Wednesday, December 31, 2003

in a few hours, it's year 2004...

balak kong maglagay ng year-ender ko for 2003 (my year assessment is included there) pero mukhang di ko agad matatapos dahil i'll be doing some other stuff pa mamaya. we'll be goin' to our grandparents' house for media noche, so i guess i'll blog na lang ulit when i go back here in my room. and by that time, it's already january 1, so i'll call it a year-ender-slash-year-beginner thing.

anyway, we went to tagaytay nga last monday. sobrang lamig! we stayed sa clubhouse and did stuff like badminton. got home late kasi pumunta pa kami sa laguna and had dinner there. the day after, we went out. basta. people insist na date yun. i dunno. haay. pero sobrang saya ko nung time na yun. movie, eat, etc... haay. :) sana siya na nga. and yesterday, i went back to the same mall with ryan and mac. did some ice skating and billiards, then some other stuff pa after. got home around 1 am kanina dahil pumunta pa kami ni ryan sa party kina val. then kausap ko si mac sa landline mula past 1 am till 4:30 am. grabe! hehe. and finally, kanina, talked to ryan naman nung morning and went again to the mall (nakakasawa na!!!) with my mom. that time, she texted me and... oh well. di ko talaga maintindihan. i even texted ryan pa tuloy.

so yun. dami nang nagpapaputok dito sa labas. umiingay na. lakas pa ng sound system sa street namin.

sana lang talaga, maganda ang darating na taon para saken.

pero mukhang hinde. sana hindi mangyari mga kinakatakutan ko...

sige, i'll try to get back after media noche.

happy new year to all of yah!!!

Sunday, December 28, 2003

haay. parang sobrang dami kong gustong sabihin ngayon dito... pero have to sleep now dahil maaga pa kaming aalis ng family papuntang tagaytay. ako yata ang driver. hehe.

did some malling lang kanina with my mom sa cubao. di natuloy yung thing namin ni _____ dahil may biglaang lakad din pala siya with her family. sa monday na lang. sana matuloy na yun.

anyway, just thought of something. ka-text ko kasi si ryan kanina, and pareho kaming napapaisip about some situations. i dunno. di ko alam kung kakabahan ba ako o hinde. oh well. ayoko munang isipin. wala pa naman eh. pero still, we have to be ready. haay.

oh well. next time na lang thoughts ko. gonna talk about my dreams, drivin' experiences, some secrets... but not now. i dunno when. ;p

Friday, December 26, 2003

ahehe... wasn't able to blog last night dahil almost 1 am na kami nakauwi from intramuros. :) we had a big family lunch party sa house ng grandparents ko, then we went to policarpio st., then sa intramuros na. bought some stuff, di ko pa kasi nabibigyan ng gifts yung iba ko pang friends eh. :p

kanina naman, i went to sta. lucia and rp with my sis and cousins. wala lang. nag-ikot-ikot. hehe. pumasyal. that time din, andami kong iniisip. haay. kelan ba nawalan?

ryan called around an hour ago. told me about the plans for dec. 30. but i'm still not sure kung makakasama ako sa kanila. di pa ako nagpapaalam eh. and baka may puntahan kami ng family. anyway, okay na raw siya. ahehe. masaya pa nga eh. good for him. :)

minutes ago naman, _____ texted me. labas daw kami tomorrow and watch a movie. oooohhh... hehe. asteeg. :) sana payagan akong umalis bukas! chance na 'to. haha!

Thursday, December 25, 2003

MERRY CHRISTMAS to all of my Blog Visitors!!! :)

haay... lamig. :) the whole family attended the evening mass sa dela strada church sa may katips. but before that, we went to kuya's condo with ate ria. :)

grabe, i got 40+ Christmas greetings sa text! hehe. :) was tryin' to send some kaninang past 12 mn, pero hirap eh. so tinamad na ako. hehe. onti pa lang na-greet ko. pero na-missed call ko na lahat. hehe pati nga sina sir ger at sir mike nag-missed call back eh!!!

nag-text si ryan, thanking me for my gift. haha. buti naaliw siya dun. ayoko nga sanang ibigay yun dahil gusto ko rin nun eh. hehehe... joke! bibili na lang din ako ng akin! medyo may money na ako ulit ngayon dahil kay lola at tita. ;p haha! pero siyempre, may iba pa akong pagkakagastusan...

