Sunday, May 30, 2004

hello, hello! lagi na lang akong early morning natutulog... grabe, woke up around 4 pm yesterday dahil 4 am na ako natulog! half day! oh my, baka pagtulog ko ulit mamaya, hapon na naman ako ulit magising! no! nasasayang ang araw ko! hehe.

anyway, just made a friendster account for upd arki 2002. si gaux kasi eh. nainggit sa... hehe. peace tayo gauxie! :) and, can't wait for june pa rin. still waiting for twists to happen... di ko pa alam mangyayari saken eh. next week ko pa malalaman. labo no?

sige, mawnin! kelangan ko nang matulog para naman di na ako ulit afternoon magising. hehehe...

Saturday, May 29, 2004

bakit? maraming masasayang pangyayari lately eh. hehe. medyo past 9:30 pm na ako nakauwi kanina (friday) coz nag-billiards kami nina dino, ryan and rika sa xybrbowl. hinatid namin si dino sa mrt, si ryan sa house nila, nag-gloris kami ni rika, hinatid siya sa house nila, then umuwi na ako.

ang saya ng summerkada. :)

buti na lang nakilala ko sila. pumunta nga pala kami nina dino, rika, mitch at benj sa galle nung thursday afternoon, after having lunch sa hotshots timog with maikel. watched the day after tomorrow. good movie. hehe. after that, dumiretso kami ni mitch kina pauline, while naiwan naman sina rika. nag-meet na lang ang barkada nung gabi dito sa bahay. nag-overnight sila dino, rika at ryan. sobrang nag-bond kaming lahat.

ang saya ng overnight! :)

sana nga maulit eh. haay. sobrang asteeg ng grupo. sabi nga namin ni rika kanina, magpatayo na kami ng isang bahay at magsama-sama na dun eh. hahaha. :p

this is definitely my best summer ever. :)

pic nga pala namin, minus benj. hehehe.

ang saya ko ngayon. hehe. ü

Tuesday, May 25, 2004

HAPPY BIRTHDAY MY BLOG!!!

grabe... it's been one year. parang kelan lang... sniff... haha, drama! anyway, ewan ko ba, medyo tinatamad na talaga akong mag-post. but since birthday naman nito ngayon, might as well make a good post. :)

first, star circle quest. was so happy nung di natanggal si sandara. alam kong maraming may ayaw sa kanya, yet mas marami namang may gusto sa kanya. last saturday, napasok siya sa top five. may 542,314 votes siya. naisip ko lang, isa pala ako dun. hehehe... sige na gaux, magalit ka na saken, pero gusto ko talaga si sandy eh. :p

second, my acads. done with summer class, pero kakatapos ko lang gawin 'tong completion ko for art studies. haay. sana makita ko si canete bukas. bad trip talaga yun. and after that, wala na. di nga lang ako sure kung mag-eenroll pa ako next sem. oo na dino, panget na kung panget! hehehe...

third, dumating tita ko kagabi from us with my cousin erika. cute grabe! 2 years old pa lang siya pero sobrang dami nang alam, tipong kabisado na niya yung mga dvds na pinanood namin. anyway, punta pala kami sa province next week, emcee ako sa birthday ng lola ko. tapos kakanta pa kami ni ate. sheesh. sikat! haha.

fourth, mga gimik. last gimik namin nung thursday. watched troy with dino, rika, ryan, maikel and mitch. kami na nga pala ang summerkada, kasama rin si benj. hehe. may studio pic na nga kami eh. check niyo sa friendster. :p anyway, yun nga, marami pa kaming balak panoorin na movies, pero sana, marami rin kaming pera. ilang days pa lang nakalilipas, na-miss ko na sila agad. hehe. sana magkita kami nina riks bukas.

anyway, went to school nga rin pala yesterday for fopc. nag-ayos kami ng stuff for rummage sale. kasama ko sina randell, maicah and sakuragi. nakisama rin ako sa cursor pag-alis nina randell kasi wala na akong kasama at nandun si pepoy. kumain kami ni paolo sa migo's, then stayed sa house nila for a while, then went home around 4 pm. woah, 4 pm?! himala!!! de, went to a party din kasi nung evening eh. pero yun nga, di kami nagtagal kasi sinundo rin nila tita ko sa airport.

