Sunday, September 28, 2003

zzz... inaantok na ako. pero kausap ko pa sa ym conference sina dax, ayin at pepoy. natapos na yung conference with the arkikada. haha. =)

umuwi si ryan, past 11:30 pm na. buti nakauwi siya agad.

di ko na magawa ang arch 6... nakaka-tempt humiga rito sa bed. katabing-katabi ng pc... oh well.

Saturday, September 27, 2003

haay... gabi na naman... sunday na naman bukas... tapos kinabukasan, last week na ng classes. sobrang daming requirements...

nandito pa si ryan. nasa kabilang kuwarto. tumatawa mag-isa. haha. =) de, may pinapanood kasi siyang tv show. ewan. hehe...

nandito rin si ria kanina, gumawa kasi kami ng arch 6. hmm... actually, di kami halos nakagawa! ngayon lang, kaya nandito pa nga si ry. test pa niya bukas sa es1. finals. good luck ryan!

ano'ng oras kaya 'to uuwi? di pa nag-aaral...

excited na ako sa final output namin. sana manalo kami sa nescafe!!! =)

Friday, September 26, 2003

friday's supposed to be my favorite day... tama nga ba?

i woke up, past 9 am na. sobrang nagmadali ako for my math class. past 10 na ako nakaalis dito sa bahay!

math, lesson. fisik, recit. i got 8 out of 10! puro hula lang naman. haha. =) si margaux, perfect! 14 nga pala ang naka-white sa amin. nakaka-op. hehe, di kasi ako naka-white eh!

nag-lunch kami sa TK katips. nag-meet naman kami nina ryan at ria sa AS lobby for our arch 6 stuff. nag-usap-usap kami sa third world till 4 pm. bumalik kami ni ry sa lobby, siya dumiretso sa car ni kish. kinuha ko yung data sheets ko sa fisik with abby and rubie. =) bumalik sina ry at kish sa lobby, past 5 pm na. nagyaya si ry sa sunken para manood ng rotc parade. pumunta kami dun with klara.

tapos, basta. pumunta kaming cmc. tapos...

ah. ewan. si ryan kasi eh. got home, almost 7 pm na.

have to sleep... punta pa rito sina ry at ria bukas ng umaga...

whattalife...

Thursday, September 25, 2003

whattaday...

math, lesson. fisik, lesson. lunch sa eng'g canteen. di ako pumasok ng arch 6, pero nag-attendance ako. haha. =) nag-practice kami ng sayaw nina xernan, gel, chin, chester and ken. nagturo pa si xernan ng bagong steps. grabe, ilang oras na lang nun, concert na! sobrang hapitan!

sa arch 21, nag-present kami ng design program, problem and concept. we got a 100 daw sabi ni ria! woohoo! ang saya! (thanks din ryan!) nakaalis na ako sa class, past 6 pm na...

practice kami ng practice sa labas. nung break muna, nag-practice kami... apat na lang kami nina gel, chin at ken! wala na si chester. di na tumuloy. si xernan naman, may activity sa chk. nung sumayaw na, marami kaming mali. pero ayos lang, bilib pa rin sila sa amin! ang bilis ng moves eh. to think na kanina lang din yun tinuro sa amin!

sabay kami ni meg umuwi. (thanks meg, pinanood mo ako't hinintay!) nag-text din si ryan, nag-sorry kasi di siya nakanood. haha, gumawa pala ng FLR ang loko. hehe. nakauwi ako rito sa bahay, past 9 pm na. haay...

member na ako ng arkaira!!! =) dalawa na ang org ko.

makatulog na nga... mahabang araw na naman bukas...

Wednesday, September 24, 2003

haay... very tiring day.

PE, nag-practicals kami. project route. ako yung pinakaunang umakyat, para wala pa masyadong makanood. haha. =) di ko nga lang natapos. 4.2 lang score ko. one of the lowest nga yata ako eh. pero ayos lang, ayoko namang mapili for next week's inter-class...

sa AS 2, tinapos lang ang reports. wala sina dax, meg at claudy. wala na kaming class next week. na-dismiss kami ng 12 nn. pumunta na kaming lobby para kina ayin at ryan.

nag-lunch kami nina serwin, ryan, keziah at ayin sa casaa. tapos dumiretso kami kina ayin dahil may report silang ginawa for english. pumunta rin si gee. umalis sina keziah at ayin ng 2. umalis si gee ng 3:30. dumating si ayin before 4. nandun kami sa kanila hanggang past 8.

tagal ko sa philcoa... basta. gago ko talaga... dumiretso ako sa bahay nina lola. had a good talk with her. buti na lang naiintindihan niya ako.

oh well. mali ginawa ko. nag-sorry pa ako kay ryan. di kasi ako nakinig eh. sana di ko na yun ulitin. sana lang talaga.

bad trip ang araw na 'to...