ayaw niyang sagutin yung calls ko kanina dahil kakagising lang daw niya nun. arte! ;p si gee naman tinatawagan ko pero di na rin sinasagot. mukhang tulog na rin eh. hehe. check ko lang sana kung nabuksan na rin niya yung gift ko sa kanya. sana magustuhan din niya. ;p pareho pa naman yung theme ng gift nilang dalawa. something silver. :)

una ko nga palang ginreet ng 12 mn, si mapat. called her pero nagising ko lang pala! hehe. di ko tuloy nakausap ng maayos. nasa pangasinan kasi ang family niya. i asked her kung tulog na rin si peps. sabi niya oo. haay. ;p tawagan ko na lang ulit later.

sige, have to sleep now. maaga pa kaming gigising! ;p

one last question:

is this really my last Christmas here with my friends? sheesh...

parang ayokong marinig ang sagot...

Wednesday, December 24, 2003

grabe. sobrang lamig na talaga. at sobrang daming online at ka-chat ko kanina. abby, ryan... and now online pa rin sina dax, meg, jid and klara.

haay. bukas na ang Pasko... sana marami akong makuhang regalo. ahehe. kiddin'. pero andami kong gusto as of now. hehe. peace on earth! ;p

sige, medyo inaantok na ako eh. anyway, asteeg, last simbang-gabi na maya-maya, at makukumpleto na ni ryan. sana mangyari yung pinapadasal ko sa kanya. hehe... ;p

Tuesday, December 23, 2003

haay... two more sleeps... Christmas na... sobrang lamig. :)

pero, sobrang daming bagay ang tumatakbo't gumugulo sa isipan ko. haay.

i talked to her kagabi, and i asked her if i'm too late already... guess what? she said no. :) i was so surprised, i even thanked her. weird! ;p i told my bro about it, and asked me kung sigurado na raw ba ako. baka raw kasi naiisip ko pa yung isa pang person. haay. nalilito tuloy ako ulit. but i have to decide agad... i dunno. and he told me rin about sa palagay niya sa feelings nung isang tao. haay. di ko talaga alam gagawin ko.

naisip ko nga lang din, parang natatakot pa akong mag-try pumasok sa isang relationship. i'm sure maraming magiging expectations, at di ko alam kung prepared na ba ako para sa mga yun. oh well. i have to be. kasi kung hindi, kelan pa?

lamig... i need someone to hug. hehe... love. ang gulo. lalo na pag dalawa ang iniisip.

anyway, the morning after the Christmas party here sa house, na-bad trip ako. mom opened up the topic about our migration. she told my friends that this will be my last Christmas with my friends coz we're gonna leave na raw in a few months. damn. kelangan pa ba yun sabihin sa kanila? ayoko na ngang isiping last ko na 'to with them eh. ayoko na...

that afternoon, i told ryan sa YM na sobrang pagod na ako. medyo natatanggap ko na lang ang pag-alis namin. ang hirap eh. di ko na alam gagawin ko. wala rin namang nangyayari kung kontra ako ng kontra sa sinasabi ng parents ko. di ko na tuloy alam kung ano'ng mangyayari saken next year. but for sure, i'll miss everything here. after the session nga kina ami, ryan told me na mawawala raw ako sa kanila. pero naisip ko naman, isa lang mawawala sa kanila. pero saken, mawawala silang lahat.

oh well. ang hirap talaga...

bahala na. wala pa naman ang visa at plane tickets eh. di ko muna iisipin. for the meantime, enjoy ko muna ang mga panahong kasama ko pa lahat ng mga kaibigan ko, lalo na sina ryan, gee and the underground people.

Monday, December 22, 2003

man, things are getting shittier right now. forgive me for using the term. my friend was texting me awhile ago, and... shit. i don't want to remember anything about it. sometimes i wonder, why should i have a hard time thinking of how to solve another person's problems? one answer: coz he's my friend. yeah right, but i just want to keep quiet right now.

but i can't.

anyway, just got home from my grandparent's house. but before goin' there, i went to pauline's place with paul and gee. damn, i miss gee a lot. i already gave my gift to her. i hope she'll like it. :)

haay... life.

shitty.

haha... i got a new phone! and it's a nokia 7250. :)

hehe. mapapadalas ang online ko using mobile. but i still have to fix some more stuff. oh well. kaya yan. :)

pumunta kasi kami kahapon sa greenhills eh. grabe, sobrang daming tao! at kaiikot, sobrang sumakit ulo ko. napainom pa tuloy ako ng biogesic pag-uwi.

anyway, chattin' with ryan and abby sa YM. haay nako ryan. hahaha. alam mo na kung bakit. ;p

Sunday, December 21, 2003

here i am. since di na ako busy with stuff... post away!

flashbacks muna.

