtrabaho. sino bang hindi? hehe. FLR pa lang ang natatapos ko. well, di pa nga ganun kaayos eh. yung AS 2 paper, sa tuesday ko na lang gagawin. ginagawa ko ngayon yung arch 21 plate... mag-aaral na lang ako ng math paggising ko na.

talo na naman UP. second loss na, this time against DLSU. grabe. kawawa naman talaga tayo. kelan kaya tayo mananalo? haay...

Saturday, July 19, 2003

haay. wala rin akong natapos bago makatulog. past 3 na ako nakatulog, pero wala pa akong kalahati sa FLR at di ko pa nasisimulan yung AS 2...

sige na, trabaho na muna!

Friday, July 18, 2003

haay... medyo kauuwi ko lang kaninang mga 10 pm...

anyway, ano bang nangyari ngayon? well, may math na. haay. sobrang sumasakit na ang ulo ko sa sobrang daming techniques ng integration. sana gumana ang utak ko pagdating ng exam.

MASAYA AKO SA PHYSICS 71!!! i got 33 out of 40! grabe! 82.5% din yun! hehehe... sobrang natutuwa talaga ako. pambawi ko lang yun sobrang pagkabagsak ko sa math. sana ganun ulit ang scores ko sa next exams!!!

nag-lunch kaming arki sa kamirori katips. okay pala dun. hehe. sarap ng food, though medyo expensive. ginawa rin namin dun ang physics 71.1 stuff namin. di ko pa rin alam kung paano ko kukunin yung standard S...

pumunta kami ni meg sa vargas museum for AS 2. bad trip, pumutok yung energy source yata kaya walang ilaw. di tuloy kami nakapasok. paano ko na kaya gagawin ang HW ko? after nun, nanood ako ng boatman sa film center kasama sina lozzie, madel, jiddu, jax, jik at sherwin. medyo kakaiba yung movie. creepy yung ending. tama ba yung term? creepy? hehe...

mga past 6 pm, sinamahan ko si sherwin sa UPSA. grabe, sobrang pinilit nila akong sumali. well, buti na lang hindi nila ako napilit. gusto ko sana, pero hindi kaya ng sked at course ko. mahihirapan akong mag-ayos ng priorities... anyway, natapos na sila ng past 9, kaya mga 10 na ako nakauwi.

kaya ngayon, wala pa akong nagagawang kahit anong academical. haay. kailangang may magawa ako bago matulog. kahit AS 2 homework lang or physics 71.1 FLR...

Thursday, July 17, 2003

hehe... di ko pala kinailangang pumili kanina between physics and lunch. parehong maganda!

WALANG MATH 54 KANINA! grabe. magpapamisa na talaga ako. hehe. ngayon lang nangyari yun! sana maulit pa! kaya ayun, pumunta kami nina deb at lozzie sa mcdo katips. apple pie... hehe.

pagdating naman sa physics, pinakita lang yung answer key. medyo 32 out of 40 yung nabilang kong tama... sana totoo! haay. kinakabahan talaga ako at bukas ko pa makikita ang result. wala nang ginawa so maaga kaming umalis at pumunta naman sa BK katips. grabe, halos buong tropa nandun. pati sina gee at rika, nakita ko!

late kami sa arch 6! haha. buti na lang, sinabi lang yung gagawin, tapos dismissed na! kaya ayun, nagpa-notarize na kami sa Law para sa field trip. pupunta na ako! napilit ko lang sila ma. pero medyo nanghihinayang pa rin ako sa pera... mahal talaga eh. sana di ko pagsisihan ang pagsama. at tingin ko, hindi. =) kasama ko friends ko eh.

pagbalik sa arki, tambay sa 523. dami kong nalaman: marunong maggitara sina jax, kevs, at jik. dagdag na sila sa mga katulad ni lozzie. si nina magaling talaga kumanta, at okay rin naman pala si jax. haha. tapos si madel at meg naman, okay rin. talented pala mga tao eh. hehe. magagaling sa music!

sa arch 21, medyo nahirapan ako sa pag-design. dami ko pang dapat baguhin. pero hopefully, sa monday, okay na talaga ang design ko.

nakakainis, wednesday afternoon ang test namin sa math next week, tapos submission ng arch 21 sa thursday. paano ko hahatiin ang oras ko?!

here i am again. kagigising lang. iniisip ko ngayon kung papasok ako ng physics mamaya.

physics 71 o magandang lunch? hmm...