Tuesday, September 23, 2003

haay... PE na naman bukas. have to wake up early...

yesterday... nakuha ko na 5th exam ko sa math. i can't believe it. 85.69%?! grabe! akala ko wala na akong pag-asa... meron pa pala. kailangan ko pa ng 68% sa last long exam at final exam para maka-3.0. possible kaya yun? sana...

sa AS lobby, medyo nairita ako. pero ayos lang. sina ryan at claudy naman yun eh. kaso nga lang talaga... damn. ayoko na.

may arch 21, pero napunta kami sa seminar. wala na kaming esquisse, at na-move ang deadlines. sa thursday pa ang presentation ng design program. i got a 95 nga pala sa first plate. asteeg. =) sana maka-uno ako kay sir o!

kanina... nag-math at fisik ako. nag-promise ako kina deb na di na ako a-absent sa fisik eh. nag-quiz, at di ko nakuha yung 2nd question. haha. =) nag-report kami sa arch 17, sobrang joke. impromptu! di naman halata eh. buti na lang may visuals si aizza. =) wala nga lang kaming written report. next week na lang.

bumalik ako sa AS, nandun lang sina ryan at gee. haha, our group. =) nagkaguluhan lang kami. lokohan, hiritan, asaran! dumating din yung arki, so sila naiwan dun nung pumunta na kami sa classes namin...

mock exam. fisik lab. nakakainis. ang hirap. out of 6 stations, 2 lang may sagot ako. di pa tama lahat. oh well. buti na lang mock yun. mag-aaral pa pala talaga ako dapat for practicals, kahit 1 unit lang 'to.

nagkita kami ni ryan sa AS steps, medyo bad trip siya, pero ayos lang naman. nakasama rin namin si abi, hanggang nag-decide na akong pumunta sa arki at si ryan kina dax. pagdating ko sa arki, walang practice dahil may class pa sila gel. so, pumunta kami nin ken sa SC at umuwi na ako after.

hirap makasakay sa philcoa... walang anonas jeep. nag-ibang route ako.

oh well. maaga pa nga pala ako bukas...

God, sana mapasa ko ang math 54. favorite number ko ngayon: 68. kailangan kong maging favorite number 'to para sa last two exams...

Sunday, September 21, 2003

heto na naman ako. na-miss ko ang thursday to saturday blog.

what happened nung thursday? di lang naman kami natulog simula nung wednesday night. ilang minuto lang kami nahiga, tapos yun na. umalis kami kina ria, past 7 am na. umuwi ako ng bahay at dumiretso si ben sa eng'g.

pagdating ng math, sabog talaga ako. walang pumapasok sa utak ko sa mga itinuturo ni sir. sa fisik, ganun din. sumakit talaga ulo ko.

nalaman ko... walang arch 21! *(^&*@%^#&*#!!!

dumiretso akong AS lobby, nagpa-photocopy ng notes ni deb. nag-lunch naman kami sa gayuma nina deb, madz, jax, kay at gaux. ang sarap pala ng ring of desire. hehe...

tumambay ako sa AS hanggang mga before 5 pm. sinabayan ko si rubie umuwi. di na tuloy saken nabigay ni ryan yung cd-rw niya. natulog ako ng 6 pm... at nagising ng before 9 pm. tumingin lang ako sa paligid ko ng onti, at natulog ako ulit. nagising ako, 6:30 am na. ang haba ng tulog ko. palibhasa walang tulog nung last night. di man lang ako nakapag-dinner!

friday, maaga ako sa math. it was a black-blue-red-white day for us arki people. nag-review sa math, tapos recit sa fisik. tatlo lang kami nung una nina yel at madz, pero dumating na rin si dea. si ben, no. haha. =) wala kaming mali sa recit!