1208 - no design class. tambay sa as parking with ryan, dax, meg, kish, mac and kel. told ryan many things. oh well.
1209 - tumambay kami nina areson, klara, ryan and sherwin sa car ko sa music parking lot. hinatid namin ni ryan si klara sa house nila and we had dinner sa jolibee sa may cherry.
1210 - had lunch with ryan, klara and her orgmate sa kfc katips. a friend went here sa house and found out some things... argh. bad trip yun.
1211 - joyride kami nina ryan, gee, abby and dax. sinamahan namin si dax mag-ikot hanggang commonwealth. had isaw din. tapos, first time ng s3 magsama sa car ko. super bonding. :) tunnel scene... can't forget! grabe. past 6 pm, binisita namin nina ryan, dax, abby and peps si ami! nakita rin namin siya after some time.
1212 - jam went to UP! sama-sama rin kaming umuwi nina ryan and jam. tapos i bought some stuff sa arkishop, then had family dinner sa barrio fiesta edsa. lola's birthday eh.
1213 - went to meg's house to pick up some books. had lunch na rin dun, and did my plate pag-uwi.
1214 - busy with my plate pa rin. talked to ryan nung evening.
1215 - di natuloy yung presentation! we were asked na lang to help build the lanterns. kainis. oh well. tumambay kami nina ryan, mac and kel sa parking lot ng eng'g till past 7 pm.
1216 - had lunch kina meg with keziah. :) kinuha kasi namin plate ni meg. then practiced dance for bigay-kaya. stayed at arki till past 7 pm dahil na rin sa song practice for kay. bought deb and kay's gifts na rin.
1217 - very loooooong day. bigay-kaya in the morning, lunch with ryan, kel, mac, peps and nins, went to FA, tambay sa AS parking lot, went to kay's debut. sobrang saya ng debut ni kay! first time to see arki people in formal attire. haha. mukhang tao lahat. ;p basta, sobrang saya. tambay pa kami kina nins till early mornin'. got home around 3 am.
1218 - went to megamall with amia and paolo. sumunod samen si ryan. also watched the grudge! shit, sobrang naluha ako run! then we had session with meg kina ami. went home past 1 am.
1219 - cleaned the house all day because of the batch Christmas party! unang dumating si jan-lee, then sunud-sunod na! 30+ kami nun. sobrang ingay! sobrang saya! nag-vodka pa. ;p nag-overnight sina ryan, pauline, andrea and paul.
1220 - nagsimbang-gabi kami around 4:30 am... then went to 711 to buy food. pag-uwi ng house, pauline cooked the noodles, pero natulugan din namin! kinain na namin yun paggising ulit. ;p they went home around 2 pm na. tumambay naman ako kina paul till 5. nakatulog ako past 7 pm...
1221 - and nagising ako kaninang 8:30 am! grabe kasing puyat. tapos nakainom pa ako. hahaha... ;p

haay. tapos na flashbacks. my thoughts now.

i was browsin' the peyups site and found this sig sa isang member:

"ask me no questions and i'll tell you no lies."

oh my. sobrang tinamaan ako. i dunno. i've been lying a lot lately. pero ginagawa ko naman yun because of good reasons. well as for me, good nga yun. pero sa ibang naaapektuhan, alam kong hindi. haay. bahala na. tanong kasi ng tanong saken mga tao, pero wala naman akong maisagot na tama dahil natatakot akong magalit naman saken ang ibang people na involved. kumbaga white lies halos lahat ng ginagawa ko. pero lie pa rin yun. at masamang magsinungaling. bahala na...

oh well. ilang days na lang, Christmas na.

gave gifts na nga rin to some people pa lang. hehe. wala akong budget eh. basta, sa mga nabigyan ko, sana magustuhan niyo! thanks din sa mga nagbigay saken ng gifts... promise, i'll keep all of them. :)

sobrang lamig...