Wednesday, July 16, 2003

haay... buti na lang at tapos na ang first exam sa physics 71! medyo kaya naman sigurong ipasa kahit papaano... sana nga pumasa ako. hehe... sana pumasa kaming lahat. lalo na ang mga upis 2002 at arki 2002. =)

40 items yung exam, multiple choice... pero tricky talaga. marami nga akong hula eh.

anyway, after nun, kumain kami nina gee, ryan, claudy at sherwin sa beach house. walang tigil na picture moment na naman ang naganap. grabe, sobrang inuubos na ng digicam pix ko yung space ng PC. kasi naman, dala ko yung camera halos araw-araw!

before nga pala kami mag-exam kanina, nag-PE pa kami nina ben, gee at dax. nag-written at belay test lang naman, kasama rin sina tin at joanne. buti na lang at madali. twice pa akong umakyat ng wall.

haay... ginawa ko na kanina yung chico ampitheater. nakakainis gawin. nung tinuro ko kay lozzie kahapon kung paano gawin, nakalimutan ko naman! weird. 2 hours yata akong nakatanga sa harap ng drafting table ko! =)

kakapanood ko lang kanina ng fear factor. asteeg, dalawa lang umabot sa second stunt. naghati pa sila sa 50 grand.

Tuesday, July 15, 2003

di ako nakapag-post kahapon... ginamit ni ate yung PC eh.

ano ba nangyari kahapon? hmm... buong araw akong nasa UP, pero math 54 lang ang napasukan ko. yung physics kasi, late si sir delica. si chico naman, wala pag monday. si sir o, di na naman dumating. nalaman ko nga lang kanina yung pagiging high blood pressure niya eh. sana gumaling na siya. anyway, masay pa rin kahapon dahil dumating si bai. grabe, lagpas one year ko na siyang di nakita! at siyempre, puro picture moments na naman. hehe...

at ngayon...

wala lang. nag-discuss ng field trip sa arch 17. di ko pa rin alam kung pupunta ako eh. wala kasi akong pera. ang mahal talaga. P1,800? saan ako kukuha nun? anyway, hilung-hilo ako kanina sa physics lab. nakakalito yung data sheets para sa first FLR ko!

waah! physics 71 first exam na bukas! sana kayanin ko ito! wala pa akong masyadong alam!

tama na nga... mag-aaral na ako! wish me luck, kung sino man ang makabasa nito! =)

Sunday, July 13, 2003

HELL WEEK NGAYON!!!

maraming kailangang gawin:
math 54 - review for exam
physics 71 - review for exam
physics 71.1 - lab report, experiment 2
arch 6 - pop-up
arch 17 - paper
arch 21 - design
art stud 2 - outline
pe 2 - quiz

grabe... walang patawad! lahat ng subject may pahirap ngayong week! waah!!! arch 17 pa lang nagagawa ko! good luck na lang talaga sa akin!

anyway, 11 na ako nagising kanina. we had our lunch sa talan residence. 66th birthday ni tito ben. =) maraming food. sarap talagang kumain! hehe. sobrang nabusog talaga ako!

pag-uwi ko rito, wala lang. gumawa agad ng arch 17 at data sheet ng physics 71.1. nanood din ako ng "dude where's my car?". sabi niya eh. di ko talaga siya matiis. ewan ko ba. hehe... tinawagan ko na naman kanina...

Saturday, July 12, 2003

nakakapagod ang araw na ito. sayang, natalo ang UP by 4 points. marami pang free throws na hindi napasok. eh di sana nanalo pa. haay... natalo ng NU ang UP?! paano pa kaya pag ibang school na ang kalaban ng UP? hehe... sana naman manalo na sa susunod.

pero masaya pa rin kahit papaano. first time kong manood ng live game. kasama ko pa upis at arki friends ko. upis: ryan, cecilia, claudane, areson, jan mike, klara, maricar. arki: lozzie, fatso, jik, jiddu, ben, kay, pat, kevs, meg, cham, drea, van, keizah, at sara. masaya talaga lalo na pag cheering at wave! nasa mismong harapan nga namin yung drums kaya sobrang kumakabog sa dibdib namin eh.