sinamahan ko si loz sa AS at nakuha ko na yun cd kay ryan, tapos nag-lunch kami sa casaa. nung naghiwalay na kami, tumambay ako sa AS. nandun si pauline! sa AS walk naman, sobrang nagustuhan ko yung fluid surf stuff dun ng grip. so nag-withdraw ako sa PNB kasama sina gee, kaye-ann, katkat, elaine at pauline. pinautang ko rin sina kc at ryan, so pare-pareho kaming happy. haha. =) i got a new wallet!

maaga ako ulit umuwi. himala raw sabi nina pauline at jan mike. haha. =) nasa bahay na ako, past 5 pm pa lang. nag-aral ako ng math... natulog ako, almost 12 mn na.

saturday... damn. aga ng test. 7:30-9:30 am. after the exam, sinamahan ko si loz sa arki dahil may GA rin ang arkaira. tinuro na saken ni kenneth yung rock your body... sa cr! haha. puro counting palang eh. nung may music na, di na ako makasunod! =) hinintay ko matapos yung es1 exam ni ryan hanggang 6 pm, tapos sabay na kaming umuwi.

mga 11 pm pa lang, nakatulog na ako. na-miss ko ang YM session ng arki people kagabi. oh well.

excited na nga pala ako sa debut party ni kaye-ann. sasayaw kami ng street dance. nag-choreo ako! hehe. sana magandahan sila sa steps na ginawa ko!

Wednesday, September 17, 2003

ang panget ng format ng blog na ito... nakakaasar.

nandito ngayon sa bahay si ben. hinihintay naming mag-9pm para pumuntang gym at mag-overnight kina ria. design kasi eh. pag wala si sir o bukas, grr...

ang haba nga araw na ito...

woke up around 5am, pero tinamad pa akong bumangon. bumangon talaga ako, past 6 am na. nakarating ako sa mcdo philcoa, mga past 7 am na. nandun na si gee. akala ko ako na ang last na darating. eh wala pa naman pala sina dax at vitt. hehe. sila pa naman may kotse. sunod na dumating si joanne.

sa biyahe, nagpa-gas pa kami. ang saya ng ride, lima kami, sobrang lamig ng hangin. sabi nga namin idiretso na sa baguio o tagaytay. sayang nga lang, may exam kasi si vitt ng 2 pm. haha. =)

pagdating ng power-up pasig, climb na ng climb! ang ganda ng lugar. masaya mag-climb dun. mataas ang walls, kaya medyo nakakalula. nasulit ko naman yung binayaran kong P70. first time ko pang mag-rent ng climb shoes!

nakaalis kami dun, 11:45 na. at 10 ang AS 2 ko. nakarating kami sa UP mga past 12 nn na, pero nag-AS pa rin kami ni dax. nag-seat in si gee. medyo maaga kaming natapos.

nag-lunch kami sa tokyo tokyo katips. kasama ko sina claudy, gee at serwin. di na samen sumama si ryan dahil ang arte niya. haha. =) nag-field work kasi siya sa GE 10 eh, kaya ang dugyot daw niya.

nakabalik kami sa UP, past 4 na. di na ako nakapag-math. niyaya ko na lang si ben pumunta rito sa bahay dahil hindi na natuloy yung 5-7pm meeting namin...

at nandito na kami ngayon.

test ko na sa math sa sabado. si ben, bukas na. malas... wish us luck!

Tuesday, September 16, 2003

haay... tagal ko na namang di nakakapag-online!

tinatamad na akong pumasok. andami ko nang absent. tapos di pa ako nakakapag-online? hehe...

oh well. sum-up na lang.

0905 - mcdo philcoa with macky, jik and ben.
0906 - field trip ng AS 2 with dax, maikel, serwin, meg, claudy and june. pumunta kami sa debut ni cha after. daming 02!
0907 - pahinga muna ako rito sa bahay...
0908 - macky's birthday. pumunta si ryan sa arki. tapos, may masama pang nangyari...
0909 - ganun pa rin. paranoid. symposium ng HTC at AF sa eng'g theater.
0910 - test sa math. haay. nandun ako kina alej till past 11pm. watched the cheering compet on tape. =)
0911 - di ako nag-math at fisik. design lang. haha. tinamad ako eh.
0912 - lunch sa mcdo. lamangan at looban sa AF.
0913 - meeting namin nina ria at ben sa arki for arch 21. nagkita rin kami ni ryan at cathy. had my haircut. party ni deann sa brannigan's live timog.
0914 - rest ulit...
0915 - di ako nag-fisik. may nalaman akong hindi maganda na namang nangyari. pumunta kami nina ben at ria sa integrated montessori center sa makati. sumama sa amin si ryan. close na siya sa dalawa. hehe. nag-stay kami kina ria till past 9. nag-dinner kami ni ryan sa jollibee kamias.
0916 - ngayon... hmm... meet kami before math for design. lunch kami sa world topps. on the spot reaction paper sa 17. last experiment sa fisik lab. kulit din ni ryan sa missed calls. haha. =)