okay. yun na muna. wala na akong maisip ilagay ngayon eh. actually marami, pero next time na. haha, na-miss ko rin palang mag-type ng mahaba rito sa blog. :)

Thursday, May 20, 2004

malapit nang mag-one year ang blog na 'to. hehehe...

anyway, just got home a while ago. hinatid ko sina ryan, dino, pio (benj!) at riks sa mga place nila. galing kasi sila rito sa house. ginawa namin project ni dino for pi100. hehe. nanood pa kami ng tv, minesweeper, nakinig sa mp3s and mymp, trip trip... basta marami.

and speaking of trips, bago nga pala kami pumunta rito sa bahay, sumakay kami ng lrt hanggang legarda. hahaha... aliw. first time kong umabot dun sakay ng kulay ubeng tren. tawa pa kami ng tawa. nakakahiya sa mga iba. :p

tuesday naman was a very good day. was with mapat sa AS; had lunch with dino, rika, maikel, and ryan at sta. lucia (plus the creepy magnanakaw scene); pe finals nina riks; dyaryo, bote and rummage sales with rika, randell and love; taught rika how to drive; tambay with rika, sherwin and mitch; went to ait to see pat and pau, and hinatid sila sa sm north; had dinner with rika, dino and mitch at kfc cubao; and finally (whew!) went to amia's place para mag-jamming. :p so looong day, pero super fun. :)

ewan ko ba. sobrang saya ko ngayon compared last whole week. hehe.

cool.

sige, hafta sleep now, marami pa pala akong gagawin paggising ko... papers!

de, movie watchin' muna. :p

Saturday, May 15, 2004

hello, hello. :)

di na ako masyadong nakakapag-post lately... tuwing online ako, parang tinatamad na akong mag-post dito sa blog. ewan ko kung bakit... di na ako nakakapagkuwento tulad dati.

anyway, i'm havin a good summer now. hmm. not that good actually. maraming twists eh. minsan masaya, minsan bad trip. this past week nga pala, medyo magulo. weird. buti na lang lagi kaming magkakasama nina maikel, rika at dino sa mga trips.

can't wait for june. di ko pa kasi alam ang mga mangyayari eh.

thrilling.

hafta do my socio 10 exam, my as 2 completion, and read for my book report due may 26. andami pala. pero tinatamad ako. hehe.

Monday, May 10, 2004

aww man.

bad trip naman 'tong blogger, ayaw na ring i-host yung images ng template ko na nasa angelfire. oh well. hafta do something about it soon. pag may time na. ahehe.

just voted kaninang umaga. sana maging okay ang results. at sana, kung sino man ang mga manalo, siguruhing babangon nga ang pilipinas kahit onti. anyway, nakakakaba 'tong unofficial counts ng abs-cbn... no to fpj!

watched survivor finale din kanina. asteeg ang all-stars! galing ni amber. andami pang twists. engaged na sila ni rob. tapos couple na rin sina ethan at jenna m. ang pretty ni jenna l. sa reunion. makeover naman si sue. naawa ako kay jerri. natuwa ako for shii ann dahil sa kanya napunta yung car ni amber. hehe. kahit natalo siya, at least may malibu siya. :)

at bad trip yung match kahapon. dapat si pacman na yun eh!

anyway, may mga naka-chat ako kahapon... buti na lang nandiyan sila para damayan ako. hehe. true friends nga naman oo...

sige, have to study for env sci exam tomorrow. wish us luck. :)

Sunday, May 09, 2004

still alone. my family decided to check in at a hotel sa quezon. they went to lucban pa for a tour. haay. so i'm stuck with canned tuna for breakfast and lunch, which i'm havin' now. hehe. ka-chat ko nga pala sina dino, ryan at ken kanina. thought of many things. hmm. tapos birthday pa ni ken. hahaha. :)

and, sila bits and chap na pala! kay ken ko nalaman. 'to talagang si bits, di man lang sinabi saken kagabi. aha... kaya pala may binabanggit siya kagabi at tinatanong ako kung nakausap ko na si les. baka tungkol dun...