Friday, December 19, 2003

okay. napapansin ko, 2 weeks na akong walang kuwento rito!!!

ewan ko ba, bigla na lang akong tinatamad mag-type dito everytime i log in dito sa blogger... oh well. promise, after the batch Christmas party mamaya rito sa house, i'll put some stories. :)

anyway, just got home around past 1 am from ami's place. had another session with ryan, ami, meg and paolo. sayang di kami kumpleto. :( it's been two months bago kami ulit nakapag-session. hehe. kelan kaya sunod?

okay. have to sleep now. :)

Tuesday, December 16, 2003

haay... math exam na mamaya. haven't studied much yet for math...

tapos na pala survivor?! ngayon ko lang nalaman. and sandra won. sayang di man lang nasama si darrah (love ko) sa final three... at least 4th siya. :)

oh well. aral na...

Monday, December 15, 2003

almost 5 am... and still awake.

haay. not yet finished with design. no colors yet. good thing ryan will help me tomorrow... i mean, later pala. haay.

zombie na 'ko.

sobrang tagal nang walang kuwento rito. baka makalimutan ko na... o nakalimutan ko na nga. ahehe.

dito sa haws ang Christmas party ng upis2002. :) excited na ako! i bet magiging masaya 'to! ;p

Saturday, December 13, 2003

shit. wala pa talaga akong ginagawa! have to stop this laziness... pag wala akong nagawa, ewan ko na.

tuloy, wala na ako talaga sa mood magkuwento. hehe.

haay...

Thursday, December 11, 2003

hohum... got up considerably early enough dahil natulog ako kagabi around 10 pm. haven't done anything pa rin for my plate! grr... sobrang inaatake ako ng katamaran. shit. damn. ayoko na. haay. ilang araw na lang, presentation na.

anyway, kaka-offline lang ni ryan. told me something about ym stuff. oh well. ganun talaga eh.

sige, i'll try to do something for my plate. recit pa pala mamaya. wala pa akong notes. wala pa akong alam.

Wednesday, December 10, 2003

still not in the mood to talk about anything here... maybe sa weekend na lang. anyway, my friend was here kanina till past 6 in the evening. talked about lots of different stuff. haay. depressing.

whattablog days... puro depression. haha. ;p

anyway, wala pa akong nagagawa sa design! shit! monday na yun! damn! haay... katamaran nga naman.

we'll visit pala kina ami bukas. yehey! exciting. missed her so much! :)

Tuesday, December 09, 2003

oh well. ngayon lang ako ulit nagkaroon ng net card kaya i wasn't able to blog yesterday... anyway, monday and tuesday were actually good days for me. i dunno. marami lang siguro kasing nangyari. haay. friendships, trust, love and all... anlabo ng isip ko ngayon.

bukas na ako ulit magkukuwento, have to sleep now. have to get up by 5:30 to bring my car... coding eh. :)

Sunday, December 07, 2003

shit. sobrang depressed ako sa mga nangyayari ngayon... God... already chatted with ayin. alam na rin niya ang nangyari. di ko na alam kung ano'ng puwede naming gawin. di ko na talaga alam... na-realize ko lang, sobrang nalulungkot din ako pag nagiging depressed ang mga kaibigan ko... kailangan kong makausap si...

anyway, what i did today are all house chores. fixed the christmas decors and cleaned the car for three hours. oh well... christmas is fast approaching... pero i can't feel good with these things happening around me...

chatting with ryan din. as expected, nabigla rin siya ng sobra-sobra...

i already promised to my friend na hindi ko sasabihin kahit kanino yung conversation namin kagabi thru text. pero di ko alam kung kaya kong i-keep... kaibigan ko rin yung involved dun eh. and my biggest challenge is wag sabihin sa kanya yun. another thing, madalas ko pa naman siyang nakakasama. oh well. sana mapigilan ko sarili ko... ayokong mawala ang trust ng kahit sino sa akin...

oh my. bigla akong na-depress sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko.

may ka-text ako ngayon, at sobrang confused siya sa nararamdaman niya. actually, nalalabuan na rin ako sa kanya, though naiintindihan ko naman siya. maski nga ako nahihirapan sa problem niya eh. to think na ang person involved pa is one of my best friends. di ko tuloy alam kung ikukuwento ko sa kanya o hindi...

tapos ito namang isa ko pang kaibigan, sobrang lumubog na sa depression. para ngang gusto ko nang maluha rito dahil sa mga nangyayari sa kanya eh. gusto ko sana siyang i-comfort, pero parang mahirap siyang makausap ngayon... kung saken siguro nangyari yun, ewan ko na lang...