makapag-aral na nga.

kelan kaya ako ulit makakapag-online? hmm... =)

punta kaming power-up pasig bukas! pero ang aga...

Thursday, September 11, 2003

haay. isang week na pala akong di nakakapag-online!

madami na namang kuwentong napalampas...

ang gulo ng mga pangyayari. may mga masaya, may mga malungkot.

di na naman ako pumasok ng math ngayon. bad trip (as usual) yung test kahapon.

bahala na...

Thursday, September 04, 2003

sa wakas, napanood ko na rin ang finding nemo!

ngayon lang? duh. haha. =) buti na lang nakahiram ako kay jax. salamat sa iyo!

hmm... as usual, math at fisik lang ang naging class ko. wala na naman si ozaeta... gumawa kami ng arch 6, tapos tumambay sa arki hanggang matapos ang arch 21 ni st. roman. sabay kaming umuwi nina meg, nins, at kev. hinatid kami ni kev sa katips. thanks kev!

haay... tinatamad akong mag-type ngayon.

wala ako halos inisip kanina kundi ang pag-drop ng math. bukas na ang deadline. ayoko na mag-drop. bahala na...

have to sleep na... kakauwi ko lang kasi ng past 12...

i woke up at 7:30am, at sobrang nagmadali for my 8am class... only to find out (ulit), walang class! nagpahatid na ako sa AS. nakita ko dun si liz, so sinamahan ko muna siya sa main lib. bumalik ako sa AS ng 9:30, at dumating na rin sina maikel, claudy at dax. dumating din si ryan, nagpasama saken sa eng'g para kunin yung payong niya.

pagkuha namin ng payong, dumaan kami sa arki. nandun sina loz, jax at gaux. pumunta sa CSC sina jid, ben at deb. nakipagkulitan muna ako sa kanila, tapos pinakilala ko na rin si ryan. umalis kami dun, past 10 na. at 10 ang AS2 ko.

pagbalik namin sa AS, si gee ang nandun. umakyat na ako sa AS2, pero di naman dumating si sir. pumunta kami sa FC for a nyoy volante event. since maaga kaming nag-register, kumain muna kami sa lobby. pagbalik namin dun, late na, so di na ako tumuloy. pumunta na ako sa arki para sa arch 6. pumunta kami sa natio at kumain sa bk. bumalik kami sa arki, almost 3pm na. di na ako nakapag-arkaira meeting.

ginawa namin yung model ni nefertiti. umalis ako dun, almost 6pm na. so di na ako nakatulong sa pagluto. pagsakay ko ng jeep, nandun din sina ryan, cathy at rika. mineet ko si gee sa ilang-ilang, so sabay-sabay na kaming pumunta kina alej...

ang saya ng party! todo kainan at sayawan! pyramids... jumping... all the grooves. =) sobra. grabe pa ang picture taking sessions. hehe... asteeg. nakakamiss na talaga silang kasama. kahit puro UPD na kami halos lahat, di mo pa rin maiiwasang ma-miss yung ibang tao. hindi ko nga siguro sila masyadong na-miss physically, pero sobrang na-miss ko na yung mga pinaggagawa namin nung high school...

haha. drama. =) umalis kami dun, past 9 na. pag-uwi ko rito, pumunta kami ng pinsan ko kina ate teri. nandun kami hanggang 11:30. =) kaya eto ako ngayon, gising pa.

i have to sleep na talaga. =) nakakapagod ang mga pangyayari, pero masaya. =)

Tuesday, September 02, 2003

pumasok ako today sa UP, only to find out na suspended ang classes. haay.