oh well. i'm happy now. realized a lot of things. really.

still awake... super oversleep ako nung friday night and saturday mornin'. around 15 hours of sleep. hehe. anyway, sherwin went here kaninang hapon, then i went to amia's place. nandun din sina jego, ayin, mitch and paolo. trip trip lang kami dun, kain, tambay, picture-taking, cards, uno... natuto pa akong mag-pusoy dos. haha. sobrang aga ba para matuto? :p got home around 10:30 pm. mag-isa lang naman ako rito sa bahay eh. i bet pauwi pa lang ang family ko ngayon galing quezon.

had ym conference din pala kanina with different 02 peeps: me, bits, rika, pre, ayin, elbert, chappy, alec and ivan t. cool. nagkasama-sama kami sa isang chatroom samantalang di naman kami masyadong magkakakilala nung high school. hehe. talagang 02 will always be 02. :)

election na nga pala bukas. sana maging maayos ang lahat. di pa nga kumpleto ang list ko ng iboboto eh. at mukhang hindi na talaga makukumpleto. haha. wala na talaga akong gusto pa for senator eh.

and env sci 1 exam na sa tuesday. kelangan ko na rin pala mag-aral. haay.

sige, later.

Friday, May 07, 2004

anyway, just got home lang pala kanina from power plant mall and antipolo. sobrang saya. tokyo tokyo, van helsing, road trips, mini stop, dino, rika, maikel... hehe. gimik nga naman oo... wala na akong pera.

oh well. buti weekend na ulit. allowance na naman sa sunday.

i take it back.

i've been thinkin' a lot for the past few hours, and i guess di na totoo yung last line sa post ko before this.

cool. i mean, ang bilis nagbago ng isip ko. hahaha. pwede pala yun.

move on? sus, tapos na. kanina lang. di ko agad na-realize, madali lang palang mag-move on lalo na sa naging situation ko. sayang. bakit ngayon ko lang naisip yun? it sucks. feeling ko nga naka-move on na talaga ako eh. nasabi ko lang na hindi dahil sa mga sinabi niya. pang-stir lang kumbaga. haha.

and sure na 'to, after talkin' to some people (thanks to all of yah). di ko na hahayaang makontrol ako ng kahit sino pa. wala na akong pakialam kung sino pa mang mag-isip ng ganun saken. why should i care?

Tuesday, May 04, 2004

dead blog runnin'... grabe, no much updates for the past few days. or weeks rather. busy with so many things. sobrang daming gumugulo sa isip ko. plus, wala na akong masyadong time mag-online. and honestly, parang wala na ako sa mood mag-blog.

kung kelan malapit nang mag-isang taon.

nandito nga pala kanina sina ryan and sherwin. nag-billiards kami sa xybrbowl. grabe, sobrang dalas ko nang pumunta sa lugar na yun. naaadik na yata ako sa billiards. hehe. naglaro nga rin kami kahapon nina rika at maikel, kasama si joanne.

anyway, nagiging paranoid ako ngayon... shit. bakit ganito? oh well. i can't expect all things to happen the way i want to. but hell, bakit dun pa?!

sana di ko na lang... sheesh.

anyway, just read klara's blog. man. here's what hit me.

ok, i lied.

i posted a few weeks back that i’ve moved on.

apparently, that’s not the case.

i find myself constantly thinking, ‘what if...?’ and i hate myself for doing so. i mean, he said it best kanina, ‘past is past...’ but why am i dwelling on it? why am i constantly noticing everything he does? why am i trying my best not to look at him? why, why, why?!

why all the what ifs...?

what if you hadn’t been so cold, klara? what if you hadn’t been so uptight? what if you actually gave him a chance, klara? WHAT IF?!

why are you so affected by everything? bakit ba apektado ka na pinangalanan nilang ‘the klara guy’ yung kotse nya mula sa plate number nyang TKG? ano bang meron?

oo nga, klara, bakit nga ba? ano nga bang meron?

ewan ko rin eh.

(ayan, sabi mo, lagi kang nasa posts ko... you were right after all...)


haay.

honestly, hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa utak ko ang mga tanong na 'yan.

klara, i guess pareho nga tayong di pa naka-move on.