damn. wala na ako sa mood magkuwento ng thursday, friday and saturday. i'll make it short na lang:

thursday - walang arch 23, so nag-lunch kami nina meg, kish and rubie sa mcdo. after the design class, nag-stay naman kami nina meg and ryan sa arki till past 8 pm, tapos hinatid ko si meg sa bahay and si ryan sa sta. lucia. ginawa kasi namin data sheets sa fisik lab.

friday - fisik lab was irritating. nag-report kami. during the experiment, medyo asar kami sa prof. di namin natapos so na-move yung deadline ng data sheets. sinundo ako nina mac, cam, ryan and meg sa math, then nag-lunch kami sa mcdo with kish din. went to AF tambayan for banners/streamers production. then tambay kung saan-saan with the f3 (haha...), then watched the opening ng christmas lights sa quezon hall. had dinner din with some friends, and got home before 12 mn.

saturday - nag-stay lang ako rito sa bahay. boring. wala akong masyadong nagawa. nag-ayos lang ako ng christmas decors. tinayo ko yung christmas tree. sayang, dapat pupunta si ryan eh, pero ginabi na kasi sila ni val sa SM. they watched a movie pa kasi. naghanap ako ng mayayayang lumabas, pero walang puwede. so talagang nandito lang ako sa bahay at nanood ng TV. boring...

oh well.

life... ang hirap intindihin.

kung kelan palapit na ang pasko, mga ganitong bagay pa ang nangyayari...

Saturday, December 06, 2003

haay. tiring thursday and friday... pero sobrang fun naman eh. haha.

hmm... medyo tinatamad pa ako magkuwento. basta, got home na kanina before 12 mn. chattin' with mac and meg ngayon sa ym. oh well. haha. paggising ko na lang yung kuwento. ;p

Wednesday, December 03, 2003

haay... design and lab. yun ang acad loads ko for the remaining two days of this week. oh well. nakakatamad gawin kahit sobrang kelangan na. maya-maya na nga.

anyway, saya ng bowling. :) nag-street dance workshop din kami nina ryan, cam, kaycee and claudy. sayang, di nakasama si gee. asteeg yung tinuro samen. sobrang bilis ng steps kaya ang sarap sayawin. :) sinundo kami ni kish dun sa alumni center pero ako lang sumama. nakilala ko pa si bronson. haha, panibagong friendster! gawan ko raw si katleya. hehe. :)

naghintay kami ni kish kay meg till 6 pm sa math. but before that, nilibot namin ang UP para lang maghanap ng mr. chips niya! hehe. :) buti nakahanap kami sa may tabi ng main lib!!! :) naghintay lang kami ng 6 sa car ni kish. kumain kami at gumawa ng acads. oha! paglabas naman nina meg, sinamahan namin si ria kumuha ng taxi pauwi, at kaming tatlo, tumambay sa math steps (ui, bago!) till around 6:45. :)

haay. nakakapagod. pero ang saya. :)

anyway, tuloy na ang dinner kina kish sa friday. :)

whew...

for the past three nights, i had weird dreams... i dunno kung bakit ganun ang mga nangyayari. kaya everytime nagigising na ako, medyo napapaisip ako.

here goes.

sunday

pagdating ko rito sa bahay, biglaan na lang sinabi sa aking aalis na kami papuntang states kinabukasan. sobrang nabigla ako nun. weekday pa man din yun so may class pa. sobrang di ko alam gagawin ko nun. di ko na nagawang magparamdam sa mga kaibigan kong aalis na ako the next day.

sa airport, i texted ryan. sabi ko aalis na ako. nag-sorry na lang ako kasi too late ko nang sinabi. di na nila ako makikita dahil nasa airport na nga ako eh. di ko man lang sila nakita bago ako umalis. after kong mag-text, pinatay ko na cellphone ko. ang weird, pero naluha ako nun. haay.

monday

birthday ko kinabukasan. so pumunta ako sa isang weird na chapel. di ko nga lang maalala kung sino mga kasama ko. pero may dala akong kotse. sa loob, nakasama ko bigla sila mac at kel. haha, may weird na nangyari samen. ayoko nang i-discuss dito. ;p ang mas weird pa, nung pauwi na kami, sabi ko commute muna ako tapos babalikan ko yung kotse maya-maya. pagkarating ko sa bahay, nakatulog ako agad! di ko na nakuha yung kotse!

kinabukasan, marami akong nakitang mga kaibigan sa garage namin. birthday ko na! pero paglabas ko, nawala lahat! nandun na yung car ko, at nasa loob sina wacky, chano, dax, red, donna at mga di ko na naaalala. haha. anlabo. tapos nagdatingan sina gee, klara, ryan, claudane, angel t., fyds... haha di ko na maalala yung iba... at nag-party na kami rito. weird. wahehehe...