nakita rin namin si ria sa first half time niya sa UAAP. ang saya-saya! ang galing niya talaga! idol!

after the game, sumama ako sa upis friends ko at kumain sa ali mall foodcourt. grabe, na-miss ko na ang mall na yun kahit papaano. nung bata naman kasi ako, lagi akong dun dinadala. hehe.

nakapagpa-check nga rin pala kami ng height, weight, bmi, etc. sa may mercury drug. tapos, napunta kami bigla kina areson kasi naiwan ni ryan kay areson yung binili niya. hehe. natagalan pa tuloy kami dun at kumain. nagulat talaga ako, kanta sila ng kanta ng F4! parang dati ako lang ang medyo may trip dun. ngayon, baliktad na!

haay... kabababa ko lang ng phone sa kanya kanina. ano na kaya'ng gagawin ko...?

haay. medyo maaga akong nagising ngayon. naunahan ko ang alarm ko eh. hehe...

lapit na ng UAAP! haha kulit. =)

hmm... past 12 na.

yesterday (kanina lang yun ah), dalawa lang subjects ko. pero nakakainis pareho. i got *6% sa math 54 first exam. di ko alam kung mababawi ko pa. pero sana. tapos yung physics naman, ang hirap ng pinasagutan sa amin sa recitation class. haay.

nagkita nga pala kami nina ryan, lui, areson at jan mike sa physics. grabe. tuwang-tuwa si ryan dahil... hehe.

nag-lunch ang tropa sa tapa king. 17 kami dun. 5 ang wala. gumawa rin kami nina nins, kay, meg, ria, etc. ng sig sheets.

pagbalik ko ng AS, sobrang nagulat ako. basta. sa akin na yun. =) tapos, tambay ako dun kasama mga arki at sina zyra. pumunta sina zyra sa hospital para bisitahin si pio. sayang, di ako nakasama. bumili pa ako ng tipler eh. anyway, nagulat din ako nang makita ko si amie. almost one year na kaming di nagkikita eh.

yehey... opening na ng UAAP mamaya. good luck sa UP at kay ria!

Thursday, July 10, 2003

ano nga ba ang nangyari ngayong araw na ito? hmm...

tumambay ako sa AS bago mag-math. nilibre ko pa si klara ng iced tea. tapos, sabay kami ni jan mike pumunta sa NIP para sunduin si areson. yun pala, nauna na siya sa math. di kasi nagbabasa si jan mike ng text eh!

tapos, puro acads na. math 54, as usual, bad trip. nakakabaliw ang sobrang daming cases na kailangang kabisaduhin. argh. tapos physics pa. tapos na kanina yung coverage for first exam which is on wednesday next week. tapos, arch 6. nag-present ng mobile at pinapagawa na naman ng pop-up ng theater. haay.

nang-trip nga pala kanina sina jik at kevs. binigyan nila kami isa-isa ng pangalan na iniisip nilang posibleng maging pangalan talaga namin pag di pa nila kami kilala. binigyan ako ni jik ng luke, tapos jimbert kay kevs. panget! kaya ayun, natuwa ang buong tropa at nakisulat din. may chart na kaming ginawa! hehe. nakakatawa talaga, lalo na yung kay jax: duduy tirador!

di na naman kami nag-arch 21 kaya... nanlibre si wax ng isaw! hehe. kasama namin sina deb, schidz, jid, ben, jax, at kevs. tapos pumunta kaming tapa king sa katips dahil gutom pa rin si kebaks!

pag-uwi ko rito... haay. wala lang. nagpahinga muna. at nandito na ako ngayon. di ko naman pala hatest day palagi ang thursday eh. masaya pag walang arch 21. hehe. pero sobrang delayed na kami.

yes... friday na naman! hanggang 12:30 lang ako! dadalhin ko ulit ang digicam!!!

haay. thursday na naman. my hatest day.

pero masaya yung wednesday ko (which is kani-kanina lang, kakalampas lang ng 12 eh). lagi na akong nagloo-look forward sa wednesdays eh. sana wednesday na lang lagi!

sa PE class ko, nakaakyat ako today ng 2 walls. tinuruan na rin kami ng basic techniques. at sa AS naman, walang masyadong ginawa. pumili lang ng topic at gumawa ng outline.