gumising ako ng 7am, pero natulog ako ulit dahil sobrang lamig. nagising tuloy ako, past 9 na. tinapos ko pa yung FLR, at inayos ko yung CD ni ryan. natapos ako almost 10am na, kaya tinamad na akong pumasok. sobrang lakas pa ng ulan at wala pa akong payong kaya lalo akong nakapag-decide na wag nang pumasok.

nag-online na lang ako ulit. naghanap ako ng lyrics ng why ni avril. LSS ko eh. basta LSS, lagi kong piniprint. haha. dumating din dad ko before 11 so nagpahatid na ako sa AS for fisik.

pagpasok ko ng AS lobby... nalaman kong wala nang pasok. sana hindi na ako umalis ng bahay! pero ayos lang dahil akala ko nga ipa-pass pa yung FLR at ibibigay ko kay ryan yung CD. yun pala, moved din ang deadline ng FLR. haay. sinamahan ko lang bumili ng lunch si meg sa casaa, tapos tumambay na ako sa lobby.

past 1, kami na lang ni kc ang nasa tambayan. hinintay namin si ryan dahil sa magkaibang dahilan: kay kc, yung shirt design ng UP pep boosters. saken, yung CD nga. kakahintay, natulog muna ako sandali. pagdating nila ryan, keziah at mac, pumunta sila sa NIP. pagbalik, natulog sila sa kotse.

naglakad ako mag-isa sa may acad oval. umabot ako sa tambayan ng AF, at pumirma ng ilang sigsheets. after nun, bumalik na ako sa AS dahil kinailangan na ni kc pumuntang gym. sabay kaming kumain sa casaa, at sumama na ako sa kanya sa gym.

napanood ko na rin ang UP pep... so mas okay na saken kahit di ako makakanood sa sabado. lecheng field trip yan. anyway, ang galing nila, sobra. nakakatuwang panoorin, lalo na nung nag-headstand silang lahat!!! =) nakakabilib talaga silang lahat. nandun kami hanggang past 5. pumunta kami nina kc at ryan sa mcdo philcoa para i-meet si donna.

nauna na si kc dahil sinundo na siya sa EVER, kaya kami na lang ni ryan ang naiwan. nakita ko pa si pepoy, may kasamang friend. haha. tinukso ko lalo kay donna. =) pagdating ni donna, umalis din siya agad. nag-stay kami ni ryan sa mcdo hanggang 7pm. nagkuwentuhan lang kami't naglaro ng my word. haha, napaka-intelektwal talaga ni ryan! may nangyari pa nun kaya sobrang saya niya. =)

haay... PE at AS2 na naman bukas. tinatamad na akong pumasok since last week. ewan ko ba.

birthday na ni alej bukas... excited na ako sa party! =)

Monday, September 01, 2003

haha, di na ako nakapagkuwento kahapon. =) sa susunod na lang! gumagawa pa kasi ako ng FLR eh. nakakainis.

oh well. ano ba nangyari ngayon? hmm... hanggang fisik lang ang klase ko. i got 27 out of 40 sa 2nd long exam ng fisik. mataas na nga yun sabi ng friends ko, pero medyo mababa pa rin kung iisipin. ah basta pumasa, ayos na.

tumambay ako sa AS lobby buong hapon. nag-lunch ako sa lobby kasama si claudane, tapos naglaro kami ng my word kasama nina dax at abby. pagdating nila ryan at ayin, nag-lunch sila sa casaa. sumama rin ako sa kanila. after kumain, pumunta naman kami nina ayin, ryan, rubie at abby sa upis para sa sulyap ni ayin. nakausap din namin dun si yesha, este si ma'am sher. =) pagkakuha ng sulyap, hinatid na namin si ryan sa math, at dumiretsong AS.

sa AS, inisip ko pa kung papasok ako ng arch21 o sasama ako kay keziah. pinuntahan ako ni ben sa AS steps kaya di na ako nakasama sa SLO. kasama ko rin dun sina gee at diwa. around 5pm, napadaan dun si ryan at tinawag ko. di man lang kami napansin! tumambay pa kami sandali sa steps hanggang naglakad na kami papuntang gym.

wala pang kasama si ryan dun kaya sumama siya samen mag-mcdo. naglaro lang kami ng my word at hindi kumain. ang kapal talaga. haha. =) di naman nila napansin eh.

past 8pm na nung nakauwi ako. at heto ako ngayon, gumagawa pa ng FLR.

oh well. back to work...