tuesday

naglalakad kami nina gee, ryan at dax sa mga kalyeng hindi ko alam kung saan. at... biglang umulan! nabasa kami... at naghanap ng tricycles. naunang sumakay sina gee at ryan, tapos sumunod kami ni dax. hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari eh. ang naalala ko na lang, dumating na ako sa bahay... may 2 weird people na dumating. namamaril ng pellet gun yung lalaki. some sort of limos yata ginagawa nila eh. pero ang mas weird at bad trip dun, nung dumating dad ko, sobrang bad trip siya. pinagbabaril din niya kami ng pellet gun. sa sobrang galit, minura ko siya at tumakbo palabas ng bahay. hinabol niya ako. takbo ako ng takbo at...

nagising na ako.

haay. ang weird ng dreams ko lately. bakit kaya ganun? haay. sana walang magkatotoo sa mga yun.

oh well. sobrang bad trip ako rito sa bahay. siniraan pa ako ni ate sa kausap niya kagabi sa phone. well, bitch naman siya eh. leche. bad trip siya. feeling niya siya laging tama. tapos kani-kanina lang, while typing this, mom told me to join a singing competition. choir of 20. may 10 na raw. tapos next wednesday na. duh. one week na lang to practice?! tapos di ko pa kilala yung 10 people. maghanap pa raw ako ng 9. anlabo. tapos sobrang dami ko pang acads work tulad ng plates. di talaga sila makaintindi. bakit daw nag-practice pa ako nun ng dance for kaye-ann's party. eh hello? sem break na kasi yun! at yung kakantahan kong debut ni kay? duh. at least di yun competition at di na kelangan ng sobra-sobrang practice. mamaya mapahiya lang ako sa competition na yun eh.

leche talaga.

anyway, ka-chat ko ngayon si ryan. nasa eng'g na raw siya. haha. araro.

sige, prepare na ako for PE. :)

Tuesday, December 02, 2003

haha... tuesday. no arch 18! hehe. :)

ano ba... hmm... tapos na math exam ko! haha. himala, nasagutan ko lahat except for one na di ko natapos sagutan. :( oh well. sana at least 80% makuha ko. dream on. wahehe...

magkasama kami nina kish, meg, abby and are sa car ni kish. dumating sina ryan at mac, tapos yun, usap-usap na. sinundo namin ni are si serwin, tapos kinuha laptop ni kish sa cmc, tapos nag-fishballs. sinundo ko sina cathy at rika, at hinatid ko si rika sa bahay. :) dumaan kami kay cla sa katips eh. lakas na pala talaga mag-yosi nun... pero miss ko na rin yun...

haay. dinner daw kina kish sa friday. pero, matutuloy kaya movie namin nina ryan, mac at cam sa friday? bahala na. hehe. :) street dance workshop bukas! magkasama kami nina gee, ryan at cam. :)

Monday, December 01, 2003

math exam bukas... shit.

kelangan ko na 'tong ipasa talaga. pag hindi pa rin, ewan ko na.

anyway, buti tapos na report namin kanina for arch 23. haay. when i was doin' my arch 22 plate sa lobby, dumatin sina ryan, mac, kel and kish with meg. hehe. tambayan na rin nila ang arki. tinanong na nga ako ni deb kung bakit daw sila laging nandun eh. haha. :) sabi ko mga barkada namin ni meg yung mga yun. haha, ewan. ;p

hinatid ko nga pala si ben sa vinzons at meg sa bahay nila. wala lang. dun na ako nag-dinner. buti na lang, wala pala kasing food dito pag-uwi ko. nilinis ko na rin ng onti yung car.

haay. makapag-aral na nga. wish me luck...

academic mode ako nitong nakaraang sunday... woke up early para sa arch 23, the went to meg's house nung hapon for arch 23 pa rin. the studied some math. and did research na rin for arch 22 museums... ginagawa ko pa nga pala boards ko ngayon. haha. nakakatamad eh...

naka-chat ko kanina sina maikel, abby, liz and ryan. nag-text pa si ryan dahil nagloloko ym niya. haha. malas. ;p

haay. inaantok na ako. but no, still have to do arch 22 and read for arch 23... report na namin today! then math exam tomorrow. shit. oh well.