after nun, masaya na talaga!

picture ng sobrang dami sa AS kasama sina gee, claudy, tin, ryan, sherwin, jan mike at chino. meron sa loob ng lobby, meron rin sa steps. hehe. ang gulo talaga namin!

pumunta kami sa ever kasama sina gee, claudy, ryan at sherwin para bisitahin si donna sa PE niyang tenpin bowling. pinuntahan muna namin siya tapos kumain kami sa hapag kainan. kinulit na naman ako (lagi naman eh!) ni ryan dun sa special someone niya. hehe. tapos picture pa rin. walang sawa. =)

bumalik kami sa bowling area at naglaro. sayang, 3rd lang ako sa aming 5 na naglaro. i got a score of 58. ang baba no? na-zero ako sa 6th and 7th frame eh. grr. di nakapaglaro si sherwin kasi wala siyang socks. sayang talaga!

pero happy pa rin siya kasi nag-billiards kami right after. group 1 - donna, sherwin at ryan; group 2 - me, gee at claudy. tie naman kasi naka-2 games lang kami ng 8-ball eh!

tapos, umuwi na si gee at kami'y tumambay kina donna. nanood ng meteor garden. at inubos ang memory ng digicam ko. tapos, isaw naman bago umuwi. napalibre na naman ako. hehe.

sayang, di siya nakasunod sa amin kanina.

haay... tulog na ako. haba na ng kuwento. mahaba pa ang araw ko paggising ko...

Tuesday, July 08, 2003

kakauwi ko lang kani-kanina from alej's house. haay. gumagawa ako ngayon ng AS 2 homework. naiinggit ako kina jax kasi wala silang pasok bukas. haay. pero okay lang, may bowling trip naman kami nina gee after ng class eh. =)

ah! ayoko na ng semiotics! hehe.

okay na nga pala si puppy. kinabahan talaga ako dahil inisip kong baka pati rin siya'y mawala... hindi na ngayon. =)

Monday, July 07, 2003

nag-cut ako ng physics kanina for the second time na. ewan ko ba, nakakatamad talaga eh. ang hirap mag-math 54 at physics 71 na 15 minutes lang ang break sa gitna. nakakasakit talaga sa ulo.

kaya ayun, nag-lunch ako sa greenwich kasama sina klara, areson, gee, jan mike, kaye-ann at leeloo. okay ngayon ang lunch ko at hindi ako nagmadaling kumain. hehe. i had sesame pork and taro pearl cooler.

gumawa rin ako ng arch 21 during my chico break pero di ko pa masyadong naayos. gumawa rin kami ng mobile pero hindi pa tapos. di dumating si sir o kaya 6 pa lang ay umalis na ako ng UP. sumabay ako kay deb. love you girl! =)

nung arch 21 nga pala, nagtaka ako dahil sunud-sunod na nag-missed call sina abby, keziah, paolo at areson. paulit-ulit pa. di ko alam kung bakit, hanggang sinabi ni areson na pakana pala yun ni klara. di rin siya makulit ah. hehe. kaya kinulit ko siya ng missed calls after nun.

wala akong ginawang kahit anong academical dito sa bahay ngayon.

inaantok na ako.

di nga pala ako makakapa-overnight kina alej bukas. sayang. pero pupunta pa rin ako para tumulong kay ate tal. =)

haay... wala lang. napadaan lang ako. wala pa rin akong nagagawa sa arch 21!!! ang hirap mag-isip ng design concept. wala pa akong translation. iniisip ko tuloy mag-cut ulit ng physics...

uy! ni yao de ai sa MYX! ang cute ni penny dai!

Sunday, July 06, 2003

haay... i'm doing my AS 2 homework right now. overnight kasi ako kina alej sa tuesday kaya ginagawa ko na ngayon. tapos, wala pa akong nagagawa sa arch 21. katatapos ko lang gawin yung essay sa arch 17 kanina.

wala lang. wala na akong masabi.

hehe.

Saturday, July 05, 2003

bad trip yung math 54 exam kanina! almost 7 pm na kami natapos. nahirapan talaga ako. i'm sure, bagsak ako. pero sana wag namang sobrang bagsak. kahit mga line of 4 or 5 man lang...

di na tuloy ako nakapunta sa bahay nina alej. di na nga rin pala natuloy yung trip kina ami. sayang. basta, next time. =)

kaya sa sobrang asar, bumili ako ng food sa chowking at mcdo para i-comfort ang sarili ko. which reminds me... di ko pa nakakain ang sundae ko! nasa freezer pa! pero paano kaya yun... nag-toothbrush na ako!

online nga rin pala ngayon si klara at dax. first time ko lang maabutan sa ym si klara.

oh well... what a day.

5 na nga pala deaths na alam ko this week. pati yung kapatid ng mentor ni quel. God bless sa kanilang lahat...

Friday, July 04, 2003

haay... ang lungkot ko pa rin dahil wala na si apple. tuwing nakakakita ako ng dog sa school, naaalala ko siya. i'll surely miss her...

MG nga pala ngayon. medyo nakakasawa na. plus, di ko na napanood yung previous scenes kaya di ko na masundan yung kuwento. oh well.

exam na sa math bukas. wala pa rin akong alam. sana pumasa ako...

pero excited na rin ako bukas after math exam dahil may trip kina ami. =)

in memory of apple (1994-july 4, 2003)

i've known her too well. i love her very much. 9 years kaming magkasama. bago ako matulog, lagi kong tinitingnan kung tulog na siya. lagi ko siyang tinatawag pag nanggigigil ako sa kanya.

siya yung pinakamatagal nabuhay na aso sa amin. grade 3 pa lang ako nung nakuha ko siya. at isa pa, isang beses pa lang akong nakagat ng aso. at siya yun. ang weird no. kung sino pa yung amo, siya pa ang kakagatin. inawat ko kasi sila nung nag-aaway sila nung isa pa naming dog (wala na rin).

di ko talaga matanggap. ang hirap. mukhang mababaw para sa iba, pero talagang naiyak ako pag-uwi ko ng bahay. 9 years ba naman kasi kaming nagsama. small puppy pa siya nung nakuha ko, tapos ngayon, ilang beses na siyang nanganak... at yun din pala ang tatapos sa buhay niya.

di ko na tuloy alam kung ano'ng gagawin sa apat na puppies na naiwan niya. 3 weeks old pa lang sila...

kung nasaan ka man, mahal talaga kita. pasensya na kung hindi ko yun naiparamdam sa iyo ng mabuti...


ang lungkot ng linggong ito. apat na deaths na ang nalaman ko. nung tuesday, dad ni kuya carl. nung wednesday, close friend ni deb. kahapon, relative ni sir o. tapos nung pag-uwi ko... nalaman kong nakalibing na si apple. di ko man lang nakita...

anyway, exam na bukas. wala pa rin akong alam...

Thursday, July 03, 2003

10-8pm na naman ako today...

napanood ko na yung charlie's angels full throttle kanina (wednesday pa nun) sa SM north kasama sina gee, ryan at claudane. pero bago yun, nag-lunch muna kami sa tokyo tokyo kasama si cameron, blockmate ni ryan. anyway, asteeg yung movie. nakakatuwa yung effects. magaling talaga.

kakatapos ko lang gawin yung popups ni chico sa arch 6. bad trip talaga at yun ang pinagawa sa amin. tapos susunod, mobile. ano ba namang klaseng teacher ito. tapos UP pa. another thing, wala pa akong design concept sa arch 21. sumasakit na talaga ang ulo ko sa kakaisip. tapos... physics recit class pa sa friday!

kinakabahan na ako sa exam namin sa math. wala pa talaga akong alam.

magulo pa rin ang isip ko sa kanya... bakit kaya? is it possible na... ah basta. sobrang na-bother ako talaga kanina.

Tuesday, July 01, 2003

just ate my dinner. weird, first time kong kumain ng dinner sa harap ng PC.

medyo hindi na boring yung physics lab kasi nag-first experiment na kami. medyo nakakatuwang kalikutin yung mga gadgets dun.

4:30-6:30pm sa saturday ang math 54 exam namin. tama ba naman yun? di ko mapapanood MG. well, at least makakapag-aral muna ako buong umaga at tanghali ng araw na yun. =)

haay... sana ipasa ko lahat ng subjects ko ngayon...